-
DiyosNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
kong naniniwala kayo na mahalagang tiyakin na bawa’t pinaniniwalaan natin ay nakakasuwato ng sinasabi mismo ng Diyos. Maaari ko bang ibahagi sa inyo ang kahit isa lamang kaisipan mula sa Bibliya tungkol dito? (Awit 83:18)’
-
-
Mga DrogaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Mga Droga
Kahulugan: May iba’t-ibang pagpapakahulugan ang salitang “droga.” Sa diwang pinag-uusapan dito, ang mga ito’y sustansiyang hindi ukol sa pagkain, na nagpapabago sa isipan, na hindi ginagamit sa layuning manggamot, kundi sa pagsisikap lamang na takasan ang mga suliranin sa buhay, upang makamit ang isang mapangaraping pakiramdam o upang makadama ng kasiyahan o ng kasiglahan.
Talaga bang ipinagbabawal ng Bibliya ang paggamit ng mga droga ukol sa kasiyahan?
Hindi nito tinutukoy sa pangalan ang mga sustansiyang gaya ng heroin, cocaine, LSD, PCP (angel dust), marijuana, at tabako. Subali’t naglalaan ito ng mga giya upang malaman natin ang dapat gawin at dapat iwasan upang makalugod sa Diyos. Kasuwato nito, hindi sinasabi ng Bibliya na mali ang gumamit ng baril sa pagpatay ng tao, subali’t ipinagbabawal nito ang pagpatay.
Luc. 10:25-27: “ ‘Ano ang dapat kong gawin upang magmana ng walang-hanggang buhay?’ . . . ‘ “Dapat mong ibigin si Jehovang iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong lakas mo at nang buong isip mo,” at “ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.” ’ ” (Talaga kayang iniibig ng isa ang Diyos nang kaniyang buong kaluluwa at ng kaniyang buong isip kung uugaliin niyang gawin ang mga bagay na magpapaikli sa kaniyang buhay at magpapalabo sa kaniyang isip? Nagpapakita kaya siya ng pag-ibig sa kapuwa kung magnanakaw siya upang matustusan ang kaniyang bisyo sa droga?)
2 Cor. 7:1: “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito [na si Jehova ang ating Diyos at Ama], mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Diyos.” (Nguni’t makakaasa kaya tayo na magkamit ng pagsang-ayon ng Diyos kung kusa nating ginagawa ang mga bagay na magpaparumi sa ating mga katawan?)
Tito 2:11, 12: “Sapagka’t nahayag ang di-na-sana nararapat na kabaitan ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng uri ng tao, na nagtuturo sa atin na tumanggi sa kalikuan at sa makasanlibutang mga pita at mamuhay nang may matinong pag-iisip [“may pagpipigil-sa-sarili,” JB; ‘magtaguyod ng buhay na may pagpipigil-sa-sarili,’ TEV] at sa katuwiran at kabanalan sa gitna ng kasalukuyang pamamalakad ng mga bagay.” (Kasuwato ba ng payong ito ang paggamit ng mga droga na pumipinsala sa matalinong pagpapasiya ng isa o nagpapangyari sa kaniya na mawalan ng pagpipigil-sa-sarili?)
Gal. 5:19-21: “At hayag ang mga gawa ng laman, samakatuwid ay ang mga ito . . . espiritismo . . . mga kalayawan, at ang mga katulad nito. . . . Yaong mga nagsisigawa ng mga bagay na ito ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos.” (Ang literal na kahulugan ng salitang Griyego na phar·ma·kiʹa, na dito’y isinaling “espiritismo,” ay ang “pagdodroga.” Bilang komento sa salitang Griyegong ito, ay ganito ang sinabi ng An Expository Dictionary of New Testament Words, ni W. E. Vine: “Sa pangkukulam, ang paggamit ng mga droga, maging ligtas o nakalalason, ay karaniwan nang nilalakipan ng mga dasal at pagsusumamo sa makapangyarihang mga espiritu, ng paggamit ng iba’t-ibang agimat, anting-anting, atb., na sinadya upang ang gumagamit nito ay ipagsanggalang mula sa kapangyarihan ng mga demonyo, subali’t ang totoo’y upang ang mahiwagang kakayahan at kapangyarihan ng mangkukulam ay idiin sa gumagamit.” [Londres, 1940, Tomo IV, p. 51, 52] Tulad din sa ngayon, marami sa mga gumagamit ng droga ay nasasangkot sa mga kaugaliang espiritistiko o kaya’y nakikisama sa mga gumagawa ng gayon, yamang ang isang blangkong isipan o ang isipang nahihibang ay madaling nagiging biktima ng mga demonyo. Ihambing ang Lucas 11:24-26.)
Tito 3:1: “Pasakop [kayo] sa mga pinuno at maging masunurin sa mga pamahalaan at maykapangyarihan.” (Sa maraming dako, ang pagtataglay o paggamit ng ilang droga ay labag sa batas.)
Yamang ang ilan sa mga droga ay tumutulong upang ang isa ay makadama ng kasiyahan, papaano nakakapinsala ang mga ito?
2 Tim. 3:1-5: “Sa mga huling araw ay darating ang mapanganib na mga panahon. Sapagka’t ang mga tao’y magiging . . . maibigin sa kalayawan kaysa maibigin sa Diyos . . . Lumayo ka rin naman sa mga ito.” (Maliwanag na nagbibigay-babala ang Bibliya laban sa paghahangad ng kasiyahan anupa’t ito ang ating inuuna sa halip ng pagkakapit ng matuwid na mga simulain ng Salita ng Diyos at ng pagkakamit ng kaniyang pagsang-ayon.)
Ang ilang NARKOTIKO ay nagdudulot ng ginhawa mula sa sakit at nagbubunga ng damdaming nasisiyahan, subali’t ang mga ito’y nakakasugapa at maaaring magbunga ng kamatayan dahil sa pagmamalabis. Ang pagsinghot ng ilang mga SOLVENT ay maaaring magdulot ng kasiglahan, subali’t nagpapalabo ito sa pagsasalita,
-