-
BibliyaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Bibliya. (2 Tim. 3:16, 17)’ (2) ‘Hindi gusto ng Diyos na tayo’y mangapa sa kawalang-alam; sinabi niyang kalooban niya na matutuhan natin ang wastong kaalaman hinggil sa katotohanan. (1 Tim. 2:3, 4) Sa lubos na kasiyasiyang paraan ay sinasagot ng Bibliya ang mga tanong na gaya ng . . . ’ (Upang matulungan ang ibang tao, baka kailanganin muna ninyong pag-usapan ang patotoo na may Diyos. Tingnan ang mga pahina 126-133, sa paksang “Diyos.”)
‘Ang Bibliya ay aklat ng mga puti’
Maaari kayong sumagot: ‘Totoo nga pong nakapaglimbag sila ng maraming kopya ng Bibliya. Pero hindi sinasabi ng Bibliya na ang isang lahi ay nakahihigit sa iba.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ang Bibliya ay mula sa ating Maylikha, at siya’y walang pagtatangi. (Gawa 10:34, 35)’ (2) ‘Ang pagkakataon na mabuhay magpakailanman dito sa lupa sa ilalim ng kaniyang Kaharian ay iniaalok ng Salita ng Diyos sa mga tao mula sa lahat ng bansa at angkan. (Apoc. 7:9, 10, 17)’
O maaari ninyong sabihin: ‘Hindi naman talaga! Ang Maylikha sa tao ang siyang pumili ng mga lalake na kaniyang papatnubayan sa pagsulat ng 66 aklat ng Bibliya. At kung pinili niyang gamitin ang mga taong mapuputi ang balat, pananagutan niya yaon. Subali’t ang mensahe ng Bibliya ay hindi limitado sa mga puti.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Pansinin ang sinabi ni Jesus . . . (Juan 3:16) Ang “sinoman” ay kumakapit sa mga tao anoman ang kulay ng kanilang balat. Isa pa, bago umakyat sa langit, binigkas ni Jesus ang mga salitang ito bilang pamamaalam sa kaniyang mga alagad . . . (Mat. 28:19)’ (2) ‘Kapunapuna, ang Gawa 13:1 ay bumabanggit sa isang taong nagngangalang Niger, isang pangalang nangangahulugan ng “itim.” Kabilang siya sa mga propeta at guro ng kongregasyon sa Antiokiya, Syria.’
‘King James Version lamang ang pinaniniwalaan ko’
Maaari kayong sumagot: ‘Kung nariyan ang kopya ninyo, may gusto akong ibahagi sa inyo na natuklasan kong nakapagpapatibay.’
O maaari ninyong sabihin: ‘Marami ang gumagamit sa saling iyan ng Bibliya, at ako mismo ay mayroon niyan sa aking aklatan.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Alam ba ninyo na ang Bibliya ay unang isinulat sa mga wikang Hebreo, Aramaiko, at Griyego? . . . Nababasa ba ninyo ang mga wikang ito? . . . Kaya makapagpapasalamat tayo na ang Bibliya ay naisalin sa Ingles.’ (2) ‘Ipinakikita ng talaang ito (“Table of the Books of the Bible,” sa NW) na ang Genesis, na siyang unang aklat ng Bibliya, ay natapos noong 1513 B.C.E. Alam ba ninyo na, pagkatapos maisulat ang Genesis, 2,900 taon ang lumipas bago naisalin sa Ingles ang buong Bibliya? At mahigit na 200 taon ang lumipas muli bago natapos ang King James Version (1611 C.E.).’ (3) ‘Mula noong ika-17 siglo, marami nang pagbabago ang dinaanan ng Ingles. Nararanasan natin ito sa ating sariling panahon, hindi ba? . . . Kaya nagpapahalaga tayo sa makabagong mga salin na buong-ingat na naghaharap ng orihinal na mga katotohanan sa wikang ginagamit natin sa ngayon.’
‘Sarili ninyong salin iyan’
Tingnan ang paksang “New World Translation.”
-
-
BuhayNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Buhay
Kahulugan: Isang aktibong kalagayan na nagbubukod sa mga halaman, hayop, tao, at espiritung nilalang mula sa mga bagay na walang buhay. Ang pisikal na mga bagay na may buhay karaniwan na’y nagtataglay ng kakayahang lumaki, may metabolismo, tumutugon sa pampasigla mula sa iba, at nagpapakarami. Ang halaman ay may aktibong buhay nguni’t hindi bilang isang may-sentidong kaluluwa. Sa makalupang mga kaluluwa, hayop at tao, may aktibong puwersa ng buhay na nagpapakilos sa kanila at mayroon ding hininga upang ito’y panatilihin.
Ang tunay na kahulugan ng buhay, gaya ng ikinakapit sa matalinong mga persona, ay ang sakdal na pag-iral taglay ang karapatan nito. Ang kaluluwang-tao ay hindi imortal. Subali’t ang tapat na mga lingkod ng Diyos ay may pag-asa ng walang-hanggang buhay sa kasakdalan—sa lupa para sa marami, sa langit para sa isang “munting kawan” bilang tagapagmana ng Kaharian ng Diyos. Sa kanilang pagkabuhay-muli bilang mga espiritu, ang mga miyembro ng uring pang-Kaharian ay pinagkakalooban din ng imortalidad, isang uri ng buhay na hindi nangangailangan ng anomang bagay na nilikha upang ito’y pamalagiin.
Ano ang layunin ng buhay ng tao?
Upang magkaroon ng layunin sa buhay kailangan nating kilalanin ang Bukal ng buhay. Kung ang buhay ay basta nagkataon lamang at walang matalinong lumikha, ang pag-iral natin ay walang layunin, at hindi tayo makagagawa ng plano para sa isang tiyak na kinabukasan. Nguni’t ang Gawa 17:24, 25, 28 ay nagsasabi
-