Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Purgatoryo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • sa lahat ng kasamaan [“lahat ng ating pagkakamali ay lilinisin,” Kx].”

      Apoc. 1:5, JB: “Si Jesu-Kristo . . . ay umiibig sa atin at hinugasan ang ating mga kasalanan ng kaniyang dugo.”

  • Rapture
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Rapture

      Kahulugan: Ang paniniwala na ang katawan ng tapat na mga Kristiyano ay aagawin mula sa lupa, na dagling kukunin mula sa sanlibutan, upang makaisa ang Panginoon “sa hangin.” Ang unawa ng iba, bagama’t hindi ng lahat, ay na ang salitang “rapture” ang siyang kahulugan ng 1 Tesalonika 4:17. Ang salitang “rapture” ay hindi binabanggit sa kinasihang mga Kasulatan.

      Nang sabihin ni apostol Pablo na ang mga Kristiyano ay “aagawin” upang makasama ang Panginoon, anong paksa ang pinag-uusapan?

      1 Tes. 4:13-18, RS: “Hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog [“yaong mga natutulog sa kamatayan,” NE; “yaong mga nangamatay,” TEV, JB], upang kayo’y huwag mangalumbay na gaya ng mga iba na walang pag-asa. Sapagka’t yamang sumasampalataya tayo na si Jesus ay namatay at nabuhay muli, ay gayon din naman, sa pamamagitan ni Jesus, ang nangatutulog ay dadalhin ng Diyos na kasama niya. Sapagka’t ito ang sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mangauuna sa nangatutulog. Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, na may tinig ng arkanghel, at may tunog ng pakakak ng Diyos. At ang nangamatay kay Kristo ang unang mangabubuhay; kung magkagayon, tayong nangabubuhay na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap upang salubungin ang Panginoon sa hangin; at sa ganito’y lagi nating makakasama ang Panginoon. Kaya’t mangag-aliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.” (Maliwanag na may ilan sa mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano sa Tesalonika na namatay na. Pinasigla ni Pablo ang mga nabubuhay pa na aliwin ang isa’t isa ng pag-asa sa pagkabuhay-muli. Kaniyang ipinaalaala sa kanila na si Jesus ay binuhay-muli mula sa mga patay; gayon din naman, sa pagparito ng Panginoon, ang tapat na mga Kristiyano sa gitna nila na namatay na ay bubuhaying-muli upang makasama ni Kristo.)

      Sino yaong mga ‘aagawin sa mga alapaap,’ gaya ng binanggit sa 1 Tesalonica 4:17?

      Ipinaliliwanag ng 1Tes 4 talata 15 na sila ang mga tapat “na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon,” alalaong baga’y, sila’y nabubuhay pa sa panahon ng pagparito ni Kristo. Mamamatay kaya sila? Ayon sa Roma 6:3-5 at 1 Corinto 15:35, 36, 44 (na sinipi sa mga pahina 351, 352), sila’y kailangang mamatay upang kanilang makamit ang makalangit na buhay. Subali’t hindi sila kailangang manatili sa patay na kalagayan upang hintayin ang pagbabalik ni Kristo. Sila’y dagling “aagawin,” “sa isang kisap-mata,” upang makasama ang Panginoon.​—1 Cor. 15:51, 52, RS; gayon din ang Apocalipsis 14:13.

      Darating ba si Kristo na nakikita sa alapaap at dadalhin niya sa langit ang tapat na mga Kristiyano habang nanonood ang sanlibutan?

      Sinabi ba ni Jesus kung baga siya’y makikitang muli ng sanlibutan sa pamamagitan ng literal na mga mata?

      Juan 14:19, RS: “Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanlibutan, nguni’t inyong [kaniyang tapat na mga alagad] makikita ako; sapagka’t ako’y nabubuhay, at mangabubuhay rin naman kayo.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) (Ihambing ang 1 Timoteo 6:16.)

      Ano ang ibig sabihin ng ‘pagbabang mula sa langit’ ng Panginoon?

      Posible bang ang Panginoon ay “bababang mula sa langit,” gaya ng sinabi sa 1 Tesalonica 4:16, kahit hindi nakikita ng literal na mga mata? Noong kaarawan ng sinaunang Sodoma at Gomorra, sinabi ni Jehova na siya’y ‘bababa at titingnan’ kung ano ang ginagawa ng mga tao. (Gen. 18:21, RS) Nguni’t nang gumawa si Jehova ng pagsisiyasat na iyon, walang taong nakakita sa kaniya, bagama’t nakita nila ang mga kinatawang anghel na sinugo niya. (Juan 1:18) Sa katulad ding paraan, maaaring ibaling ni Jesus ang kaniyang pansin sa tapat niyang mga tagasunod sa lupa upang sila’y gantimpalaan, kahit hindi siya babalik sa laman.

      Kung gayon, sa anong diwa “makikita” ng tao ang Panginoon na “pariritong nasa isang alapaap”?

      Inihula ni Jesus: “Kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao [si Jesu-Kristo] na paparitong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” (Luc. 21:27, RS) Sa anomang paraan hindi sinasalungat nito o ng ibang kahawig na

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share