Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaharian
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Ipinakikita ba ng Bibliya kung kailan magsisimulang mamahala ang Kaharian?

      Tingnan ang mga pahina 340-343, sa ilalim ng paksang “Mga Petsa,” at mga pahina 169-174, sa ilalim ng “Mga Huling Araw.”

      Kung May Magsasabi​—

      ‘Hindi darating ito sa panahon ko’

      Maaari kayong sumagot: ‘Nguni’t darating din ito kahit hindi sa panahon ninyo, hindi po ba? . . . Puwede bang malaman ng sinoman na ang kaniyang lahi ang makakakita nito? Iyan ang gustong malaman ng mga apostol mismo ni Jesus, at ang sagot niya sa kanila ay napakahalaga para sa atin ngayon. (Mat. 24:3-14; Luc. 21:29-32)’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Pangkaraniwan na ang pangmalas na iyan. Subali’t ang mga Saksi ni Jehova ay may lubos na paniniwala, salig sa Bibliya, na ang Kaharian ng Diyos ay nagpupuno na sa mga langit at na dapat nating ipakita kung baga nais nating patuloy na mabuhay sa lupa sa ilalim ng matuwid na pamahalaan ng Diyos o hindi. Iyan ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Pansinin ang sinasabi dito sa Mateo 25:31-33.’

  • Kaligtasan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kaligtasan

      Kahulugan: Pagkalingid o pagkaligtas mula sa panganib o pagkalipol. Maaaring ito’y pagkaligtas sa kamay ng mga mang-aapi o mang-uusig. Para sa lahat ng tunay na mga Kristiyano, naglalaan si Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Anak ng pagkaligtas mula sa kasalukuyang balakyot na pamamalakad ng mga bagay at gayon din ng kaligtasan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. Para sa isang malaking pulutong ng tapat na mga lingkod ni Jehova na nabubuhay sa “mga huling araw,” ang kaligtasan ay mangangahulugan ng pagkalingid sa malaking kapighatian.

      Dahil sa kaniyang malaking awa, ililigtas ba ng Diyos sa takdang panahon ang buong sangkatauhan?

      Ipinahihiwatig ba ng 2 Pedro 3:9 na magkakaroon ng pangkalahatang kaligtasan? Sinasabi nito: “Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba, kundi siya’y matiisin sa inyo, na hindi niya ibig na ang sinoman ay mapahamak [“hindi niya nais na sinoman ay malipol,” TEV], kundi ang lahat ay magsipagsisi.” (RS) Maawaing naisin ng Diyos na lahat ng mga supling ni Adan ay magsisi, anupa’t gumawa siya ng maibiging paglalaan upang mapatawad ang mga kasalanan niyaong mga nagsisisi. Nguni’t hindi niya pinipilit ang sinoman na tumanggap sa paglalaang iyon. (Ihambing ang Deuteronomio 30:15-20.) Ito’y tinatanggihan ng marami. Sila’y katulad ng isang taong nalulunod na ayaw tumanggap ng salbabidang inihagis sa kaniya ng isang nagnanais na tumulong. Gayumpaman, dapat pansinin na ang kahihinatnan ng mga ayaw magsisi ay hindi ang walang-hanggang apoy ng impiyerno. Gaya ng ipinakikita ng 2 Pedro 3:9, yaong mga hindi nagsisisi ay mapapahamak, o ‘malilipol.’ Tinutukoy din ng 2Ped 3 talatang 7 (RS) ang “paglipol ng mga taong masama.” Malayo ito sa ideya ng pangkalahatang kaligtasan.​—Tingnan din ang paksang “Impiyerno.”

