Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglalang
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ito’y sinasabing naganap sa isang yugto ng anim na “araw.” Gayumpaman, ang salitang Hebreo na isinaling “araw” ay may iba’t-ibang kahulugan, pati na ang ‘isang mahabang panahon; ang panahon na sumasaklaw sa isang di-karaniwang pangyayari.’ (Old Testament Word Studies, Grand Rapids, Mich.; 1978, W. Wilson, p. 109) Ang terminong ginamit ay nagpapahintulot sa paniwala na bawa’t “araw” ay maaaring libu-libong taon ang haba.

  • Pagpapagaling
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pagpapagaling

      Kahulugan: Ang pagdulot ng mabuting kalusugan sa isang tao na may sakit sa katawan, isipan o sa espiritu. Ang ilan sa mga Hebreong propeta bago ang panahong Kristiyano at pati na si Jesu-Kristo at ang ilang miyembro ng sinaunang kongregasyong Kristiyano ay pinagkalooban ng espiritu ng Diyos ng kakayahan na gumawa ng makahimalang pagpapagaling.

      Ang makahimalang pagpapagaling ba na ginagawa sa ating kaarawan ay dahil sa espiritu ng Diyos?

      Liban sa Diyos may iba pa bang maaaring pagmulan ng kakayahan na gumawa ng mga himala?

      Sina Moises at Aaron ay humarap kay Paraon ng Ehipto upang hilingin na ang Israel ay payagang makapunta sa ilang upang sila ay makapaghandog ng mga hain kay Jehova. Bilang katibayan ng banal na pagtangkilik, inutusan ni Moises si Aaron na ihagis ang kaniyang tungkod at ito’y naging isang malaking ahas. Ang himalang yaon ay nagawa sa tulong ng kapangyarihan ng Diyos. Subali’t inihagis din ng mga saserdoteng salamangkero ng Ehipto ang kanilang mga tungkod at ang mga ito rin ay naging malalaking ahas. (Exo. 7:8-12) Kaninong kapangyarihan ang tumulong sa kanila upang makagawa ng himala?​—Ihambing ang Deuteronomio 18:10-12.

      Sa ika-20 siglong ito may mga pagpapagaling na ginaganap sa mga serbisyo na pinangangasiwaan ng mga klero ng Sangkakristiyanuhan. Sa gitna ng mga relihiyong di-Kristiyano ay may mga paring voodoo, mga mangkukulam, mga manggagamot, at iba pa na nagpapagaling; madalas silang gumamit ng salamangka at panggagaway. Ang ibang mga “psychic healer” ay nagsasabi na ang pagpapagaling nila ay walang kinalaman sa relihiyon. Sa lahat ng mga pagkakataong ito, ang kapangyarihan ba ng pagpapagaling ay nagmumula sa tunay na Diyos?

      Mat. 24:24: “Magsisilitaw ang mga bulaang Kristo at bulaang propeta at mangagpapakita ng mga dakilang tanda [“mga himala,” TEV] at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga pinili.”

      Mat. 7:15-23: “Mangag-ingat kayo sa mga bulaang propeta . . . Marami ang magsasabi sa akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga kami nagsipanghula sa iyong pangalan, at nagpalayas ng mga demonyo sa iyong pangalan, at gumawa ng maraming makapangyarihang mga gawa [“mga himala,” JB, NE, TEV] sa iyong pangalan?’ Gayon ma’y ipagtatapat ko sa kanila: Kailanma’y hindi ko kayo nangakilala! Magsilayas kayo, mga manggagawa ng katampalasanan.”

      Ang nakapanggigilalas na mga pagpapagaling sa ating kaarawan ay ginaganap ba na katulad din niyaong makahimalang mga pagpapagaling ni Jesus at ng kaniyang unang mga alagad?

      Bayad sa serbisyo: “Magpagaling kayo ng mga maysakit, bumuhay kayo ng mga patay, linisin ninyo ang mga ketongin, magpalayas kayo ng mga demonyo. Tinanggap ninyong walang bayad, ibigay din ninyong walang bayad.” (Mat. 10:8) (Ginagawa ba ito ng mga tagapagpagaling ngayon​—nagbibigay nang walang bayad, gaya ng iniutos ni Jesus?)

