Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kasalanan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • 1 Tim. 1:13: “Kinahabagan ako [sabi ni apostol Pablo], sapagka’t yao’y ginawa ko sa di-pagkaalam at sa kawalan ng pananampalataya.” (Nguni’t nang ipakita sa kaniya ng Panginoon ang tamang daan, hindi siya nag-atubili sa pagsunod dito.)

      2 Cor. 6:1, 2: “Yamang kasama niyang gumagawa, ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang di-na-sana nararapat na awa ng Diyos at waling-kabuluhan ang layunin nito. Sapagka’t sinasabi niya: ‘Sa kaayaayang panahon kita’y pinakinggan, at sa araw ng kaligtasan kita’y tinulungan.’ Narito! Ngayon ang kaayaayang panahon. Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.” (Ngayon na ang panahon na nakabukas ang pagkakataon ukol sa kaligtasan. Ang Diyos ay hindi laging magpapakita ng gayong di-na-sana nararapat na awa sa makasalanang mga tao. Kaya, dapat pakaingat tayo upang huwag waling-kabuluhan ang layunin nito.)

      Papaano posibleng magkaroon ng ginhawa sa ating makasalanang kalagayan?

      Tingnan ang paksang “Pantubos.”

  • Krus
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Krus

      Kahulugan: Sa kalakhang bahagi ng Sangkakristiyanuhan ang kasangkapan na ginamit sa pagpatay kay Jesu-Kristo ay sinasabing isang krus. Ang salita ay kinuha sa Latin na crux.

      Sa mga lathalain ng Watch Tower bakit ipinakikita si Jesus sa isang tulos na ang mga kamay ay nasa itaas ng kaniyang ulo sa halip na sa tradisyonal na krus?

      Sa maraming modernong salin ng Bibliya ang salitang Griyego na isinaling “krus” (“pahirapang tulos” sa NW) ay stau·rosʹ. Sa klasikal na Griyego, ang salitang ito ay nangahulugan lamang ng isang tuwid na tulos, o haligi. Nang maglaon nangahulugan din ito ng isang tulos sa pagpatay na may sangang nakakrus. Kinikilala ito ng The Imperial Bible-Dictionary, sa pagsasabing: “Ang salitang Griyego para sa krus, [stau·rosʹ], ay wastong ipangahulugan na tulos, tuwid na haligi, o istaka, na kung saan kahit ano ay maaaring ibitin, o kaya’y gamitin sa pagbabakod ng lupa. . . . Maging sa gitna ng mga Romano mula pa sa simula matutuklasan na ang crux (na siyang pinagkunan ng ating krus) ay isang tuwid na haligi.”​—Pinamatnugutan ni P. Fairbairn (Londres, 1874), Tomo I, p. 376.

      Totoo ba ito kaugnay ng pagkamatay ng Anak ng Diyos? Kapansinpansin na ginamit din ng Bibliya ang salitang xyʹlon upang tukuyin ang kasangkapang ginamit. Ganito ang kahulugan na ibinibigay dito ng A Greek-English Lexicon, nina Liddell at Scott: “Kahoy na putol at handang gamitin, panggatong, tabla, atb. . . . kapirasong kahoy, troso, balakilan, haligi . . . batuta, pambambo . . . tulos na kung saan ibinayubay ang mga kriminal . . . buhay na kahoy, puno.” Sinasabi din nito, “sa B[agong] T[ipan], ng krus,” at binabanggit ang Gawa 5:30 at 10:39 bilang mga halimbawa. (Oxford, 1968, p. 1191, 1192) Gayumpaman, sa mga tekstong yaon ang KJ, RS, JB, at ang Dy ay nagsasalin sa xyʹlon bilang “punongkahoy.” (Ihambing ang saling ito sa Galacia 3:13; Deuteronomio 21:22, 23.)

      Ang aklat na The Non-Christian Cross, ni J. D. Parsons (Londres, 1896), ay nagsasabi: “Sa orihinal na Griyego, wala ni isa mang pangungusap sa mga kasulatan na bumubuo ng Bagong Tipan, na naghaharap ng kahit di-tuwirang katibayan na ang stauros na ginamit sa kaso ni Jesus ay hindi isang karaniwang stauros; lalung-lalo nang hindi sinasabi roon na ito ay binubuo, hindi ng iisang pirasong kahoy, kundi ng dalawang piraso na ipinako sa hugis na magkakrus. . . . Lubhang nakalilito ang pagsasalin ng ating mga guro sa salitang stauros bilang ‘krus’ kapag ang mga dokumentong Griyego ng Simbahan ay isinasalin sa ating sariling wika, at alalayan ang hakbang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘krus’ sa ating mga lexicon bilang kahulugan ng stauros na hindi man lamang ipinaliliwanag nang buong-ingat na noong kaarawan ng mga Apostol, ito ay hindi siyang saligang kahulugan ng salitang ito, at hindi naging pangunahing kahulugan kundi matagal pang panahon pagkaraan nito, at bagaman kulang ng umaalalay na katibayan, sa paano’t-paano ma’y ipinalagay na ang partikular na stauros na pinagbitinan kay Jesus ay may gayong tiyak na hugis.”​—P. 23, 24; tingnan din ang The Companion Bible (Londres, 1885), Apendise Blg. 162.

      Kaya mabigat ang ebidensiya na nagpapakitang si Jesus ay namatay sa isang tuwid na haligi at hindi sa tradisyonal na krus.

      Ano ang makasaysayang mga pinagmulan ng krus ng Sangkakristiyanuhan?

      “Matagal pa bago dumating ang kapanahunang Kristiyano, sari-saring bagay ang natuklasan na namamarkahan ng mga krus na may iba’t-ibang hugis, sa halos lahat ng bahagi ng matandang sanlibutan. Ang Indiya, Siriya, Persiya at Ehipto ay

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share