Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Judio
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • matapos tanggihan ang Mesiyas ay kamtin pa rin ang pagsang-ayon niyaong Nagsugo sa kaniya?

      Gawa 4:11, 12: “[Hinggil kay Jesu-Kristo, si apostol Pedro ay napakilos ng banal na espiritu upang sabihin sa mga pinunong Judio at matatandang lalake sa Jerusalem:] Siya ang ‘bato na niwalang-halaga ninyong mga tagapagtayo at na naging pangulo sa panulok.’ Bukod dito, sa kaninomang iba ay walang kaligtasan, sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas.” (Bagaman ang bansa ng likas na Israel ay hindi na nagtatamasa ng pantanging banal na paglingap, ang daan ay bukas pa rin para sa mga indibiduwal na Judio, kung papaanong ito ay bukas sa mga tao ng lahat ng bansa, upang makinabang sa kaligtasan na pinapangyari sa pamamagitan ni Jesus na siyang Mesiyas.)

      Katuparan ba ng hula ng Bibliya ang mga pangyayaring nagaganap ngayon sa Israel?

      Ezek. 37:21, 22, JP: “Ganito ang sinabi ng Panginoong DIYOS: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroonan, at titipunin ko sila mula sa bawa’t dako, at ibabalik ko sila sa kanilang sariling lupain; at gagawin ko sila na isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel, at isang hari ang maghahari sa kanilang lahat.” (Ang Israel sa ngayon ay hindi isang bansa sa ilalim ng isang hari sa maharlikang angkan ni David. Ang kanilang pamahalaan ay isang republika.)

      Isa. 2:2-4, JP: “Mangyayari sa katapusan ng mga araw, na ang bundok ng bahay ng PANGINOON ay matatatag sa ibabaw ng mga bundok, at matataas sa ibabaw ng mga burol; at lahat ng bansa ay magsisihugos doon. At maraming bayan ang magsisiparoon at magsisipagsabi: ‘Halikayo, at tayo’y umahon sa bundok ng PANGINOON, sa bahay ng Diyos ni Jacob; at tuturuan Niya tayo ng Kaniyang mga daan, at magsisilakad tayo sa Kaniyang mga landas.’ . . . At kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit; ang bansa ay hindi na magtatangan ng tabak laban sa kapuwa bansa, ni magsisipag-aral pa man sila ng pakikipagdigma.” (Sa Jerusalem ngayon ay walang “bahay ng Diyos ni Jacob” sa dating kinaroroonan ng templo, nguni’t sa halip, ay isang dambanang Islamiko. At walang ginagawang hakbang ang Israel ni ang kaniyang mga katabing bansa upang “pandayin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod.” Ang kaligtasan nila ay kanilang iniaasa sa paghahandang militar.)

      Isa. 35:1, 2, JP: “Ang ilang at ang tuyong lupa ay matutuwa; at ang disyerto ay magagalak, at mamumukadkad na gaya ng rosas. Ito’y mamumulaklak nang sagana, at magagalak, na may saya at awitan; ipagkakaloob sa kaniya ang kaluwalhatian ng Libano, ang karangalan ng Carmel at ng Sharon; makikita nila ang kaluwalhatian ng PANGINOON, ang karangalan ng ating Diyos.” (Kamanghamanghang pagsasauli ng mga kagubatan at mga proyekto sa patubig ang naisagawa nang matagumpay sa Israel. Subali’t ang mga pinuno nito ay hindi nag-uukol ng parangal sa Panginoong Diyos. Gaya ng sinabi ng isang dating punong-ministro, si David Ben-Gurion: “Ang Israel ay determinado . . . na lupigin ang disyerto at gawin itong mabunga sa pamamagitan ng kapangyarihan ng siyensiya at ng espiritu ng isang tagapagbunsod, at baguhin ang bansa upang maging isang moog ng demokrasya.”)

      Zac. 8:23, JP: “Mangyayari sa mga araw na yaon, na sampung lalake ang magsisitangan, mula sa lahat ng mga wika ng mga bansa, sila’y magsisitangan sa damit niya na isang Judio, at magsasabi: Sasama kami sa iyo, sapagka’t narinig namin na ang Diyos ay sumasa iyo.” (Sa kaninong Diyos tumutukoy ang hula? Sa wikang Hebreo ang pangalan niya [יהזה, na karaniwang isinasaling Jehova] ay lumilitaw nang mahigit na 130 ulit sa aklat na ito ng Banal na Kasulatan. Sa ngayon, kapag may gumagamit ng pangalang ito, ipinapasiya ba ng mga tao na yaong gumagamit niyaon ay isang Judio? Hindi; sa loob ng maraming dantaon, ang pamahiin ay humadlang sa karamihang mga Judio upang bigkasin ang personal na pangalan ng Diyos. Ang sigalbo ng relihiyosong interes hinggil sa likas na Israel sa ngayon ay hindi umaayon sa hulang ito.)

