-
Adan at EbaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Genesis bilang katotohanan, hindi rin ba natin dapat paniwalaan ito?)
Kung May Magsasabi—
‘Ang kasalanan ni Adan ay kalooban ng Diyos, plano ng Diyos.’
Maaari kayong sumagot: ‘Marami ang nagsasabi nang ganiyan. Nguni’t kung gagawa ako ng isang bagay na gusto ninyong gawin ko, mamasamain ba ninyo ako dahil doon? . . . Kaya, kung ang kasalanan ni Adan ay kalooban ng Diyos, bakit pinalayas si Adan sa Eden bilang isang makasalanan? (Gen. 3:17-19, 23, 24)’
O maaari ninyong sabihin: ‘Magandang punto iyan, at ang sagot ay talagang nagsasangkot sa kung anong uri ng persona ang Diyos. Magiging makatarungan o maibigin kaya na hatulan ang isa sa paggawa ng isang bagay na kayo mismo ang nagplano na dapat niyang gawin?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Si Jehova ay Diyos ng pag-ibig. (1 Juan 4:8) Lahat ng kaniyang daan ay makatarungan. (Awit 37:28; Deut. 32:4) Hindi kalooban ng Diyos na magkasala si Adan; binalaan niya si Adan laban dito. (Gen. 2:17)’ (2) ‘Pinagkalooban ng Diyos si Adan, gaya din natin, ng kalayaan na pumili kung ano ang gagawin niya. Ang kasakdalan ay hindi nag-aalis sa malayang kalooban na sumuway. Pinili ni Adan na maghimagsik laban sa Diyos, sa kabila ng babala na kamatayan ang ibubunga nito.’ (Tingnan din ang pahina 409.)
-
-
AntikristoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Antikristo
Kahulugan: Ang antikristo ay nangangahulugang kasalungat o kapalit ni Kristo. Ang kataga ay kumakapit sa lahat ng tumatanggi sa sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesu-Kristo, lahat ng sumasalansang sa kaniyang Kaharian, at sa lahat ng may masamang pagtrato sa kaniyang mga tagasunod. Kalakip dito ang mga indibiduwal, organisasyon, at mga bansa na nagpapanggap na kumakatawan kay Kristo o may kamaliang iniuukol sa sarili ang tungkulin ng Mesiyas.
Ang Bibliya ba ay tumutukoy sa iisa lamang antikristo?
1 Juan 2:18: “Mumunting mga anak, ito ang huling oras, at gaya ng inyong narinig na darating ang antikristo, kahit ngayon ay lumitaw ang maraming antikristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.”
2 Juan 7: “Maraming magdaraya ang nagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay yaong mga hindi nagpapahayag na si Jesu-Kristo ay naparito sa laman. Ito ang magdaraya at ang antikristo.” (Pansinin na ang “maraming antikristo” sa 1 Juan 2:18 ay tinutukoy dito nang samasama bilang “ang antikristo.”)
Ang pagdating ba ng antikristo ay nakatakda pa sa hinaharap?
1 Juan 4:3: “Bawa’t kinasihang kapahayagan na hindi nagpapahayag kay Jesus ay hindi buhat sa Diyos. Bukod dito, ito ang kinasihang kapahayagan ng antikristo na narinig ninyong darating, at ngayon ito ay narito na sa sanlibutan.” (Ito ay isinulat nang malapit nang matapos ang unang siglo C.E.)
1 Juan 2:18: “Kahit ngayon ay lumitaw ang maraming antikristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.” (Sa “huling oras” maliwanag na ang tinutukoy ni Juan ay ang katapusan ng panahong apostoliko. Ang ibang mga apostol ay nangamatay na, at si Juan mismo ay napakatanda na.)
Ang ilan sa mga ipinakikilala bilang antikristo—
Mga taong nagtatatwa na si Jesus ay tunay ngang ang Mesiyas
1 Juan 2:22: “Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ang Kristo [o, Mesiyas, ang pinahiran]? Ito ang antikristo.”
Lahat ng nagtatatwa na si Jesus ang tanging Anak ng Diyos
1 Juan 2:22: “Ito ang antikristo, samakatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.”
Ihambing ang Juan 10:36; Lucas 9:35.
Mga apostata
1 Juan 2:18, 19: “Lumitaw ang marami nang antikristo . . . Sila’y nagsilabas sa atin, sapagka’t sila’y hindi natin kauri.”
Yaong mga sumasalansang sa tunay na mga tagasunod ni Kristo
Juan 15:20, 21: “Kung ako’y kanilang pinag-usig, kayo man ay kanilang pag-uusigin . . . Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan.”
Mga indibiduwal at bansa na sumasalansang kay Kristo bilang Hari o na sa ganang sarili’y may-kabulaanang nag-aangkin sa tungkulin ng Mesiyas
Awit 2:2: “Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda at ang matataas na pinuno ay nagsasanggunian laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran [ang Kristo, o Mesiyas].”
Tingnan din ang Apocalipsis 17:3, 12-14; 19:11-21.
Mat. 24:24: “Magsisilitaw ang mga bulaang Kristo at bulaang propeta at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga pinili.”
-
-
ApostasiyaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Apostasiya
Kahulugan: Ang apostasiya ay ang pagtalikod o paghiwalay sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos, sa aktuwal ay isang paghihimagsik laban sa Diyos na Jehova. Inaangkin ng ibang mga apostata na sila’y kumikilala at naglilingkod sa Diyos subali’t tinatanggihan naman nila ang mga turo o kahilingan na isinasaad sa kaniyang Salita. Inaangkin ng iba na sila’y naniniwala sa Bibliya subali’t tinatanggihan nila ang organisasyon ni Jehova.
Dapat ba nating asahan na may mga apostatang babangon sa gitna ng kongregasyong Kristiyano?
1 Tim. 4:1: “Nguni’t, hayag na sinasabi ng kinasihang mga kapahayagan na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya at mangakikinig sa mapandayang mga kinasihang kapahayagan at sa mga aral ng mga demonyo.”
2 Tes. 2:3: “Huwag kayong padaya kaninoman sa anomang paraan, sapagka’t [ang araw ni Jehova] ay hindi darating, malibang dumating muna ang pagtaliwakas at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.”
Ilang tanda na pagkakakilanlan sa mga apostata—
Sinisikap nilang gawing tagasunod ang iba, sa gayo’y lumilikha ng mga sektang nagkakabahabahagi
Gawa 20:30: “Magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang
-