-
Pagsaludo sa Bandila, Pagboto, at Serbisyong PangkomunidadManatili sa Pag-ibig ng Diyos
-
-
ay magbibigay sa akin ng panahon para mapalawak ang aking espirituwal na mga gawain, marahil ay makibahagi sa buong-panahong paglilingkod?’—Hebreo 6:11, 12.
Kung ipinahihintulot ng budhi ng isang Kristiyano na gumawa ng serbisyong pangkomunidad sa halip na mabilanggo, dapat igalang ng mga kapuwa Kristiyano ang kaniyang desisyon. (Roma 14:10) Pero kung ipinasiya niyang hindi gawin ang gayong serbisyo, dapat din itong igalang ng iba.—1 Corinto 10:29; 2 Corinto 1:24.
-
-
Blood Fractions at mga Pamamaraan sa Pag-ooperaManatili sa Pag-ibig ng Diyos
-
-
APENDISE
Blood Fractions at mga Pamamaraan sa Pag-oopera
Blood fractions. Ang blood fractions ay kinuha mula sa apat na pangunahing sangkap ng dugo—mga pulang selula, mga puting selula, mga platelet, at plasma. Halimbawa, ang mga pulang selula ay naglalaman ng protina na hemoglobin. Ang mga produkto na galing sa hemoglobin ng tao o hayop ay ginagamit sa paggamot sa mga pasyenteng nawalan ng maraming dugo o may acute anemia.
Ang plasma—na 90 porsiyentong tubig—ay may mga hormon, di-organikong asin, enzyme, at nutriyente, kabilang na ang mga mineral at asukal. Nagtataglay rin ang plasma ng mga sangkap na tumutulong para mamuo ang dugo, mga antibody na panlaban sa sakit, at mga protina na gaya ng albumin. Kung ang isa ay nahawahan o posibleng mahawahan ng isang partikular na sakit, maaaring magreseta ang mga doktor ng mga iniksiyon ng gamma globulin, na kinuha sa plasma ng dugo ng mga taong mayroon nang imyunidad sa sakit na iyon. Ang mga puting selula ay maaaring pagkunan ng mga interferon at mga interleukin, na ginagamit upang lunasan ang ilang kanser at impeksiyon na dala ng mga virus.
Dapat bang tumanggap ang mga Kristiyano ng paggamot na may blood fractions? Hindi nagbibigay ng espesipikong detalye ang Bibliya hinggil dito, kaya ang bawat Kristiyano ay dapat personal na magpasiya sa harap ng Diyos ayon sa sinasabi ng kaniyang budhi. Ang ilan ay tumututol sa lahat ng blood fractions. Ikinakatuwiran nila na hinihiling ng Kautusan ng Diyos sa Israel na ang dugo na inalis sa isang nilalang ay dapat “ibuhos . . . sa lupa.” (Deuteronomio 12:22-24) Ang ilan, bagaman tutol sa pagsasalin ng purong dugo o
-