-
KaluluwaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
pagkalipol niyaong umiiral na. Ang kamatayan ay daan tungo sa ibang uri ng buhay.”—The Religion of Babylonia and Assyria (Boston, 1898), M. Jastrow, Jr., p. 556.
Tingnan din ang mga pahina 107-109, sa paksang “Kamatayan.”
-
-
KamatayanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Kamatayan
Kahulugan: Ang paghinto ng lahat ng gawain ng buhay. Makaraang huminto ang paghinga, pulso, at pagkilos ng utak, ay unti-unting tumitigil sa pag-andar ang puwersa ng buhay sa mga selula ng katawan. Ang kamatayan ay siyang kabaligtaran ng buhay.
Nilalang ba ng Diyos ang tao para mamatay?
Sa kabaligtaran, binalaan ni Jehova si Adan laban sa pagsuway, na aakay sa kamatayan. (Gen. 2:17) Nang maglaon, ang Israel ay binalaan ng Diyos laban sa paggawi na aakay sa di-napapanahong kamatayan para sa kanila. (Ezek. 18:31) Nang dakong huli isinugo niya ang kaniyang Anak para mamatay alang-alang sa sangkatauhan upang yaong mga sasampalataya sa paglalaang ito ay makapagkamit ng buhay na walang-hanggan.—Juan 3:16, 36.
Sinasabi ng Awit 90:10 na ang karaniwang lawig ng buhay ng tao ay 70 o 80 taon. Totoo ito nang ito ay sulatin ni Moises, subali’t hindi ito ang kalagayan mula sa pasimula. (Ihambing ang Genesis 5:3-32.) Sinasabi ng Hebreo 9:27, “Ang tao ay nakatakdang mamatay minsan magpakailanman.” Ito rin ay totoo nang ito ay sulatin. Subali’t hindi ganito ang kalagayan bago hatulan ng Diyos ang makasalanang si Adan.
Bakit tayo tumatanda at namamatay?
Sakdal ang pagkalalang ni Jehova sa unang mag-asawang tao, taglay ang pag-asa na mabuhay magpakailanman. Sinangkapan sila ng malayang pagpapasiya. Susundin ba nila ang kanilang Maylikha udyok ng pag-ibig at pagpapahalaga sa lahat ng ginawa niya para sa kanila? Sila’y may lubos na kakayahan para gawin ito. Sinabi ng Diyos kay Adan: “Datapuwa’t sa punong-kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain, sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain mula roon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Sa pamamagitan ng isang ahas na nagsasalita, hinikayat ni Satanas si Eba upang labagin ang utos ni Jehova. Hindi sinaway ni Adan ang kaniyang asawa bagkus ay nakisama sa kaniya sa pagkain ng ipinagbabawal na bungang-kahoy. Tapat sa kaniyang
-