-
Mga DrogaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
hindi sa pansamantalang kasiyahan na makakamit ngayon sa mga bisyong ito, kundi sa kung ano ang nakalulugod sa Diyos at kung gaano kasuklamsuklam ang mga ibubunga ng masasamang bisyong ito.
Kung nakakadama kayo ng masidhing pagkahayok sa sigarilyo o sa iba pang droga, manalangin nang taimtim sa Diyos ukol sa kaniyang tulong. (Lucas 11:9, 13; ihambing ang Filipos 4:13.) Gawin ito agad. Isa pa, kunin ang inyong Bibliya at bumasa nang malakas mula rito, o kaya’y makipagkita sa isang maygulang na Kristiyano. Sabihin sa kaniya kung ano ang nangyayari at hingin ang kaniyang tulong.
-
-
DugoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Dugo
Kahulugan: Isang tunay na kamanghamanghang likido na nananalaytay sa mga ugat ng katawan ng mga tao at karamihan ng mga hayop, na naglalaan ng sustansiya at oksihena, nag-aalis ng mga dumi ng katawan, at gumaganap ng pangunahing papel sa pagsasanggalang sa katawan laban sa impeksiyon. Napakatalik ng kaugnayan ng dugo sa pananatiling buháy kung kaya’t sinasabi ng Bibliya na “ang kaluluwa [buhay] ng laman ay nasa dugo.” (Lev. 17:11) Bilang Bukal ng buhay, si Jehova ay naglaan ng tiyak na mga tagubilin hinggil sa wastong paggamit sa dugo.
Ang mga Kristiyano ay inuutusan na ‘magsiilag . . . sa dugo’
Gawa 15:28, 29: “Sapagka’t minagaling ng banal na espiritu at namin [ang lupong tagapamahala ng kongregasyong Kristiyano] na huwag na kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diyus-diyosan at sa dugo at sa mga binigti [o, pinatay nang hindi pinatutulo ang kanilang dugo] at sa pakikiapid. Kung maingat ninyong iiwasan ang mga bagay na ito ay ikabubuti ninyo. Mabuting kalusugan sa inyo!” (Doon ang pagkain ng dugo ay itinumbas sa pagsamba sa diyus-diyosan at sa pakikiapid, mga bagay na hindi natin nanaising lahukan.)
Puwedeng kanin ang laman ng hayop, nguni’t hindi ang dugo
Gen. 9:3, 4: “Bawa’t umuusad na hayop na nabubuhay ay magsisilbing pagkain ninyo. Gaya ng mga sariwang pananim, lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni’t ang lamang may kaluluwa [buhay]—na siya nitong dugo—ay huwag ninyong kakanin.”
Dapat patuluin ang dugo ng alinmang hayop na kinakain. Hindi maaaring kainin ang isa na binigti o namatay sa bitag o kaya’y nasumpungan nang patay. (Gawa 15:19, 20; ihambing ang Levitico 17:13-16.) Kasuwato nito, hindi dapat kanin ang alinmang pagkain na nilahukan ng buong dugo o kahit ng sangkap mula sa dugo.
Ang tanging paggamit sa dugo na sinasang-ayunan ng Diyos ay ang sa paghahain
Lev. 17:11, 12: “Ang kaluluwa [buhay] ng laman ay nasa dugo, at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa, sapagka’t ang dugo’y siyang tumutubos dahil sa kaluluwa [buhay] nito. Kaya’t aking sinabi sa mga anak ni Israel: ‘Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang mga taga-ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.’ ” (Lahat ng mga haing hayop sa ilalim ng Batas Mosaiko ay lumarawan sa iisang hain ni Jesu-Kristo.)
Heb. 9:11-14, 22: “Nang dumating si Kristo bilang mataas na saserdote . . . siya’y pumasok, hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, na minsan magpakailanman sa dakong banal at kinamtan ang walang-hanggang katubusan para sa atin. Sapagka’t kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka at ang abo ng dumalagang baka na iniwisik sa mga nadungisan ay nagpapaging-banal sa ikalilinis ng laman, gaano pa kaya ang dugo ni Kristo, na sa pamamagitan ng espiritung walang-hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng ating budhi mula sa patay na mga gawa upang tayo’y makapag-ukol ng banal na paglilingkod sa buháy na Diyos? . . . Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.”
Efe. 1:7: “Sa pamamagitan niya [si Jesu-Kristo] tayo’y may katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, oo, ang kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang di-na-sana nararapat na kagandahang-loob.”
Papaano inunawa ng mga nag-aangking Kristiyano noong unang mga siglo C.E. ang mga utos ng Bibliya hinggil sa dugo?
Si Tertullian (c. 160-230 C.E.): “Mahiya kayo sa mga Kristiyano dahil sa inyong kakatwang mga paraan. Hindi man lamang namin inilalahok ang dugo ng mga hayop sa aming pagkain, sapagka’t ito’y pangkaraniwang pagkain lamang. . . . Sa paglilitis ng mga Kristiyano kayo [mga paganong Romano] ay nag-aalok sa kanila ng mga longganisang may dugo. Sabihin pa, naniniwala kayo na ang mismong itinutukso ninyo sa kanila upang sila’y
-