Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaligtasan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ‘Tinanggap ba ninyo si Jesus bilang personal ninyong Tagapagligtas?’

      Tingnan ang mga pahina 208, 209, sa paksang “Jesu-Kristo.”

      ‘Sinasabi ninyo na 144,000 lamang ang maliligtas’

      Maaari kayong sumagot: ‘Mabuti’t nabanggit po ninyo iyan, upang masabi ko sa inyo ang talagang pinaniniwalaan namin. Ang kaligtasan ay matatamo ng sinomang magpapamalas ng tunay na pananampalataya sa paglalaan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Nguni’t sinasabi ng Bibliya na 144,000 lamang ang tutungo sa langit upang makasama ni Kristo. Nakita ba ninyo iyon sa Bibliya? . . . Narito iyon sa Apocalipsis 14:1, 3.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ano ang gagawin nila sa langit? (Apoc. 20:6)’ (2) ‘Maliwanag na mayroon silang pamamahalaan. Sinu-sino po kaya ito? . . . (Mat. 5:5; 6:10)’

  • Kaluluwa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kaluluwa

      Kahulugan: Sa Bibliya, ang “kaluluwa” ay isinasalin mula sa Hebreong neʹphesh at sa Griyegong psy·kheʹ. Ang paggamit nito sa Bibliya ay nagpapakita na ang kaluluwa ay isang tao o isang hayop o ang buhay na tinatamasa ng isang tao o hayop. Subali’t sa maraming tao, ang “kaluluwa” ay tumutukoy sa espiritung bahagi ng isang tao na patuloy na nabubuhay pagkamatay ng pisikal na katawan. Ang pagkaunawa ng iba ay na ito’y tumutukoy sa prinsipyo ng buhay. Nguni’t ang mga huling nabanggit ay hindi itinuturo ng Bibliya.

      Ano ang sinasabi ng Bibliya na tumutulong sa atin na maunawaan kung ano ang kaluluwa?

      Gen. 2:7: “At hinubog ng Diyos na Jehova ang tao mula sa alabok ng lupa at hiningahan ang mga butas ng kaniyang ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” (Pansinin na hindi sinasabi dito na ang tao ay binigyan ng isang kaluluwa kundi na siya’y naging isang kaluluwa, isang buháy na persona.) (Ang bahagi ng salitang Hebreong isinalin dito na “kaluluwa” ay neʹphesh. Sang-ayon ang KJ, AS, at Dy sa saling iyan. Ang RS, JB, NAB ay kababasahan ng “kinapal.” Ang NE ay nagsasabing “nilalang.” Ang Kx ay kababasahan ng “persona.”)

      1 Cor. 15:45: “Gayundin naman nasusulat: ‘Ang unang taong si Adan ay naging kaluluwang buháy.’ Ang huling Adan ay naging espiritung nagbibigay-buhay.” (Samakatuwid sang-ayon ang Kristiyanong Griyegong Kasulatan sa Hebreong Kasulatan tungkol sa kung ano ang kaluluwa.) (Ang Griyegong salitang isinasaling “kaluluwa” dito ay ang accusative case ng psy·kheʹ. Ang KJ, AS, Dy, JB, NAB, at Kx ay kababasahan din ng “kaluluwa.” Ang RS, NE, at TEV ay nagsasabing “kinapal.”)

      1 Ped. 3:20: “Noong mga araw ni Noe . . . kakaunti, samakatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig.” (Ang salitang Griyegong isinasalin dito na “kaluluwa” ay psy·khaiʹ, ang pangmaramihang anyo ng psy·kheʹ. Ang KJ, AS, Dy, at Kx ay kababasahan din ng “kaluluwa.” Ang JB at TEV ay nagsasabing “mga tao”; ang RS, NE, at NAB ay gumagamit ng “mga persona.”)

      Gen. 9:5: “Bukod dito, hihingan ko ng sulit ang dugo ng inyong mga kaluluwa [o, “mga buhay”; Hebreo, mula sa neʹphesh].” (Dito sinasabing may dugo ang kaluluwa.)

      Jos. 11:11: “At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang bawa’t kaluluwa [Hebreo, neʹphesh] na nandoon.” (Dito ipinakikita na ang kaluluwa ay matatamaan ng tabak, kaya ang mga kaluluwang ito ay hindi mga espiritu.)

      Saan ba sinasabi ng Bibliya na ang mga hayop ay mga kaluluwa?