      Papaano, kung gayon, dapat malasin ang mga pangyayaring nagaganap sa makabagong-panahong Israel? Bilang bahagi lamang ng pandaigdig na mga kalagayan na inihula sa Bibliya. Kalakip na rito ang digmaan, katampalasanan, panglalamig ng pag-ibig sa Diyos, at ang pag-ibig sa salapi.​—Mat. 24:7, 12; 2 Tim. 3:1-5.

      Sa gitna nino natutupad ngayon ang mga hula hinggil sa pagsasauli ng Israel?

      Gal. 6:15, 16: “Sapagka’t ang pagtutuli ay walang anoman, ni ang di-pagtutuli, kundi ang isang bagong nilalang. At ang lahat ng magsisilakad nang may kaayusan sa tuntuning ito, ay sumakanila nawa ang kapayapaan at awa, maging sa Israel ng Diyos.” (Kaya, ang “Israel ng Diyos” ay hindi na pinagpapasiyahan salig sa kanilang pakikiayon sa kahilingan na ipinagkaloob kay Abraham na dapat tuliin ang lahat ng lalake sa kaniyang sambahayan. Sa halip, gaya ng isinasaad sa Galacia 3:26-29, yaong mga kalakip ni Kristo at na mga pinahiran-ng-espiritung mga anak ng Diyos ang siyang “tunay na binhi ni Abraham.”)

      Jer. 31:31-34: “ ‘Narito! Darating ang araw,’ sabi ni Jehova, ‘na ako’y makikipagtipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ni Juda ng isang bagong tipan . . . At bawa’t isa ay hindi na magtuturo sa kaniyang kasama, at bawa’t isa sa kaniyang kapatid, na magsasabi, “Kilalanin mo si Jehova!” sapagka’t bawa’t isa sa kanila ay makakakilala na sa akin, mula sa pinakamaliit sa kanila hanggang sa pinakadakila sa kanila,’ ang kapahayagan ni Jehova.” (Ang bagong tipan na yaon ay ginawa, hindi sa bansa ng likas ng Israel, kundi sa tapat na mga tagasunod ni Jesu-Kristo na siyang pinagkalooban ng pag-asa ng makalangit na buhay. Nang pinasisinayaan ang Memoryal ng kaniyang kamatayan, iniabot sa kanila ni Jesus ang isang saro ng alak at nagsabi: “Ang sarong ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking dugo.” [1 Cor. 11:25])

      Apoc. 7:4: “At narinig ko ang bilang niyaong mga tinatakan, na isang daan at apatnapu’t-apat na libo, na tinatakan mula sa bawa’t angkan ng mga anak ni Israel.” (Subali’t sa sumusunod na mga talata, ay binabanggit ang “tribo ni Levi” at “ang tribo ni Jose.” Ang mga ito ay hindi kalakip sa mga talaan ng 12 tribo ng likas na Israel. Kapunapuna, na bagaman sinasabi na ang mga tao ay “tinatakan mula sa bawa’t angkan,” ang mga tribo ni Dan at Efraim ay hindi binabanggit. [Ihambing ang Bilang 1:4-16.] Ang pagtukoy na ito ay dapat kumapit sa espirituwal na Israel ng Diyos, sa kanila na makikibahagi kay Kristo sa kaniyang makalangit na Kaharian gaya ng ipinakikita ng Apocalipsis 14:1-3.)

      Heb. 12:22: “Nagsilapit kayo sa Bundok Sion at sa lunsod ng Diyos na buháy, ang makalangit na Jerusalem, at sa laksa-laksang mga anghel.” (Kaya hindi sa makalupang Jerusalem kundi sa “makalangit na Jerusalem” umaasa ang mga tunay na Kristiyano ukol sa katuparan ng mga pangako ng Diyos.)

  • Mga Lahi ng Sangkatauhan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Lahi ng Sangkatauhan

      Kahulugan: Gaya ng paggamit dito, ang isang lahi ay isang bahagi ng sangkatauhan na sa pangkalahatan ay nagtataglay ng nagkakahawig na pisikal na mga katangian na maaaring manahin at magbukod sa kanila bilang isang partikular na grupo ng mga tao. Gayumpaman, dapat pansinin na, yamang ang mga lahi ay maaaring mag-asawa sa isa’t isa at magkaanak, maliwanag na sila’y iisang “uri” lamang, na

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share