25 Sinabi ni Bildad+ na Shuhita:
2 “Sa kaniya ang pamamahala at ang kakila-kilabot na lakas;
Nagtataguyod siya ng kapayapaan sa langit.
3 Mabibilang ba ang hukbo niya?
Mayroon bang hindi nasisikatan ng liwanag niya?
4 Kaya paano magiging matuwid sa harap ng Diyos ang taong mortal,+
O paano magiging walang-sala ang ipinanganak ng babae?+
5 Maging ang buwan ay hindi maliwanag
At ang mga bituin ay hindi malinis sa paningin niya.
6 Gaano pa kaya ang taong mortal, na isang uod lang,
At ang anak ng tao, na isang bulati!”