-
Mga DrogaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
o kaya’y namamatay ang sanggol hindi nagtatagal matapos maisilang.” (Family Health, Mayo 1979, p. 8) Ang ganitong kawalang-pagmamahal na pagtrato sa mga miyembro ng pamilya ay maliwanag na katibayan na ang isa ay hindi gumagawi bilang Kristiyano.—Ihambing ang 1 Timoteo 5:8.
“Ipinakikita ng mga pagsusuri na yamang ang panahon na ginagamit ng karaniwang maninigarilyo sa aktuwal na paghitit ay maliit na porsiyento lamang ng panahon ng pagkasindi nito, ang isang hindi naninigarilyo ay aktuwal na napipilitan na lumanghap ng kasindami ring carbon monoxide, tar at nikotina na gaya ng nilalanghap ng maninigarilyong katabi niya.” (Today’s Health, Abril 1972, p. 39) Kaya ang isang tao na hindi umiibig sa kaniyang kapuwa ay naglalaan ng katibayan na hindi rin niya iniibig ang Diyos.—Tingnan ang 1 Juan 4:20.
Bakit gumawa ang Diyos ng mga halaman na pinagkukunan ng droga kung masamang gamitin ito?
Ang mga bagay na inaabuso ay karaniwan nang may wasto ring mga gamit. Totoo ito sa kakayahan ng tao na makapagluwal ng supling. Totoo rin ito sa alak. Ang marijuana ay galing sa mga pinatuyong dahon at usbong ng halamang hemp, na naglalaan ng kapakipakinabang na mga himaymay sa paggawa ng lubid at tela. Ang mga dahon ng tabako, na inaabuso din ng mga maninigarilyo, ay magagamit sa paggawa ng mga pamatay sa mikrobyo at mga kulisap. Kung tungkol sa kayamanan ng lupa, malaki pa ang maaaring matutuhan hinggil sa kung papaano magagamit ang mga ito sa kapakipakinabang na paraan. Maging ang mga panirang damo ay kapakipakinabang sa pagpigil sa pagkatibag ng lupa at nagsisilbing pataba habang ang lupa ay hindi pa inaararo.
Ano ang maaaring gawin ng isa kung nasubukan na niyang kumalas sa bisyo ng paninigarilyo o iba pang droga subali’t hindi naging matagumpay?
Una, sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya at pagbubulaybulay dapat ninyong linangin ang isang masidhing pagnanais na makalugod sa Diyos at mabuhay sa kaniyang matuwid na bagong sistema. Kung magiging malapit kayo sa kaniya, magiging malapit din siya sa inyo, at pagkakalooban kayo ng kinakailangang tulong.—Sant. 4:8.
Mahalaga na maging kumbinsido sa kasamaan ng mga bisyong ito upang mapasulong ang isang tunay na pagkasuklam sa mga ito. (Awit 97:10) Magagawa ito sa pamamagitan ng pagrerepaso sa mga katotohanan na iniharap sa seksiyong ito ng aklat at pagbubulaybulay, hindi sa pansamantalang kasiyahan na makakamit ngayon sa mga bisyong ito, kundi sa kung ano ang nakalulugod sa Diyos at kung gaano kasuklamsuklam ang mga ibubunga ng masasamang bisyong ito.
Kung nakakadama kayo ng masidhing pagkahayok sa sigarilyo o sa iba pang droga, manalangin nang taimtim sa Diyos ukol sa kaniyang tulong. (Lucas 11:9, 13; ihambing ang Filipos 4:13.) Gawin ito agad. Isa pa, kunin ang inyong Bibliya at bumasa nang malakas mula rito, o kaya’y makipagkita sa isang maygulang na Kristiyano. Sabihin sa kaniya kung ano ang nangyayari at hingin ang kaniyang tulong.
-
-
DugoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Dugo
Kahulugan: Isang tunay na kamanghamanghang likido na nananalaytay sa mga ugat ng katawan ng mga tao at karamihan ng mga hayop, na naglalaan ng sustansiya at oksihena, nag-aalis ng mga dumi ng katawan, at gumaganap ng pangunahing papel sa pagsasanggalang sa katawan laban sa impeksiyon. Napakatalik ng kaugnayan ng dugo sa pananatiling buháy kung kaya’t sinasabi ng Bibliya na “ang kaluluwa [buhay] ng laman ay nasa dugo.” (Lev. 17:11) Bilang Bukal ng buhay, si Jehova ay naglaan ng tiyak na mga tagubilin hinggil sa wastong paggamit sa dugo.
Ang mga Kristiyano ay inuutusan na ‘magsiilag . . . sa dugo’
Gawa 15:28, 29: “Sapagka’t minagaling ng banal na espiritu at namin [ang lupong tagapamahala ng kongregasyong Kristiyano] na huwag na kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diyus-diyosan at sa dugo at sa mga binigti [o, pinatay nang hindi pinatutulo ang kanilang dugo] at sa pakikiapid. Kung maingat ninyong iiwasan ang mga bagay na ito ay ikabubuti ninyo. Mabuting kalusugan sa inyo!” (Doon ang pagkain ng dugo ay itinumbas sa pagsamba sa diyus-diyosan at sa pakikiapid, mga bagay na hindi natin nanaising lahukan.)
Puwedeng kanin ang laman ng hayop, nguni’t hindi ang dugo
Gen. 9:3, 4: “Bawa’t umuusad na hayop na nabubuhay ay magsisilbing pagkain ninyo. Gaya ng mga sariwang pananim, lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni’t ang lamang may kaluluwa [buhay]—na siya nitong dugo—ay huwag ninyong kakanin.”
-