-
Pagbabalik ni KristoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
una pa’y binabalaan sila. Dahil sa hirap ng nangyayari sa kanila, sila’y “magsisitaghoy.”
Sino yaong “mga nangagsiulos sa kaniya”? Aktuwal na ginawa ito ng mga kawal na Romano noong pinatay si Jesus. Nguni’t ang mga ito’y matagal nang patay. Kaya maliwanag na ito’y tumutukoy sa mga tulad nilang nagpapahirap, o ‘nagsisiulos,’ sa tunay na mga tagasunod ni Kristo sa “mga huling araw.”—Mat. 25:40, 45.
Talaga bang masasabing ‘dumating’ o ‘naririto’ ang isang tao kahit na hindi siya nakikita?
Sinabi ni apostol Pablo na siya’y “wala sa katawan nguni’t naroroon sa espiritu” may kaugnayan sa kongregasyon sa Corinto.—1 Cor. 5:3.
Sinabi ni Jehova na siya’y ‘bumaba’ upang guluhin ang wika ng mga nagtatayo ng tore ng Babel. (Gen. 11:7) Sinabi rin niya na siya’y “bumaba” upang iligtas ang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. At tiniyak ng Diyos kay Moises, “Ako mismo’y sasama sa iyo” upang akayin ang Israel sa Lupang Pangako. (Exo. 3:8; 33:14) Nguni’t ang Diyos ay hindi nakita ng sinomang tao.—Exo. 33:20; Juan 1:18.
Ano ang ilan sa mga pangyayari na sinasabi ng Bibliyang magaganap may kaugnayan sa pagkanaririto ni Kristo?
Dan. 7:13, 14: “Kasama ng mga alapaap ng langit ay lumabas ang isang gaya ng anak ng tao [si Jesu-Kristo]; at siya’y naparoon sa Matanda sa mga Araw [ang Diyos na Jehova], at inilapit nila siya sa mismong harapan ng Isang iyon. At binigyan siya ng kapamahalaan at karangalan at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya.”
1 Tes. 4:15, 16: “Ito ang sinasabi namin sa inyo sa salita ni Jehova, na tayong mga mananatiling buháy hanggang sa pagkanaririto ng Panginoon ay hindi mauuna sa anomang paraan sa mga natutulog sa kamatayan; sapagka’t ang Panginoon din ay bababang mula sa langit na may isang panawagan, na may tinig ng arkanghel at may pakakak ng Diyos, at ang mga namatay kay Kristo ay unang bubuhayin.” (Kaya, yaong mga maghaharing kasama ni Kristo ay bubuhaying-muli upang makasama niya sa langit—una yaong mga namatay noong unang mga panahon at pagkatapos ay yaong mga mamamatay pagkatapos ng pagbabalik ng Panginoon.)
Mat. 25:31-33: “Pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa kaniyang maluwalhating luklukan. At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa, at sila’y pagbubukdin-bukdin niya na gaya ng pagbubukud-bukod ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing. At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa’t sa kaliwa ang mga kambing.”
2 Tes. 1:7-9: “Kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang makapangyarihan niyang mga anghel na nasa nagniningas na apoy, samantalang kaniyang paghihigantihan yaong mga hindi kumikilala sa Diyos at yaong mga hindi tumatalima sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus. Ang mga ito ay tatanggap ng kaparusahan ng walang-hanggang pagkalipol mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kalakasan.”
Luc. 23:42, 43: “At sinabi niya [ng nakikiramay na manlalabag-batas na nakabayubay katabi ni Jesus]: ‘Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.’ At sinabi niya sa kaniya: ‘Katotohanang sinasabi ko sa iyo ngayon, Kakasamahin kita sa Paraiso.’ ” (Sa ilalim ng pamamahala ni Jesus, ang buong lupa ay magiging paraiso; ang mga patay na nasa alaala ng Diyos ay bubuhaying-muli at bibigyan ng pagkakataong tamasahin ang sakdal na buhay sa lupa magpakailanman.)
Tingnan din ang mga pahina 169-174, sa paksang “Mga Huling Araw.”
-
-
Pagkabuhay-MuliNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pagkabuhay-Muli
Kahulugan: Ang A·naʹsta·sis, ang Griyegong salita na isinasaling “pagkabuhay-muli,” ay literal na nangangahulugang “pagtayong muli” at tumutukoy sa pagbangon mula sa kamatayan. Ang buong pangungusap na “pagkabuhay-muli ng (mula sa) mga patay” ay paulit-ulit na ginagamit sa mga Kasulatan. (Mat. 22:31; Gawa 4:2; 1 Cor. 15:12) Ang termino sa Hebreo ay techi·yathʹ ham·me·thimʹ, na nangangahulugang “pagsasauli ng mga patay.” (Mat. 22:23, talababa, NW, edisyong may Reperensiya) Ang pagkabuhay-muli ay nangangahulugan na isasauli ang mismong pagkatao ng indibiduwal, na ang pagkataong ito ay iningatan ng Diyos sa kaniyang alaala. Kaayon ng kalooban ng Diyos para sa indibiduwal, ang tao ay ibabalik sa isang katawang tao o espiritu, nguni’t makikilala pa rin siya, sapagka’t nasa kaniya pa rin ang personalidad at mga alaala na
-