Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hula
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • dapat nating unahin sa buhay? . . . Pansinin ang sinabi niya gaya ng nakaulat sa Mateo 6:33.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Hindi ba tayo tinuruan ni Jesus na idalangin ang Kahariang iyan, at unahin ito kaysa paghingi ng kapatawaran dahil sa ating pananampalataya sa kaniya bilang Tagapagligtas? (Mat. 6:9-12)’

  • Mga Huling Araw
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Huling Araw

      Kahulugan: Ginagamit ng Bibliya ang pananalitang “mga huling araw” upang tumukoy sa huling yugto ng panahon bago sumapit ang itinakda ng Diyos na pagpuksa na mangyayari sa katapusan ng isang sistema ng mga bagay. Ang Judiong sistema at ang pagsamba nito may kaugnayan sa templo sa Jerusalem ay nakaranas ng mga huling araw sa panahon na umabot sa sukdulan noong 70 C.E. Ang nangyari noon ay lumalarawan sa mararanasan pa sa lalong matinding paraan sa buong globo sa panahong ang lahat ng mga bansa ay mapapaharap sa paggagawad ng hatol na itinakda ng Diyos. Ang mga huling araw ng kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay ay nagsimula noong 1914, at ang ilan sa lahing nabubuhay noon ay makasasaksi sa ganap na kawakasan nito sa “malaking kapighatian.”

      Ano ang nagpapatotoo na tayo ngayon ay nabubuhay sa “mga huling araw”?

      Inilalarawan ng Bibliya ang mga pangyayari at kalagayan na magiging palatandaan ng mahalagang panahong ito. “Ang tanda” ay binubuo ng maraming pinagsamasamang katibayan; kaya upang matupad ito ay kailangang makitang nangyayari ang lahat ng bahagi ng tanda sa loob lamang ng isang lahi. Ang iba’t-ibang bahagi ng tanda ay nakaulat sa Mateo mga kabanata 24, 25, Marcos 13, at Lucas 21; may karagdagan pang mga detalye sa 2 Timoteo 3:1-5, 2 Pedro 3:3, 4, at Apocalipsis 6:1-8. Upang ipaghalimbawa ito, isasaalang-alang natin ang ilan sa natatanging bahagi ng tanda.

      “Magsisitindig ang bansa laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian” (Mat. 24:7)

      Ang buhay sa lupa ay pininsala ng digmaan sa loob ng libulibong taon. Sumiklab ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at sa gitna mismo ng mga bansa. Nguni’t noong 1914 nagsimula ang unang pandaigdig na digmaan. Hindi lamang ito isang labanan sa pagitan ng dalawang hukbo sa larangan ng digmaan. Sa kaunaunahang pagkakataon, lahat ng malalaking bansa ang nagdidigmaan. Buong mga bansa​—pati ang karaniwang mga mamamayan​—ay inorganisa upang tangkilikin ang digmaan. Tinatantiya na sa katapusan ng digmaan ang nasangkot ay 93 porsiyento ng populasyon ng daigdig. (Tungkol sa makasaysayang kahulugan ng 1914, tingnan ang mga pahina 174, 175.)

      Gaya ng inihula sa Apocalipsis 6:4, ‘inalis sa lupa ang kapayapaan.’ Kaya mula noong 1914 ay patuloy na nakaranas ng kaligaligan ang sanlibutan. Naganap ang Digmaang Pandaigdig II mula noong 1939 hanggang 1945. Ayon sa retiradong Admiral na si Gene La Rocque, hanggang 1982 ay nagkaroon ng 270 karagdagang digmaan mula noong 1945. Mahigit sa 100 milyong katao ang napatay sa digmaan sa siglong ito lamang. Gayon din, ayon sa edisyon ng 1982 ng World Military and Social Expenditures, noong taóng iyon may 100 milyong katao na tuwiran o di tuwirang nakilahok sa gawaing militar.

      Higit pa ba ang kailangan upang matupad ang bahaging ito ng hula? May sampu-sampung libong nukleyar na mga sandata na nakahandang gamitin karakaraka. Sinasabi ng pangunahing mga siyentista na kung gagamitin ng mga bansa ang kahit kaliit-liitang bahagi ng kanilang inimbak na nukleyar na sandata, maaaring malipol ang kabihasnan pati na rin ang buong lahi ng tao. Nguni’t hindi iyon ang hantungang itinuturo ng hula ng Bibliya.

      “Magkakaroon ng kakapusan sa pagkain . . . sa iba’t-ibang dako” (Mat. 24:7)

      Marami ang naganap na taggutom sa kasaysayan ng tao. Kumusta naman ang sa ika-20 siglo? Bunga ng pandaigdig na digmaan ay nagkaroon ng laganap na taggutom sa Europa at Asya. Ang Aprika ay tinamaan ng tagtuyot, na nagbunga ng laganap na kakapusan sa pagkain. Noong dakong huli ng 1980 ang Food and Agriculture Organization ay tumaya na 450 milyong katao ang gutóm na gutóm, at halos isang bilyon ay kulang ng pagkain. Sa mga ito, mga 40 milyon ang namamatay bawa’t taon​—may mga taon na ito’y umaabot sa 50 milyon​—dahil sa kakapusan ng pagkain.

      Kakaiba ba ang mga taggutom na ito? Oo; patuloy na umiiral ito kahit na may pagkaing makukuha. May mga bansang mararami ang sobra, at dahil sa modernong transportasyon ang pagkain ay madaling maihatid sa mga nangangailangan. Ngunit ang pambansang patakaran at makakomersiyong mga kapakanan ay maaaring salungat dito. Ang totoo, ang mga bansang doo’y angaw-angaw ang kapos sa pagkain ay marahil nagluluwas ng karamihan ng kanilang pinakamainam na pagkain sa mga bansang marami na nito. Ang kalagayang ito ay hindi lamang umiiral sa iisang dako, kundi sa buong daigdig. Noong 1981 iniulat ng The New York Times: “Ang pag-unlad

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share