-
Espiritu ng SanlibutanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
na Diyablo, ay nagpapangyari ng iba’t ibang pamamaraan upang iligaw ang bigay-Diyos na hilig ng mga tao na sumamba. (2 Cor. 4:4) May mga tagapamahala na itinuring na diyos. (Gawa 12:21-23) Angaw-angaw ang yumuyukod sa mga idolo. Dinidiyos ng angaw-angaw pa ang mga artista at tanyag na mga manlalaro. Madalas na sa mga pagdiriwang ay pinag-uukulan ng labis na pagdangal ang indibiduwal na mga tao. Totoong laganap ang espiritung ito anupa’t kailangang maging mapagbantay araw-araw sa impluwensiya nito ang mga tunay na umiibig kay Jehova at nagnanais mag-ukol sa kaniya ng bukod-tanging pagsamba.
-
-
HulaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Hula
Kahulugan: Isang kinasihang mensahe; isang kapahayagan ng banal na kalooban at layunin. Ang hula ay maaaring maging isang prediksiyon ng bagay na darating, isang kinasihang aral tungkol sa moral, o isang kapahayagan ng isang banal na kautusan o kahatulan.
Alin sa mga hulang nakaulat sa Bibliya ang natupad na?
Para sa ilang halimbawa, tingnan ang mga paksang “Bibliya,” “Mga Huling Araw,” at “Mga Petsa,” gayundin ang aklat na “All Scripture Is Inspired of God and Beneficial,” mga pahina 343-346.
Ano ang ilan sa pangunahing mga hula ng Bibliya na matutupad pa?
1 Tes. 5:3: “Pagka sinasabi nila: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak na gaya ng pagdaramdam ng isang babaing nagdadalang-tao; at hindi sila makatakas sa anomang paraan.”
Apoc. 17:16: “Ang sampung sungay na iyong nakita, at ang mabangis na hayop, ay siyang mapopoot sa patutot [Babilonyang Dakila] at siya’y pagluluray-lurayin at huhubaran, at kakainin ang kaniyang laman at siya’y lubos na susupukin ng apoy.”
Ezek. 38:14-19: “Sabihin mo kay Gog, ‘Ganito ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Sa araw na ang aking bayang [espirituwal na] Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman? At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa kaduluduluhang bahagi ng hilagaan, ikaw at ang maraming tao na kasama mo . . . ” “At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel,” sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, “na ang aking kapusukan ay sasampa sa aking ilong. At sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking galit ay magsasalita ako.” ’ ”
Dan. 2:44: “Ang kaharian [na itinatag ng Diyos] . . . ay pagdudurugdurugin at wawakasan . . . ang lahat ng mga kahariang ito [ng tao], at ito lamang ang mananatili magpakailanman.”
Ezek. 38:23: “Tiyak na dadakilain ko ang aking sarili at pakakabanalin ko ang aking sarili sa paningin ng maraming bansa; at kanilang makikilala na ako si Jehova.”
Apoc. 20:1-3: “Nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diyablo at Satanas, at ginapos siya na isang libong taon. At siya’y ibinulid sa kalaliman at sinarhan at tinatakan ito sa ibabaw niya upang huwag nang mandaya pa sa mga bansa hanggang sa maganap ang isang libong taon. Pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon.”
Juan 5:28, 29: “Huwag ninyong ipanggilalas ito, sapagka’t dumarating ang oras na lahat niyaong nasa alaalang libingan ay makaririnig sa kaniyang tinig at magsisilabas, yaong mga nagsigawa ng mabuti ay sa pagkabuhay-muli sa buhay, yaong nagsigawa ng masama ay sa pagkabuhay-muli sa paghatol.”
Apoc. 21:3, 4: “Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa luklukan na nagsabi: ‘Narito! Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging bayan niya. Ang Diyos din ay sasa kanila. At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at mawawala na ang kamatayan pati na ang dalamhati at ang panambitan at ang hirap. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ ”
1 Cor. 15:24-28: “Kung magkagayo’y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa kaniyang Diyos at Ama . . . Datapuwa’t kapag ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo’y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa Isa na nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat.”
Bakit dapat maging lubusang interesado ang mga Kristiyano sa mga hula ng Bibliya?
Mat. 24:42: “Maging mapagbantay nga kayo, sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung sa anong araw paririto ang inyong Panginoon.”
2 Ped. 1:19-21: “Naging lalong panatag sa amin ang salita ng
-