      Gen. 1:20, 21, 24, 25: “At sinabi ng Diyos: ‘Bukalan ng sagana ang tubig ng mga kaluluwang* may buhay . . . ’ At nilikha ng Diyos ang malalaking hayop sa dagat at ang bawa’t kaluluwang may buhay na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig ayon sa kani-kaniyang uri at ang bawa’t nilalang na may pakpak ayon sa kani-kaniyang uri. . . . At sinabi ng Diyos: ‘Bukalan ang lupa ng mga kaluluwang may buhay ayon sa kani-kaniyang uri . . . ’ At nilikha ng Diyos ang ganid sa lupa ayon sa kani-kaniyang uri at ang maamong hayop ayon sa kani-kaniyang uri at bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kani-kaniyang uri.” (*Sa Hebreo ang salita dito ay neʹphesh. Ang Ro ay kababasahan ng “kaluluwa.” Isinasalin ng ibang bersiyon bilang “[mga] nilalang.”)

      Lev. 24:17, 18: “Kung may manakit ng malubha sa kaninomang kaluluwa [Hebreo, neʹphesh] sa mga anak ng tao, siya’y papataying walang pagsala. At ang manakit ng malubha sa kaluluwa [Hebreo, neʹphesh] ng isang maamong hayop ay magbabayad ng katumbas na halaga: kaluluwa kung kaluluwa.” (Pansinin na iyon ding salitang Hebreo para sa kaluluwa ang ginamit upang tumukoy sa kapuwa tao at hayop.)

      Apoc. 16:3: “At naging dugo na gaya ng isang patay, at bawa’t kaluluwang* may buhay, samakatuwid ay ang nangasa dagat, ay nangamatay.” (Kaya pati ang Kristiyanong Griyegong Kasulatan ay nagpapakita na ang mga hayop ay mga kaluluwa.) (*Sa Griyego ang salita dito ay psy·kheʹ. Isinasalin ito na “kaluluwa” sa KJ, AS, at Dy. Ang ibang mga tagapagsalin ay gumagamit ng “nilalang” o “bagay.”)

      Tinatanggap ba ng ibang mga iskolar na hindi mga Saksi ni Jehova na ito nga ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaluluwa?

      “Walang dichotomy [paghahati] ng katawan at kaluluwa sa M[atandang] T[ipan]. Minalas ng Israelita ang mga bagay-bagay bilang isang kaganapan, o kabuuan, anupa’t kaniyang itinuring ang mga tao bilang persona, na hindi nahahati sa dalawang bahagi. Ang terminong nepeš [neʹphesh], bagama’t isinasalin ng ating salitang kaluluwa, kailanma’y hindi tumutukoy sa isang kaluluwang nakabukod sa katawan o nakabukod sa indibiduwal. . . . Ang terminong [psy·kheʹ] ay ang salita sa B[agong] T[ipan] na katumbas ng nepeš. Ito’y maaaring tumukoy sa prinsipyo ng buhay, sa buhay mismo, o sa buháy na nilalang.”​—New Catholic Encyclopedia (1967), Tomo XIII, p. 449, 450.

      “Ang terminong Hebreo para sa ‘kaluluwa’ (nefesh, ang humihinga) ay ginamit ni Moises . . . , upang tumukoy sa isang ‘buháy na nilalang’ at ito’y maikakapit din sa mga nilalang na hindi tao. . . . Ang gamit ng Bagong Tipan sa psychē (‘kaluluwa’) ay katulad din ng sa nefesh.”​—The New Encyclopædia Britannica (1976), Macropædia, Tomo 15, p. 152.

      “Ang paniniwala na ang kaluluwa ay patuloy na umiiral pagkamatay ng katawan ay salig sa mga teoriya ng pilosopiya o teolohiya sa halip na sa payak na pananampalataya, at dahil dito’y hindi tuwirang itinuro saanman sa Banal na Kasulatan.”​—The Jewish Encyclopedia (1910), Tomo VI, p. 564.

      Maaari bang mamatay ang kaluluwang tao?

      Ezek. 18:4: “Narito! Lahat ng kaluluwa ay akin. Kung papaano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin. Ang kaluluwa* na nagkakasala ay mamamatay.” (*Sa Hebreo ay “ang neʹphesh.” Isinasalin ng KJ, AS, RS, NE, at Dy bilang “ang kaluluwa.” Ang ibang mga salin ay gumagamit ng “ang tao” o “ang persona.”)

      Mat. 10:28: “Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan datapuwa’t hindi makapapatay sa kaluluwa [o, “buhay”]; kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share