Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Langit
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • patid sa Diyos dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ni Jehova, sapagka’t pinili kayo ng Diyos mula sa pasimula sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pagbanal sa inyo sa espiritu at sa pamamagitan ng pananampalataya ninyo sa katotohanan. Sa pag-asang ito’y tinawag kayo sa pamamagitan ng mabuting balita na aming inihahayag, sa layuning tamuhin ang kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Kristo.”

      Roma 9:6, 16: “Hindi lahat ng nagbubuhat sa Israel ay tunay ngang ‘Israel.’ . . . Ito’y nasasalig, hindi sa may ibig ni sa tumatakbo, kundi sa Diyos, na may awa.”

  • Lupa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Lupa

      Kahulugan: Ang taguring “lupa” ay may maraming kahulugan ayon sa pagkakagamit sa Kasulatan. Karaniwan nang tumutukoy ito sa mismong planeta, na saganang pinagpala ni Jehova upang makatustos sa buhay ng tao sa isang kasiyasiyang paraan. Gayumpaman, dapat maunawaan na ang “lupa” ay maaari ding gamitin sa makasagisag na diwa, at tumutukoy, bilang halimbawa, sa mga taong namumuhay sa planetang ito o sa isang lipunan ng tao na may ilang tiyak na mga katangian.

      Mawawasak ba ang planetang Lupa sa isang nukleyar na digmaan?

      Ano ang ipinakikita ng Bibliya na layunin ng Diyos tungkol sa lupa?

      Mat. 6:10: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung papaano sa langit, ay gayon din naman sa lupa.”

      Awit 37:29: “Ang mga matuwid ay magmamana ng lupa, at sila’y tatahan dito magpakailanman.”

      Tingnan din ang Eclesiastes 1:4; Awit 104:5.

      Posible kaya, yamang walang gaanong pagpapahalaga ang mga bansa sa layunin ng Diyos, na baka sila na rin ang lubusang magwasak sa lupa upang hindi na ito matirahan?

      Isa. 55:8-11: “[Ang kapahayagan ni Jehova ay:] Sapagka’t kung paanong ang mga langit ay lalong mataas kaysa lupa, kaya ang aking mga pamamaraan ay lalong mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip. . . . Ang aking salita . . . ay hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at tiyak na magtatagumpay sa layuning aking pinagsuguan.”

      Isa. 40:15, 26: “Tingnan ninyo! [Mula sa pangmalas ng Diyos na Jehova] Ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba; inaari na parang munting alabok sa timbangan. . . . ‘Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at masdan ninyo [ang araw, buwan at bilyun-bilyong bituin]. Sino ang lumikha sa mga ito? Siya na tumutuos sa kanilang hukbo ayon sa bilang, na lahat ay kaniyang tinatawag sa pangalan. Sa pamamagitan ng kadakilaan ng kaniyang dinamikong lakas, at dahil sa siya’y malakas sa kapangyarihan, ay wala ni isa mang nagkukulang.’ ” (Ang nukleyar na puwersa na naimbak ng mga bansa ay nakapanggigilalas sa tao. Subali’t bilyun-bilyong bituin ang gumagamit ng puwersang nukleyar sa isang antas na hindi natin kayang gunigunihin. Sino ang lumikha at sumusupil sa lahat ng makalangit na mga lalang na ito? Hindi kaya Niya mahahadlangan ang mga bansa sa paggamit ng kanilang mga sandatang nukleyar sa paraan na sumasalungat sa kaniyang layunin? Na ganito ngaang gagawin ng Diyos ay inilalarawan sa pagpuksa niya sa kapangyarihang militar ng Ehipto nang sikapin ni Paraon na hadlangan ang paglaya ng Israel.​—Exo. 14:5-31.)

      Apoc. 11:17, 18: “Pinasasalamatan ka namin, O Jehovang Diyos, na Makapangyarihan-sa-Lahat, na Ikaw ngayon at maging noong nakaraan, sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan at ikaw ay naging hari. Subali’t nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong sariling poot, at ang itinakdang panahon . . . upang ipahamak mo yaong mga nagpapahamak sa lupa.”

      Wawasakin ba ng Diyos ang lupa sa pamamagitan ng apoy?

      Inaalalayan ba ng 2 Pedro 3:7, 10 (KJ) ang paniwalang ito? “Ang sangkalangitan at ang lupa, na umiiral ngayon, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iniingatan, at itinataan sa apoy sa araw ng paghuhukom at ng paglipol [“pagpuksa,” RS] ng mga taong masasama. . . . Darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw sa gabi; anupa’t ang sangkalangitan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang narito ay pawang masusunog [“masusupok,” RS, JB; “maglalaho,” TEV; “mahahayag,” NAB; “mahuhubaran,” NE; “mabubunyag,”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share