Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Espiritismo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • kadiliman kung tungkol sa mga layunin ni Jehova, kundi ang pagbanggit ng mga gapos ay nagpapahiwatig na sila’y sinugpo niya. Mula sa ano? Lumilitaw na ito’y mula sa pagkakatawang-tao upang huwag silang makasiping sa mga babae, tulad ng ginawa nila bago ang Baha. Iniuulat ng Bibliya na ang mga tapat na anghel, bilang mga mensahero, ay nagkatawang-tao sa pagganap ng kanilang mga tungkulin magpahanggang sa unang siglo, C.E. Nguni’t pagkatapos ng Baha, yaong mga anghel na umabuso sa kanilang mga pribilehiyo ay pinagkaitan ng kakayahang magkatawang-tao.

      Gayumpaman, kapansinpansin na parang kaya ng mga demonyo na pangyarihing makakita ang mga tao ng mga pangitain, at ang nakikita nila ay maaaring magmukhang totoo. Nang tuksuhin ng Diyablo si Jesus, maliwanag na ginamit niya ang mga pamamaraang ito upang ipakita kay Jesus “ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan at ang kaluwalhatian nila.”​—Mat. 4:8.

      Papaano maaaring mapalaya ang isa buhat sa impluwensiya ng espiritismo?

      Kaw. 18:10: “Ang pangalan ni Jehova ay matibay na moog. Tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas.” (Hindi ito nangangahulugan na maaaring gamitin ang personal na pangalan ng Diyos bilang isang anting-anting upang salagin ang kasamaan. Ang “pangalan” ni Jehova ay kumakatawan sa kaniya mismo bilang Persona. Tayo ay binibigyan ng proteksiyon kung atin siyang nakikilala at tinitiwalaan, na nagpapasakop sa kaniyang awtoridad at sumusunod sa kaniyang mga utos. Kung ating gagawin ito, at tatawag sa kaniya ukol sa saklolo na ginagamit ang kaniyang personal na pangalan, ang proteksiyong ipinangako niya sa kaniyang Salita ay ipagkakaloob niya.)

      Mat. 6:9-13: “Magsidalangin nga kayo ng ganito: ‘ . . . Huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa balakyot na isa.’ ” Dapat ding kayo’y “magmatiyagain sa pananalangin.” (Roma 12:12) (Dinidinig ng Diyos ang mga panalangin niyaong mga tunay na nagnanais na makaalam ng katotohanan at sumamba sa kaniya sa paraang nakalulugod sa kaniya.)

      1 Cor. 10:21: “Kayo’y hindi maaaring makisalo sa ‘dulang ni Jehova’ at sa dulang ng mga demonyo.” (Yaong mga nagnanais na maging kaibigan ni Jehova at tumanggap ng kaniyang proteksiyon ay dapat pumutol sa anomang pakikibahagi sa mga pulong may kaugnayan sa espiritismo. Kaayon ng halimbawang nakaulat sa Gawa 19:19, mahalaga rin na sirain o itapon ang lahat ng mga pag-aari ng isa na may kaugnayan sa espiritismo.)

      Sant. 4:7: “Pasakop nga kayo sa Diyos; datapuwa’t labanan ninyo ang Diyablo, at tatakas siya sa inyo.” (Upang magawa ito, magmasipag sa pag-aaral ng kalooban ng Diyos at pagkakapit nito sa inyong buhay. Taglay ang pag-ibig sa Diyos, na magpapatibay sa inyo laban sa pagkatakot sa tao, buong-higpit na tumanggi kayong makibahagi sa anomang kaugaliang may kaugnayan sa espiritismo o anomang ipinag-utos sa inyo ng isang espiritista.)

      Magbihis ng “buong kagayakan ng Diyos” na inilalarawan sa Efeso 6:10-18 at masikap ninyong ingatan ang bawa’t bahagi nito na laging nasa mabuting kalagayan.

  • Espiritu
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Espiritu

      Kahulugan: Ang Hebreong salitang ruʹach at ang Griyegong pneuʹma, na madalas na isinasaling “espiritu,” ay may iba’t ibang kahulugan. Lahat ng mga ito ay tumutukoy sa isang bagay na di-makikita ng tao at na may kinalaman sa kumikilos na puwersa. Ang mga salitang Hebreo at Griyego ay ginagamit upang tumukoy sa (1) hangin, (2) ang kumikilos na puwersa ng buhay sa makalupang mga nilalang, (3) ang nagpapakilos na puwersang nagmumula sa makasagisag na puso ng isang tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang paraan ng pagsasalita at pagkilos, (4) kinasihang mga kapahayagan na may di-nakikitang pinagmulan, (5) mga espiritung persona, at (6) ang kumikilos na puwersa ng Diyos, o banal na espiritu. Ang ilan sa mga paggamit na ito ay tatalakayin dito may kaugnayan sa mga paksang maaaring bumangon sa ministeryo sa larangan.

      Ano ang banal na espiritu?

      Ang paghahambing ng mga teksto sa Bibliya na tumutukoy sa banal na espiritu ay nagpapakitang ang mga tao ay maaaring ‘mapuspos’ nito; sila’y maaaring ‘mabautismuhan’ nito; at sila’y maaaring ‘pahiran’ nito. (Luc. 1:41; Mat. 3:11; Gawa 10:38) Hindi magiging angkop ang alinman sa mga salitang ito kung ang banal na espiritu ay isang persona.

      Si Jesus ay tumukoy din sa banal na espiritu bilang isang “katulong” (Griyego, pa·raʹkle·tos), at sinabi niya na ang katulong na ito ay “magtuturo,” “magpapatotoo,” “magsasalita,” at ‘makikinig.’ (Juan 14:16, 17, 26; 15:26; 16:13) Karaniwan sa mga Kasulatan ang paglalarawan sa isang bagay bilang persona. Halimbawa, ang karunungan ay sinasabing may mga “anak.” (Luc. 7:35) Ang kasalanan at kamatayan ay tinutukoy bilang mga hari. (Roma 5:14, 21) Bagama’t sinasabi ng ilang teksto na “nagsalita”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share