-
PananampalatayaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
niya ito niyayayang pakasal, ipinakikita ba niya na ang kaniyang pag-ibig ay talagang lubus-lubusan? Sa gayon ding paraan, sa pamamagitan ng mga gawa ay naitatanghal natin ang pagiging-totoo ng ating pananampalataya at pag-ibig. Kung hindi natin sinusunod ang Diyos hindi natin siya tunay na iniibig at wala tayong pananampalataya sa pagiging-matuwid ng kaniyang mga daan. (1 Juan 5:3, 4) Sa kabila nito hindi tayo magiging karapatdapat sa kaligtasan ano man ang ating gawin. Ang buhay na walang-hanggan ay isang kaloob mula sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, at hindi isang kabayaran sa ating mga gawa.—Efe. 2:8, 9.
-
-
PantubosNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pantubos
Kahulugan: Ang halagang ibinabayad sa layuning tumubos o magpalaya mula sa isang obligasyon o gipit na kalagayan. Ang pinakamahalagang pantubos ay ang itinigis na dugo ni Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng halaga ng pantubos na iyon sa langit, binuksan ni Jesus ang daan upang ang mga supling ni Adan ay mailigtas sa kasalanan at kamatayan na minana nating lahat dahil sa kasalanan ng ating ninunong si Adan.
Paanong ang kamatayan ni Jesu-Kristo ay naiiba sa kamatayan ng iba na naging mga martir?
Si Jesus ay isang sakdal na tao. Isinilang siya na walang anomang bahid ng kasalanan at pinanatili niya ang kasakdalang iyon sa buong buhay niya. “Siya’y hindi nagkasala.” Siya’y “walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan.”—1 Ped. 2:22; Heb. 7:26.
Siya ang bukod-tanging Anak ng Diyos. Ito’y pinatunayan mismo ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasalita mula sa langit. (Mat. 3:17; 17:5) Ang Anak na ito ay dating namuhay sa langit; sa pamamagitan niya pinairal ng Diyos ang lahat ng iba pang mga persona at mga bagay sa buong sansinukob. Upang maganap ang Kaniyang kalooban, makahimalang inilipat ng Diyos ang buhay ng Anak na ito sa bahay-bata ng isang dalaga upang maipanganak siya bilang tao. Bilang pagdidiin sa bagay na siya’y naging isang tunay na tao, tinukoy ni Jesus ang kaniyang sarili bilang Anak ng tao.—Col. 1:15-20; Juan 1:14; Luc. 5:24.
Siya’y hindi walang kapangyarihan nang nasa harap ng mga papatay sa kaniya. Sinabi niya: “Ibinibigay ko ang aking kaluluwa . . . Sinoma’y hindi nag-aalis nito sa akin, kundi kusa kong ibinibigay.” (Juan 10:17, 18) Siya’y tumangging humingi ng tulong sa mga anghelikong hukbo. (Mat. 26:53, 54) Bagama’t pinahintulutan ang mga balakyot na maisakatuparan ang kanilang pakana na siya’y patayin, ang kaniyang kamatayan ay isa pa ring tunay na hain.
Ang kaniyang itinigis na dugo ay may sapat na halaga upang maglaan ng kaligtasan para sa iba. “Ang Anak ng tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos sa marami.” (Mar. 10:45) Kaya ang kaniyang kamatayan ay higit pa kaysa basta pagiging martir dahil lamang sa pagtangging ikompromiso ang kaniyang mga paniniwala.
Tingnan din ang mga pahina 239, 240, sa ilalim ng paksang “Memoryal.”
Bakit kailangang ilaan ang pantubos sa gayong paraan upang magkaroon tayo ng walang-hanggang buhay?
Roma 5:12: “Sa pamamagitan ng isang tao [si Adan] ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan at ang kamatayan dahil sa kasalanan, kaya’t ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng tao sapagka’t silang lahat ay nagkasala.” (Gaano mang kabuti ang ating pamumuhay, tayong lahat ay isinilang na makasalanan. [Awit 51:5] Walang paraang magagawa sa sariling pagsisikap upang magkaroon ng karapatang mabuhay magpakailanman.)
Roma 6:23: “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.”
Awit 49:6-9: “Silang nagtitiwala sa kanilang tinatangkilik, at naghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan, wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan kahit sa kaniyang kapatid, ni makapagbibigay man sa Diyos ng pantubos sa kaniya; (sapagka’t ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay napakamahal anupa’t ito’y naglilikat magpakailanman) upang siya’y mabuhay magpakailanman at huwag makakita ng hukay.” (Walang di-sakdal na tao ang makapaglalaan ng sapat na halaga upang tubusin ang iba mula sa kasalanan at kamatayan. Hindi kayang bilhin ng kaniyang salapi ang buhay na walang hanggan, at kahit ibigay niya ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, yamang ito’y mangyayari din lamang sa kaniya bilang kabayaran ng kasalanan, ito’y hindi rin makatutubos kaninoman.)
Bakit hindi na lamang ipinag-utos ng Diyos na, bagama’t kailangang mamatay sina Adan at Eba dahil sa kanilang paghihimagsik, ang lahat ng kanilang supling na magiging masunurin sa Diyos ay maaaring mabuhay magpakailanman?
Sapagka’t si Jehova ay “umiibig sa katuwiran at katarungan.”
-