Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bautismo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • nabubuhay alang-alang sa mga nangamatay na hindi nabautismuhan?

      Ang tanging mga kasulatan na bumabanggit sa kamatayan kaugnay ng bautismo ay tumutukoy sa isang bautismo na nararanasan mismo ng indibiduwal, hindi isang bautismo alang-alang sa ibang tao, isa na namatay na

      Roma 6:3: “Hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Kristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?” (Gayundin ang Marcos 10:38, 39)

      Col. 2:12: “Sapagka’t kayo [ang nangabubuhay na miyembro ng kongregasyon sa Colosas] ay nangalibing na kalakip niya sa kaniyang bautismo, at dahil sa kaugnayan ninyo sa kaniya kayo’y muling binubuhay na kalakip niya sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa paggawa ng Diyos, na muling nagbangon sa kaniya mula sa mga patay.”

      Ang salin ng “New World Translation” ay naaalinsunod sa balarila at kasuwato ng mga tekstong ito sa Bibliya

      1 Cor. 15:29: “Sa ibang paraan, ano ang gagawin ng mga binabautismuhan sa layuning maging mga patay? Kung ang mga patay ay hindi na muling bubuhayin kailanman, bakit pa nga sila binabautismuhan sa layuning maging mga tulad nito?” (Kaya sila ay binabautismuhan, o inilulubog, sa isang landasin ng buhay na aakay sa isang kamatayan na may katapatan tulad niyaong kay Kristo at sa pagkabuhay-muli tungo sa buhay-espiritu na katulad niya.)

      Ano ang ibinubunga ng bautismo sa apoy?

      Luc. 3:16, 17: “Siya [si Jesu-Kristo] ay magbabautismo sa inyo sa . . . apoy. Hawak na niya ang kaniyang kalaykay upang linising lubos ang kaniyang giikan . . . Susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.” (Ang pagkalipol nito ay magpakailanman.)

      Mat. 13:49, 50: “Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sistema ng mga bagay: lalabas ang mga anghel at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid at sila’y igagatong sa nag-aapoy na hurno.”

      Luc. 17:29, 30: “Nang araw na lumisan si Lot sa Sodoma ay umulan ng apoy at asupre mula sa langit at nilipol silang lahat. Gayon din naman ang mangyayari sa araw ng paghahayag sa Anak ng tao.”

      Hindi katulad ng bautismo sa banal na espiritu, na nauukol sa mga alagad

      Gawa 1:5: “Sapagka’t tunay ngang si Juan ay nagbautismo sa tubig, datapuwa’t kayo [ang tapat na mga apostol ni Jesus] ay babautismuhan sa banal na espiritu hindi na matatagalan pa.”

      Gawa 2:2-4: “Biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At mga dilang kawangis ng apoy ang napakita sa kanila at ipinamahagi sa lahat, at dumapo [subali’t hindi bumalot o tumaklob] sa bawa’t isa sa kanila, at silang lahat ay nangapuspos ng banal na espiritu at nangagpasimulang magsalita ng iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng espiritu na kanilang salitain.”

  • Bibliya
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Bibliya

      Kahulugan: Ang nasusulat na Salita ng Diyos na Jehova para sa sangkatauhan. Gumamit siya ng mga 40 kalihim na tao sa loob ng 16 siglo upang isulat ito, subali’t ang Diyos mismo ay masugid na pumatnubay sa pamamagitan ng kaniyang espiritu. Kaya ito’y kinasihan ng Diyos. Ang isang malaking bahagi ng ulat ay binubuo ng aktuwal na mga kapahayagan ni Jehova at mga detalye tungkol sa mga turo at gawain ni Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Dito ay makakasumpong tayo ng mga pangungusap tungkol sa mga kahilingan ng Diyos para sa kaniyang mga lingkod at kung ano ang gagawin niya upang tuparin ang kaniyang dakilang layunin ukol sa lupa. Upang higit pang tumibay ang pagpapahalaga natin dito, iningatan din ni Jehova sa Bibliya ang isang ulat na nagtatanghal sa kung ano ang mangyayari kapag ang mga indibiduwal at mga bansa ay nakinig sa Diyos at gumawang kasuwato ng kaniyang layunin, pati na ang magiging bunga kapag sila ay nagsarili ng landas. Sa pamamagitan ng mapagkakatiwalaang ulat nito sa kasaysayan ipinababatid sa atin ni Jehova ang mga pakikitungo niya sa sangkatauhan at pati na rin ang sarili niyang kamanghamanghang personalidad.

      Mga dahilan upang isaalang-alang ang Bibliya

      Ang Bibliya mismo ay nagsasabing ito’y mula sa Diyos, ang Maylikha ng sangkatauhan

      2 Tim. 3:16, 17: “Lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share