-
Mga BabaeNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
dapat niyang isuot ang gayong lambong sa ulo bilang panlabas na tanda ng kaniyang paggalang sa pagka-ulo ng lalake kapag siya’y nag-aasikaso ng mga bagay na may kaugnayan sa pagsamba na karaniwa’y ginagampanan ng kaniyang asawa o ng iba pang lalake. Kung siya’y nananalangin nang malakas alang-alang sa iba o nagdaraos ng isang pormal na pag-aaral sa Bibliya, na sa gayo’y nagtuturo, kapag naroroon ang kaniyang asawa, dapat siyang maglagay ng lambong sa ulo, kahit ang asawa niya’y hindi niya kapananampalataya. Nguni’t, palibhasa’y inatasan siya ng Diyos na turuan ang kaniyang mga anak, hindi siya kailangang magsuot ng takip sa ulo kapag nananalangin o nagdaraos ng pag-aaral sa kaniyang di-pa-naiaalay na mga anak sa mga panahong wala doon ang kaniyang asawa. Kung nagkataong naroroon ang isang nag-alay na lalaking miyembro ng kongregasyon o siya’y sinasamahan ng dumadalaw na naglalakbay na tagapangasiwa, kung gayon, kapag siya’y nagdaraos ng isang dati-nang-isinaayos na pag-aaral sa Bibliya, dapat niyang takpan ang kaniyang ulo, nguni’t ang lalake ang dapat manalangin.
Wasto ba para sa mga babae na gumamit ng kosmetiko o mga alahas?
1 Ped. 3:3, 4: “Huwag sa labas ang inyong paggayak na gaya ng labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga hiyas na ginto o pagbibihis ng maringal na damit, kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at mahinahon, na may malaking halaga sa paningin ng Diyos.” (Nangangahulugan ba ito na ang mga babae ay hindi nararapat magsuot ng anomang uri ng palamuti? Hindi gayon; kung paanong hindi ibig sabihin na sila’y hindi dapat magsuot ng maringal na damit. Sa halip dito sila’y hinihimok na maging timbang sa kanilang pangmalas tungkol sa pag-aayos at pananamit, na binibigyan ng pangunahing pansin ang espirituwal na paggayak.)
1 Tim. 2:9, 10: “Ibig ko na ang mga babae ay magsigayak ng maayos na damit na may kahinhinan at kahinahunan, hindi ng labis na estilo ng buhok at ginto o perlas o mamahaling damit, kundi siyang nararapat sa mga babaing sumasamba sa Diyos, alalaong baga’y, sa pamamagitan ng mabubuting gawa.” (Alin ang talagang mahalaga sa Diyos—ang panlabas na anyo o ang kalagayan ng puso ng isa? Malulugod ba ang Diyos kung ang isang babae ay hindi gumagamit ng kosmetiko o alahas nguni’t namumuhay nang imoral? O kaniya bang sasang-ayunan ang mga babaing mahinhin at mahinahon sa paggamit nila ng kosmetiko at alahas samantalang ang pangunahing kagayakan nila ay ang maka-diyos na mga katangian at paggawing Kristiyano? Sinasabi ni Jehova: “Hindi tumitingin ang Diyos na gaya ng pagtingin ng tao, sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha; nguni’t si Jehova ay tumitingin sa puso.”—1 Sam. 16:7.)
Kaw. 31:30: “Ang alindog ay mandaraya, at ang ganda ay kumukupas; nguni’t ang babae na natatakot kay Jehova ang magkakamit ng kapurihan.”
-
-
Babilonyang DakilaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Babilonyang Dakila
Kahulugan: Ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, na sumasaklaw sa lahat ng relihiyon na ang turo at kaugalian ay hindi kasuwato ng tunay na pagsamba kay Jehova, ang tanging tunay na Diyos. Pagkaraan ng Baha noong panahon ni Noe, ang huwad na pagsamba ay nagsimula sa Babel (kilala nang dakong huli bilang Babilonya). (Gen. 10:8-10; 11:4-9) Nang maglaon, ang mga Babilonikong paniwala at kaugalian ay lumaganap sa maraming lupain. Kaya ang Babilonyang Dakila ay naging isang angkop na pangalan para sa huwad na relihiyon sa kabuuan.
Anong katibayan ang nagpapakilala sa Babilonyang Dakila na tinutukoy sa Apocalipsis?
Hindi ito maaaring tumukoy sa sinaunang lunsod ng Babilonya. Ang Apocalipsis ay nasulat nang magtatapos ang unang siglo C.E., at inilalarawan nito ang mga pangyayari na matutupad sa ating panahon. Sinasabi ng The Encyclopedia Americana: “Ang lunsod [Babilonya] ay sinakop ng mga Persiyano sa ilalim ni Cirong Dakila noong 539 B.C. Nang dakong huli binalak ni Alejandrong Dakila na ang Babilonya ay gawing kabisera ng kaniyang imperyo sa silangan, subali’t pagkaraang mamatay siya unti-unting nawalan ng halaga ang Babilonya.” (1956, Tomo III, p. 7) Sa ngayon ang lunsod na ito ay isang kagibaang walang naninirahan.
Sa simbolismo ng Apocalipsis, ang Babilonyang Dakila ay tinutukoy na isang “malaking lunsod,” isang kaharian na nagpupuno sa iba pang mga hari. (Apoc. 17:18) Gaya ng isang lunsod, ito ay sumasakop sa maraming organisasyon; at gaya ng isang kaharian na sumasaklaw sa iba pang hari sa nasasakupan nito, ang lawak nito ay pandaigdig. Ito ay iniuulat na nakikipag-ugnayan sa maka-politikang mga pinuno at nakaragdag nang malaki sa kayamanan ng mga negosyante, samantalang ito bilang ikatlong
-