Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kabalakyutan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • kayo sa Diyos. Totoo na napakaraming kasamaan, at nagsimula ito noong una pa, bago tayo naging tao. Nguni’t naisip ba ninyo ito . . . ? (Gamitin ang mga punto sa parapo 1 sa pahina 84, tungkol sa haba ng panahong tiniis ng Diyos ito.)’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Marahil sang-ayon kayo sa akin na ang sinomang may kakayahang magtayo ng isang bahay ay mayroon ding kakayahang linisin iyon. . . . Yamang nilikha ng Diyos ang lupa, hindi mahirap para sa kaniya na linisin ito. Bakit kaya siya naghintay ng ganitong katagal? Ito ang sagot na nagustuhan ko. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang palagay ninyo. (Saka basahin ninyong dalawa ang materyal sa mga pahinang 84-86.)’

  • Kaharian
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kaharian

      Kahulugan: Ang Kaharian ng Diyos ay ang kapahayagan ng pansansinukob na soberanya ni Jehova may kaugnayan sa kaniyang mga nilalang, o ang paraang ginagamit niya upang ihayag ang soberanyang iyan. Ang pananalitang ito ay pangunahing ginagamit upang tukuyin ang kapahayagan ng soberanya ng Diyos sa pamamagitan ng maharlikang pamahalaan na pinangungunahan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Ang “Kaharian” ay maaaring tumukoy sa pamamahala ng isang pinahirang Hari o sa makalupang nasasakupan ng makalangit na pamahalaang iyon.

      Ang Kaharian ba ng Diyos ay tunay na pamahalaan?

      O, sa halip, ito ba’y isang kalagayan sa puso ng tao?

      Luc. 17:21, KJ: “Ni sasabihin man nila, Naririto! o, Naririyan! sapagka’t, narito, ang kaharian ng Diyos ay nasa loob ninyo [gayon din ang TEV, Dy; nguni’t “kasama ninyo,” KJ panggilid na reperensiya, NE, JB; “nasa inyong gitna,” RS; “nasa gitna ninyo,” NW].” (Pansinin na, gaya ng ipinakikita ng Lu 17 talatang 20, ang kausap ni Jesus ay ang mga Pariseo, na kaniya ring hinatulan bilang mga mapagpaimbabaw, kaya hindi niya ibig sabihin na ang Kaharian ay nasa kanilang mga puso. Subali’t ang Kaharian ay nasa kanilang gitna sapagka’t ito’y kinakatawan ni Kristo. Kaya ang The Emphatic Diaglott ay kababasahan ng: “Ang maharlikang hari ng Diyos ay nasa gitna ninyo.”)

      Talaga bang sinasabi ng Bibliya na ang Kaharian ng Diyos ay isang pamahalaan?

      Isa. 9:6, 7, RS: “Sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamahalaan [gayon din sa KJ, AT, Dy; “pamamahala,” JB, NE; “maharlikang pamamahala,” NW] ay maaatang sa kaniyang balikat, at ang kaniyang pangalan ay tatawaging ‘Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.’ Ang paglago ng kaniyang pamahalaan at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas.”

      Sino ang mga tagapamahala sa Kaharian?

      Apoc. 15:3: “Dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-Lahat. Matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Haring walang-hanggan.”

      Dan. 7:13, 14: “Kasama ng mga alapaap ng langit ay lumabas ang isang gaya ng anak ng tao [si Jesu-Kristo; tingnan ang Marcos 14:61, 62]; at siya’y naparoon sa Matanda sa mga Araw [ang Diyos na Jehova], at inilapit nila siya sa mismong harapan ng Isang iyon. At binigyan siya [si Jesu-Kristo] ng kapamahalaan at karangalan at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya.”

      Apoc. 5:9, 10: “Ikaw [si Jesu-Kristo] ay pinatay at binili mo sa Diyos ng iyong dugo ang mga tao sa bawa’t angkan at wika at bayan at bansa, at ginawa mo sila upang maging isang kaharian at mga saserdote sa ating Diyos, at sila’y mangagpupuno bilang mga hari sa ibabaw ng lupa.” (Sa Apocalipsis 14:1-3 ang mga ito na “binili mula sa lupa” upang maging tagapamahala kasama ng Kordero sa makalangit na Bundok ng Sion ay sinasabing may bilang na 144,000.)

      Ano ang magiging epekto ng Kahariang ito sa mga pamahalaan ng tao?

      Dan. 2:44: “Sa mga kaarawan ng mga haring yaon ang Diyos sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian mismo ay hindi ipagkakaloob sa ibang bayan. Pagdudurugdurugin at wawakasan nito ang lahat ng mga kahariang ito, at ito lamang ang mananatili magpakailanman.”

      Awit 2:8, 9: “Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinaka mana at ang kaduluduluhang bahagi ng lupa bilang iyong pag-aari. Sila’y iyong babaliin ng isang pamalong bakal, iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok.”

      Ano ang maisasagawa ng Kaharian ng Diyos?

      Babanalin ang pangalan ni Jehova at itataguyod ang kaniyang pagkasoberano

      Mat. 6:9, 10: “Magsidalangin nga kayo ng ganito: ‘Ama namin

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share