Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 10/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Magpaakay sa Diyos na Buháy
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 10/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Angkop ba na tumanggap ng isang bakuna o ng iba pang medikal na pag-iiniksiyon na may albumin buhat sa dugo ng tao?

Ang totoo, ang bawat Kristiyano ang personal na magpapasiya tungkol dito.

Wasto lamang na naisin ng mga lingkod ng Diyos na sundin ang utos na nasa Gawa 15:28, 29, na umiwas sa dugo. Kaya naman, ang mga Kristiyano ay hindi kakain ng karneng di-pinatulo ang dugo o mga produktong gaya ng langgunisang may dugo. Subalit ang batas ng Diyos ay kumakapit din sa larangan ng medisina. Taglay ng mga Saksi ni Jehova ang isang dokumento na nagsasaad na sila ay tumatanggi sa ‘pagsasalin ng dugo, buong dugo, mga pulang selula, mga puting selula, mga platelet, o plasma ng dugo.’ Subalit, kumusta naman ang tungkol sa pag-iiniksiyon ng serum na naglalaman ng katiting na protina ng dugo?

Matagal nang natanto ng mga Saksi na ang bagay na ito ay para sa personal na pagpapasiya ng isa ayon sa budhing sinanay sa Bibliya. Ito ay niliwanag sa “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” ng Ang Bantayan ng Hunyo 1, 1990, na tumalakay sa pag-iiniksiyon ng serum na maaaring irekomenda ng isang manggagamot kung ang isa ay nahantad sa ilang sakit. Ang aktibong bahagi ng gayong mga pag-iiniksiyon ay hindi ang plasma ng dugo mismo kundi ang antibodies buhat sa plasma ng dugo niyaong mga nakabuo ng pandepensa. Ang ilang Kristiyano na nakadarama taglay ang malinis na budhi na maaari nilang tanggapin ang gayong pag-iiniksiyon ay nakapansin na ang antibodies buhat sa dugo ng isang babaing nagdadalang-tao ay tumatawid tungo sa dugo ng sanggol na nasa kaniyang bahay-bata. Binanggit ito ng “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa,” gayundin ang katotohanan na ang ilang albumin ay dumadaloy buhat sa isang babaing nagdadalang-tao tungo sa kaniyang sanggol.

Nasumpungan ng marami na ito’y kapuna-puna, yamang ang ilang bakuna na hindi inihanda buhat sa dugo ay maaaring magtaglay ng katiting na plasma ng albumin na ginamit o idinagdag upang panatilihin ang mga sangkap sa gamot na espesipiko. Sa ngayon gumagamit din ng katiting na albumin sa mga pag-iiniksiyon ng sintetikong hormone na EPO (erythropoietin). Ang ilang Saksi ay tumatanggap ng pag-iiniksiyon ng EPO dahil pinadadali nito ang produksiyon ng pulang selula ng dugo at sa gayon ay pinapawi sa isang manggagamot ang pagkadama na maaaring kailanganin ang pagsasalin ng dugo.

Ang ilang gamot na espesipiko ay maaaring gamitin sa hinaharap na nagsasangkot ng katiting na albumin, yamang ang mga kompanya ng gamot ay gumagawa ng bagong mga produkto o binabago ang mga pormula ng mga umiiral na. Kung gayon ay baka naisin ng isang Kristiyano na isaalang-alang kung ang albumin ay bahagi ng isang bakuna o ibang pag-iiniksiyon na inirerekomenda ng doktor. Kung sila ay may mga alinlangan o may dahilan upang maniwalang ang albumin ay isang bahagi, maaari silang magtanong sa kanilang manggagamot.

Gaya ng nabanggit na, maraming Saksi ang hindi tumatanggi sa pag-iiniksiyon na may katiting na albumin. Subalit, dapat repasuhin ng sinuman na nagnanais na pag-aralan nang lubusan ang bagay na ito bago magpasiya ang impormasyon na nasa “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” ng Ang Bantayan ng Hunyo 1, 1990.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share