      Kung gaano katagumpay: “At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya [si Jesus] ay mahipo, sapagka’t lumalabas sa kaniya ang mabisang kapangyarihan at pinagaling silang lahat.” (Luc. 6:19) “At maging sa mga lansangan ay kanilang inilabas ang mga maysakit at kanilang inihiga sila sa mga papag at maliliit na higaan, upang sa pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng kaniyang anino ang ilan sa kanila. At nangagkatipon ding samasama ang mga karamihan mula sa mga lunsod sa palibot ng Jerusalem, dala-dala ang kanilang mga maysakit at yaong mga inaalihan ng maruruming espiritu, at bawa’t isa sa kanila ay napagaling.” (Gawa 5:15, 16) (Sa ating kaarawan, lahat ba ng lumalapit sa mga relihiyosong manggagamot o sa relihiyosong mga dambana sa paghahangad na gumaling ay aktuwal ngang gumagaling?)

      Ang paraan ba ng pamumuhay ng mga miyembro ng mga organisasyon na kinaaniban ng mga “tagapagpagaling” ay nagbibigay-patotoo na taglay nila ang espiritu ng Diyos?

      Bilang isang grupo sila ba’y namumukod-tangi sa pagpapamalas ng mga bunga ng espiritu na gaya ng pag-ibig, pagpapahinuhod, kahinahunan at pagpipigil-sa-sarili?​—Gal. 5:22, 23.

      Sila ba’y tunay na “hindi bahagi ng sanlibutan,” na tinatanggihan ang anomang pagkakasangkot sa makapolitikang mga gawain ng sanlibutan? Nananatili ba silang walang-sala sa dugo sa panahon ng digmaan? Sila ba’y may mabuting reputasyon dahil sa pag-iwas sa mahalay na paggawi ng sanlibutan?​—Juan 17:16; Isa. 2:4; 1 Tes. 4:3-8.

      Ang mga tunay na Kristiyano ba sa ngayon ay makikilala sa pamamagitan ng kakayahang magsagawa ng makahimalang pagpapagaling?

      Juan 13:35: “Sa ganito’y makikilala ng lahat ng mga tao na kayo’y aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t-isa.” (Ito ang sinabi ni Jesus. Kung talagang naniniwala tayo sa kaniya, hahanapin natin ang pag-ibig, hindi ang makahimalang pagpapagaling, bilang katibayan ng tunay na pagka-Kristiyano.)

      Gawa 1:8: “Tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag ang banal na espiritu ay bumaba sa inyo, at kayo’y magiging mga saksi ko . . . hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.” (Nang iiwan na niya ang kaniyang mga apostol upang magbalik sa langit, sinabi sa kanila ni Jesus na ito, hindi ang pagpapagaling, ang mahalagang gawain na dapat nilang gampanan. Tingnan din ang Mateo 24:14; 28:19, 20.)

      1 Cor. 12:28-30: “At inilagay ng Diyos ang bawa’t isa sa kongregasyon, unang-una’y, mga apostol; pangalawa’y, mga propeta; pangatlo’y, mga guro; pagkatapos ay makapangyarihang mga gawa; pagkatapos ay mga kaloob ng pagpapagaling; mga tulong na paglilingkod, mga kakayahang mamahala, iba’t-ibang wika. Hindi lahat ay mga apostol, hindi ba? Hindi lahat ay mga propeta, hindi ba? Hindi lahat ay mga guro, hindi ba? Hindi lahat ay gumagawa ng mga himala, hindi ba? Hindi lahat ay may mga kaloob ng pagpapagaling, hindi ba?” (Kaya, maliwanag na ipinakikita ng Bibliya na hindi lahat ng tunay na Kristiyano ay magkakamit ng kaloob na pagpapagaling.)

      Hindi ba ipinakikita ng Marcos 16:17, 18 na ang kakayahang magpagaling ng maysakit ay isang tanda na magpapakilala sa mga mananampalataya?

      Mar. 16:17, 18; KJ: “Ang mga tandang ito’y lalakip sa mga nagsisisampalataya; Sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo; magsisipagsalita sila ng mga bagong wika; magsisihawak sila ng mga ahas; at kung sakali mang makainom sila ng nakalalason, ito’y hindi tatalab sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at ang mga ito’y magsisigaling.”

      Ang mga tekstong ito ay lumilitaw sa ilang manuskrito ng

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share