Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kamatayan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ng mga naulila. Subali’t sinasabi ng Bibliya: “Ang mga patay . . . ay walang nalalamang ano pa man.” (Ecles. 9:5) At, “Ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.”​—Ezek. 18:4.

      Maraming kaugalian ang lumitaw dahil sa paniwala na kailangan ng mga patay ang tulong ng mga buháy o dahil sa takot na baka nila saktan ang mga buháy kung hindi sila bibigyang-kasiyahan. Subali’t ipinakikita ng Salita ng Diyos na ang mga patay ay walang nararanasang hirap o ginhawa. “Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw, siya’y nagbabalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay nawawala ang kaniyang pag-iisip.” (Awit 146:4; tingnan din ang 2 Samuel 12:22, 23.) “Ang kanilang pag-ibig at ang kanilang poot at ang kanilang pananaghili ay nawala na, at wala na silang anomang bahagi magpakailanman sa anomang bagay na dapat gawin sa ilalim ng araw.”​—Ecles. 9:6.

      Kung May Magsasabi​—

      ‘Kalooban ito ng Diyos’

      Maaari kayong sumagot: ‘Iyan ang karaniwang paniwala. Nguni’t natuklasan ko na nakakatulong ang pagsasaliksik kung ano ang sinasabi mismo ng Diyos tungkol dito.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘(Basahin ang Genesis 2:17.) Kung bibigyang-babala ng isang ama ang kaniyang anak laban sa paggawa ng isang bagay na maaaring ikamatay nito, sasabihin ba ninyo na gusto ng ama na ganoon ang gawin ng kaniyang anak?’ (2) ‘Ano kung gayon ang kalooban ng Diyos para sa tao? Sinabi ni Jesus: “Ito ang kalooban ng aking Ama, na bawa’t nakakakita sa Anak [alalaong baga’y, nakakaunawa at kumikilala na si Jesus ay tunay ngang Anak ng Diyos] at sa kaniya’y sumasampalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at akin siyang ibabangon sa huling araw.” (Juan 6:40)’

      ‘Walang hindi mamamatay’

      Maaari kayong sumagot: ‘Ganiyan nga ang nangyayari sa tao magpahanggang sa ating kaarawan, hindi po ba?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Nguni’t pansinin ang kamanghamanghang pangako na binitiwan ng Diyos sa Apocalipsis 21:3, 4 (o Isaias 25:8).’

      ‘Darating iyon kapag oras mo na’

      Maaari kayong sumagot: ‘Marami ang nakakadama ng ganito. Alam ba ninyo na marami sa mga sinaunang Griyego ang may ganito ring paniwala? Naniwala sila na may tatlong diyosa na nagpapasiya hinggil sa kung gaano ang magiging haba ng buhay ng bawa’t tao. Subali’t ang Bibliya ay naghaharap ng kakaibang pangmalas tungkol sa buhay.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘(Basahin ang Eclesiastes 9:11.) Halimbawa: Isang tipak ng semento ay maaaring matibag sa isang gusali at mabagsakan ang isang naglalakad. Pinangyari ba ito ng Diyos? Kung oo, makatuwiran bang idemanda ang may-ari ng gusali dahil sa kapabayaan? . . . Gaya ng sinasabi ng Bibliya, para sa naglalakad ito ay isang pangyayari na hindi binalak at hindi inaasahan na siya’y nagkataong naroroon nang bumagsak ang semento.’ (2) ‘Sinasabi ng Bibliya na kung iiwasan natin ang masamang paggawi maiingatan natin ang ating buhay. (Kaw. 16:17) Kung kayo’y magulang, natitiyak kong ikinakapit ninyo ang simulaing ito sa inyong mga anak. Binibigyan ninyo sila ng babala laban sa mga bagay na magbubunga ng pagkasawi nila. Ganito rin ang ginagawa ni Jehova para sa buong sangkatauhan sa ngayon.’ (3) ‘Alam ni Jehova kung ano ang inilalaan ng hinaharap. Sa pamamagitan ng Bibliya ay sinasabi niya sa atin kung papaano tayo makapagtatamasa ng isang buhay na mas mahaba kaysa sa tinatamasa ng mga tao na nagwawalang-bahala sa kaniyang sinasabi. (Juan 17:3; Kaw. 12:28.)’ (Tingnan din ang paksang “Tadhana.”)

  • Mga Kapistahan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Kapistahan

      Kahulugan: Mga araw na ipinagpapahinga sa trabaho at sa paaralan upang ipagdiwang ang isang mahalagang pangyayari. Ang mga araw na ito ay mga pagkakataon din ukol sa mga pansambahayan at pampamayanang mga pagdiriwang. Ang mga ito ay maaaring ituring ng mga lumalahok dito bilang mga kaayusang relihiyoso o dili kaya’y panlipunan o sekular lamang.

      Ang Pasko ba’y isang pagdiriwang na nasasalig sa Bibliya?

      Petsa ng pagdiriwang

      Sinasabi ng Cyclopædia nina M’Clintock at Strong: “Ang pagdiriwang ng Pasko ay hindi iniutos ng Diyos, ni nag-uugat kaya ito sa B[agong] T[ipan]. Ang araw ng kapanganakan ni Kristo ay hindi matitiyak mula sa B[agong] T[ipan], o kahit sa anopamang ibang reperensiya.” (Nueba York, 1871), Tomo II, p. 276.

      Ipinakikita ng Lucas 2:8-11 na ang mga pastol ay nasa parang nang gabing isilang si Jesus. Ganito ang isinasaad ng aklat na Daily Life in the Time of Jesus: “Ang mga kawan . . . ay nagpalipas

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share