      Pinatutunayan ba ng 1 Corinto 15:22 na sa takdang panahon ay ililigtas ang lahat ng tao? Sinasabi nito: “Kung paanong kay Adan ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Kristo ang lahat ay bubuhayin.” (RS) Gaya ng ipinakikita ng nakapalibot na mga talata, ang pinag-uusapan dito ay ang pagkabuhay-muli. Sino ang bubuhaying-muli? Ang lahat na namatay dahil sa kasalanan ni Adan (tingnan ang 1Cor 15 talatang 21) na hindi personal na nakagawa ng sinasadyang pagkakasalang binabanggit sa Hebreo 10:26-29. Kung paanong si Jesus ay ibinangon mula sa Hades (Gawa 2:31), gayon din naman ang lahat ng iba pang nasa Hades ay “bubuhayin” sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. (Apoc. 1:18; 20:13) Lahat ba ng mga ito’y magtatamo ng walang-hanggang kaligtasan? Nakabukas sa kanila ang pagkakataong iyon, nguni’t hindi ito sasamantalahin ng lahat, gaya ng ipinahihiwatig sa Juan 5:28, 29, na nagsasabi na ang magiging kahihinatnan ng iba ay ang “paghatol.”

      Kumusta ang mga tekstong tulad sa Tito 2:11, na bumabanggit ng “kaligtasan sa lahat ng mga tao,” ayon sa salin ng RS? Kahawig nito ang ibang mga teksto, tulad ng Juan 12:32, Roma 5:18, at 1 Timoteo 2:3, 4, ayon sa RS, KJ, NE, TEV, atb. Ang Griyegong pananalitang isinasaling “lahat” at “lahat ng tao” sa mga talatang ito ay sa naiibang anyo ng salitang pas. Gaya ng ipinakikita sa Expository Dictionary of New Testament Words ni Vine (Londres, 1962, Tomo I, p. 46), ang pas ay mayroon ding kahulugan na “lahat ng uri.” Kaya, sa mga talata sa itaas, sa halip na “lahat,” ang pananalitang “bawa’t uri” ay maaaring gamitin; o “lahat ng uri,” tulad ng pagkagamit ng NW. Alin ang tama​—“lahat” o ang diwa na dinadala ng “lahat ng uri”? Buweno, aling salin ang naaayon din sa ibang bahagi ng Bibliya? Ang huling nabanggit. Isaalang-alang ang Gawa 10:34, 35; Apocalipsis 7:9, 10; 2 Tesalonika 1:9. (Pansinin: Ang ganitong diwa ng Griyegong salita ay kinikilala din ng ibang tagapagsalin, na makikita sa kanilang pagsasalin sa Mateo 5:11​—“lahat ng uri,” RS, TEV; “bawa’t uri,” NE; “lahat ng anyo,” KJ.)

      Mayroon bang mga tekstong tiyak na nagpapakita na ang ilan ay hindi kailanman maliligtas?

      2 Tes. 1:9, RS: “Sila’y tatanggap ng kaparusahan na walang-hanggang pagkalipol mula sa harapan ng Panginoon at sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.)

      Apoc. 21:8, RS: “Nguni’t sa mga duwag, at sa mga walang pananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diyus-diyosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagat-dagatang nagniningas sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”

      Mat. 7:13, 14, RS: “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan; sapagka’t maluwang ang pintuan at madali ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakasumpong niyaon.”

      Minsang naligtas ang isang tao, lagi ba siyang ligtas?

      Jud. 5, RS: “Ninanasa kong ipaalaala sa inyo, bagama’t lubos ninyong nalalaman ang mga bagay na ito, na siya na nagligtas ng isang bayan mula sa lupain ng Ehipto, pagkatapos ay nilipol niya yaong mga hindi sumasampalataya.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.)

      Mat. 24:13, RS: “Ang nagtitiis hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.” (Kaya ang pangwakas na kaligtasan ng isang tao ay hindi tinitiyak sa sandaling magsimula siyang sumampalataya kay Jesus.)

      Fil. 2:12, RS: “Kung paano lagi kayong sumusunod, gayon din sa ngayon, hindi lamang kapag ako’y narito, kundi bagkus pa kapag wala ako, ay lubusin ang sarili ninyong pagkaligtas na may takot at panginginig.” (Ang kinausap dito ay “mga santo,” o mga banal, sa Filipos, gaya ng binabanggit sa Filipos 1:1. Hinimok sila ni Pablo na huwag labis na magtiwala sa sarili kundi unawain na hindi pa tiyak ang kanilang pangwakas na kaligtasan.)

      Heb. 10:26, 27, RS: “Kung ating sinasadya ang pagkakasala

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share