Talababa
d Nakagawa si Haring Asa ng malulubhang kasalanan. (2 Cro. 16:7, 10) Pero sinabi ng Bibliya na ginawa niya ang tama sa paningin ni Jehova. Totoo, hindi niya tinanggap ang pagtutuwid noong una. Pero posibleng nagsisi rin siya bandang huli. Mas maraming nakita si Jehova na mabuti sa kaniya kaysa masama. Ang pinakamahalaga, si Jehova lang ang sinamba ni Asa at ginawa niya ang buong makakaya niya para maalis ang idolatriya sa kaharian niya.—1 Hari 15:11-13; 2 Cro. 14:2-5.