-
EspiritismoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ninyo ang Diyablo, at tatakas siya sa inyo.” (Upang magawa ito, magmasipag sa pag-aaral ng kalooban ng Diyos at pagkakapit nito sa inyong buhay. Taglay ang pag-ibig sa Diyos, na magpapatibay sa inyo laban sa pagkatakot sa tao, buong-higpit na tumanggi kayong makibahagi sa anomang kaugaliang may kaugnayan sa espiritismo o anomang ipinag-utos sa inyo ng isang espiritista.)
Magbihis ng “buong kagayakan ng Diyos” na inilalarawan sa Efeso 6:10-18 at masikap ninyong ingatan ang bawa’t bahagi nito na laging nasa mabuting kalagayan.
-
-
EspirituNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Espiritu
Kahulugan: Ang Hebreong salitang ruʹach at ang Griyegong pneuʹma, na madalas na isinasaling “espiritu,” ay may iba’t ibang kahulugan. Lahat ng mga ito ay tumutukoy sa isang bagay na di-makikita ng tao at na may kinalaman sa kumikilos na puwersa. Ang mga salitang Hebreo at Griyego ay ginagamit upang tumukoy sa (1) hangin, (2) ang kumikilos na puwersa ng buhay sa makalupang mga nilalang, (3) ang nagpapakilos na puwersang nagmumula sa makasagisag na puso ng isang tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang paraan ng pagsasalita at pagkilos, (4) kinasihang mga kapahayagan na may di-nakikitang pinagmulan, (5) mga espiritung persona, at (6) ang kumikilos na puwersa ng Diyos, o banal na espiritu. Ang ilan sa mga paggamit na ito ay tatalakayin dito may kaugnayan sa mga paksang maaaring bumangon sa ministeryo sa larangan.
Ano ang banal na espiritu?
Ang paghahambing ng mga teksto sa Bibliya na tumutukoy sa banal na espiritu ay nagpapakitang ang mga tao ay maaaring ‘mapuspos’ nito; sila’y maaaring ‘mabautismuhan’ nito; at sila’y maaaring ‘pahiran’ nito. (Luc. 1:41; Mat. 3:11; Gawa 10:38) Hindi magiging angkop ang alinman sa mga salitang ito kung ang banal na espiritu ay isang persona.
Si Jesus ay tumukoy din sa banal na espiritu bilang isang “katulong” (Griyego, pa·raʹkle·tos), at sinabi niya na ang katulong na ito ay “magtuturo,” “magpapatotoo,” “magsasalita,” at ‘makikinig.’ (Juan 14:16, 17, 26; 15:26; 16:13) Karaniwan sa mga Kasulatan ang paglalarawan sa isang bagay bilang persona. Halimbawa, ang karunungan ay sinasabing may mga “anak.” (Luc. 7:35) Ang kasalanan at kamatayan ay tinutukoy bilang mga hari. (Roma 5:14, 21) Bagama’t sinasabi ng ilang teksto na “nagsalita” ang espiritu, nililiwanag ng ibang mga teksto na ito’y ginawa sa pamamagitan ng mga anghel o mga tao. (Gawa 4:24, 25; 28:25; Mat. 10:19, 20; ihambing ang Gawa 20:23 sa Gaw 21:10, 11.) Sa 1 Juan 5:6-8, hindi lamang ang espiritu kundi ang “tubig at dugo” din naman ay sinasabing ‘nagpapatotoo.’ Kaya, wala sa mga pananalitang masusumpungan sa mga tekstong ito ang sa ganang sarili’y magpapatunay na ang banal na espiritu ay isang persona.
Ang wastong kahulugan ng banal na espiritu ay dapat na kaayon ng lahat ng mga kasulatan na tumutukoy sa espiritung iyan. Taglay ang ganitong pangmalas, makatuwirang unawain na ang banal na espiritu ay ang kumikilos na puwersa ng Diyos. Hindi ito isang persona kundi isang makapangyarihang puwersang nagmumula sa Diyos na ginagamit niya upang ganapin ang kaniyang banal na kalooban.—Awit 104:30; 2 Ped. 1:21; Gawa 4:31.
Tingnan din ang mga pahina 414, 415, sa paksang “Trinidad.”
Ano ang nagpapatotoo na taglay ng isang tao ang banal na espiritu, o “the Holy Ghost” (KJ)?
Luc. 4:18, 31-35: “[Binasa ni Jesus mula sa balumbon ni propetang Isaias:] ‘Sumasa akin ang espiritu ni Jehova, sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipahayag ang mabuting balita’ . . . At siya’y bumaba sa Capernaum, na isang lunsod ng Galilea. At sila’y tinuruan niya sa araw ng sabbath; at nangagtaka sila sa kaniyang paraan ng pagtuturo, sapagka’t may awtoridad ang kaniyang salita. At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonyo, at siya’y sumigaw ng malakas na tinig . . . Nguni’t sinaway ito ni Jesus, na sinasabi, ‘Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya.’ At nang ang tao’y mailugmok ng demonyo sa gitna nila, ay lumabas ito sa kaniya na hindi siya sinaktan.” (Ano ang nagpapatotoo na taglay ni Jesus ang espiritu ng Diyos? Hindi sinasabi ng ulat na siya’y nangatal o sumigaw o kumilos na may pagkahibang. Sa halip, sinasabing siya’y nagsalita na may awtoridad. Nguni’t kapansinpansin na sa okasyong iyon ay pinangyari ng isang espiritung demonyo ang lalake na sumigaw at bumagsak sa lupa.)
Sinasabi ng Gawa 1:8 na kapag tumanggap ng banal na espiritu ang mga tagasunod ni Jesus sila’y magiging mga saksi niya. Ayon sa Gawa 2:1-11, nang tinanggap nga nila ang espiritung iyon, namangha ang mga nagmamasid sapagka’t, bagama’t sila’y taga-Galilea, sila’y nagsasalita tungkol sa kamanghamanghang mga bagay ng Diyos sa mga wikang nauunawaan ng maraming mga banyagang naroroon. Nguni’t hindi sinasabi ng ulat na nagkaroon
-