Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Kapistahan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Juan 15:19: “Kung kayo [ang mga tagasunod ni Jesus] ay bahagi ng sanlibutan, ay iibigin ng sanlibutan ang kaniyang sarili. Nguni’t sapagka’t kayo’y hindi bahagi ng sanlibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanlibutan, kaya dahil dito’y napopoot sa inyo ang sanlibutan.”

      1 Juan 5:19: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.” (Ihambing ang Juan 14:30; Apocalipsis 13:1, 2; Daniel 2:44.)

      Iba pang lokal at pambansang kapistahan

      Napakarami nito. Hindi kayang talakayin ang lahat dito. Subali’t ang makasaysayang impormasyon na inilalaan sa itaas ay nagpapahiwatig kung ano ang dapat tingnan kaugnay ng alinmang kapistahan, at ang mga simulain ng Bibliya na natalakay na ay naglalaan ng sapat na patnubay para sa kanila na ang pangunahing mithiin ay ang gawin kung ano ang nakalulugod sa Diyos na Jehova.

  • Kasalanan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kasalanan

      Kahulugan: Sa literal, ang pagsala sa pamantayan, ayon sa mga Hebreo at Griyegong teksto ng Bibliya. Ang Diyos mismo ang siyang naglalagay ng “pamantayan” na kailangang abutin ng kaniyang matalinong mga nilalang. Ang pagsala sa pamantayang iyon ay kasalanan, na siya ring kalikuan, o katampalasanan. (Roma 3:23; 1 Juan 5:17; 3:4) Ang kasalanan ay anomang hindi kaayon ng banal na personalidad, pamantayan, daan at kalooban ng Diyos. Ito’y maaaring tumukoy sa maling paggawi, hindi paggawa ng nararapat gawin, masamang mga salita, maruming isip, o mapag-imbot na hangarin o motibo. Ipinakikita ng Bibliya ang kaibahan ng minanang kasalanan at ng sinadyang kasalanan, ng isang gawang pagkakasala na pinagsisihan ng isang tao at ng pamimihasa sa pagkakasala.

      Papaanong maaaring magkasala si Adan kung siya’y sakdal?

      Tungkol sa pagiging sakdal ni Adan, basahin ang Genesis 1:27, 31 at Deuteronomio 32:4. Nang sinabi ng Diyos na Jehova na ang kaniyang makalupang paglalang, kasama ang lalake at babae, ay “napakabuti,” ano ang ibig sabihin nito? Kung ang Isa na ang gawa ay sakdal ay nagsabi na ang ginawa niya ay “napakabuti,” tiyak na ito’y nakaabot sa kaniyang sakdal na mga pamantayan.

      Ang pagiging sakdal ba nina Adan at Eba ay nangangahulugan na hindi maaari silang magkamali? Inaasahan ng gumawa ng isang robot na gagawin nito ang lahat ng itinakda niyang gawin. Nguni’t ang sakdal na robot ay hindi tulad ng isang sakdal na tao. Ang mahahalagang katangiang tinataglay nila ay hindi magkatulad. Sina Adan at Eba ay mga tao, hindi mga robot. Ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan ang kakayahang pumili ng tama o mali, ng pagsunod o pagsuway, ang gumawa ng moral na mga pasiya. Yamang ang tao ay dinisenyo sa ganitong paraan, ang kawalan ng kakayahang magpasiya (hindi ang maling pagpapasiya) ang siyang magpapahiwatig ng di-kasakdalan.​—Ihambing ang Deuteronomio 30:19, 20; Josue 24:15.

      Para masabi na sina Adan at Eba ay nilalang na sakdal, kailangan bang laging maging tama ang lahat ng kanilang mga pagpapasiya? Para bang sinasabi nito na wala silang mapagpipilian. Nguni’t hindi sila ginawa ng Diyos upang basta magsunud-sunuran lamang. Pinagkalooban sila ng Diyos ng kakayahang pumili, anupa’t ang pagsunod nila’y magiging dahil sa pag-ibig nila sa kaniya. O, kung sadyang naging mapag-imbot ang kanilang puso, magiging masuwayin sila. Alin ang pipiliin mo​—ang tulungan ka ng isa dahil sa siya’y pinipilit o dahil sa talagang gusto niyang tumulong?​—Ihambing ang Deuteronomio 11:1; 1 Juan 5:3.

      Papaano maaaring maging mapag-imbot ang gayong sakdal na mga tao, na umakay sa pagkakasala? Bagama’t nilalang na sakdal, ang kanilang katawan ay hindi magpapatuloy sa sakdal na pagkilos kung hindi ito paglalaanan ng wastong pagkain. Sa gayon ding paraan, kung ang pag-iisip nila’y pakakainin ng maling mga kuru-kuro, magiging sanhi ito ng kanilang panghihina sa moral, ng kawalang-kabanalan. Ipinaliliwanag ng Santiago 1:14, 15: “Ang bawa’t tao ay nahihikayat at natutukso ng sarili niyang pita. Kung magkagayo’y ang pita, kapag naipaglihi, ay nanganganak ng kasalanan.” Sa kalagayan ni Eba, nagpasimulang mabuo ang maling pita nang siya’y nakinig kay Satanas, na gumamit ng ahas bilang kaniyang tagapagsalita. Nakinig si Adan sa panghihikayat ng kaniyang asawa na makisama sa kaniya sa pagkain ng ipinagbabawal na bunga. Sa halip na itakwil nila ang maling kaisipan, kapuwa nila nilinang ang mapag-imbot na pagnanasa. Umakay ito sa mga gawang pagkakasala.​—Gen. 3:1-6.

      Ang kasalanan ba ni Adan ay bahagi ng “plano ng Diyos”?

      Tingnan ang pahina 29, sa paksang “Adan at Eba,” gayundin ang pahina 409, sa paksang “Tadhana.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share