-
EspirituNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ng sinabi ni Jesus bago siya nalagutan ng hininga? Sinasabi niya na, pagkamatay niya, ang pag-asa niyang mabuhay muli ay lubusang nasasalalay sa Diyos. Ukol sa karagdagang mga komento tungkol sa ‘espiritung nagbabalik sa Diyos,’ tingnan ang pahina 103, sa paksang “Kaluluwa.”)
Kung May Magsasabi—
‘Taglay ba ninyo ang banal na espiritu (o ang Holy Ghost)?’
Maaari kayong sumagot: ‘Opo, at iyan ang dahilan kung bakit ako’y dumalaw sa inyo ngayon. (Gawa 2:17, 18)’
O maaari ninyong sabihin: ‘Iyan po ang nagpangyari sa aking makibahagi sa ministeryong Kristiyano. Nguni’t napansin ko na may iba’t ibang ideya kung paano malalaman na ang isa ay talagang may espiritu ng Diyos. Ano po naman ang ideya ninyo?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (Pagtalakay sa materyal sa mga pahina 159, 160.)
-
-
Espiritu ng SanlibutanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Espiritu ng Sanlibutan
Kahulugan: Ang humihikayat na puwersa na nagpapakilos sa lipunan ng mga taong hindi lingkod ng Diyos na Jehova, na nagpapangyaring salitain at gawin ng mga taong ito ang ayon sa isang tiyak na kinagawian. Bagama’t kumikilos ang mga tao batay sa personal na mga hilig, yaong mga nagpapamalas ng espiritu ng sanlibutan ay kakikitaan ng ilang mga saloobin, mga pamamaraan, at mga tunguhin sa buhay na siyang karaniwan sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na si Satanas ang tagapamahala at diyos.
Bakit dapat ikabahala kapag ang isa’y nabahiran ng espiritu ng sanlibutan?
1 Juan 5:19: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.” (Pinaunlad ni Satanas ang isang espiritu na nangingibabaw sa kaisipan at sa mga kilos niyaong mga taong hindi sinang-ayunang mga lingkod ni Jehova. Ito’y espiritu ng kaimbutan at pagmamataas na naging totoong laganap anupa’t maihalintulad ito sa hangin na nilalanghap ng mga tao. Kailangang mag-ingat tayong mabuti upang huwag mapailalim sa kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa espiritung iyan na hubugin ang ating buhay.)
-