Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maria (Ina ni Jesus)
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Jesus] nagsasalita, ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi, ‘Maligaya ang bahay-batang sa iyo’y nagdala at ang mga dibdib na iyong sinusuhan! ’ Nguni’t siya’y sumagot, ‘Lalong maliligaya ang nangakikinig ng salita ng Diyos at ito’y ginaganap! ’ ” (Magandang pagkakataon sana ito upang bigyan ng pantanging karangalan ang kaniyang ina kung ito’y angkop. Nguni’t hindi niya ito ginawa.)

      Ano ang makasaysayang mga pinagmulan ng pag-uukol sa pagsamba kay Maria?

      Sinasabi ng paring Katoliko na si Andrew Greeley: “Si Maria ang isa sa pinaka-makapangyarihang relihiyosong simbolo sa kasaysayan ng Kanluraning daigdig . . . Iniuugnay ng simbolo ni Maria ang Kristiyanismo sa sinaunang mga relihiyon ng mga inang diyosa.”​—The Making of the Popes 1978 (E.U.A., 1979), p. 227.

      Kapunapuna ang dako kung saan pinagtibay ang turo na si Maria ang Ina ng Diyos. “Ang Konseho ng Efeso ay nagtipon-tipon sa basilica ng Theotokos noong 431. Doon, higit kaysa sa ibang dako, sa isang lunsod na kilala dahil sa kaniyang debosyon kay Artemis, o Diana sa mga Romano, na doon sinasabing nahulog mula sa langit ang kaniyang imahen, sa lilim ng dakilang templo na nakaalay sa Magna Mater mula noong 330 B.C. na, ayon sa tradisyon, ay kinaroroonan ng pansamantalang tirahan ni Maria, ang titulong ‘Nagluwal sa Diyos’ ay hindi maaaring di tanggapin.”​—The Cult of the Mother-Goddess (Nueba York, 1959), E. O. James, p. 207.

      Kung May Magsasabi​—

      ‘Naniniwala ba kayo kay Birheng Maria?’

      Maaari kayong sumagot: ‘Maliwanag na sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang ina ni Jesu-Kristo ay isang birhen, at pinaniniwalaan namin ito. Ang Diyos ang kaniyang Ama. Ang batang isinilang ay tunay na Anak ng Diyos, tulad ng sinabi ng anghel kay Maria. (Luc. 1:35)’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Nguni’t naisip ba ninyo kung bakit mahalaga na si Jesus ay isilang sa gayong paraan? . . . Walang ibang paraan upang maglaan ng isang pantubos na makapagpapalaya sa atin mula sa kasalanan at kamatayan.​—1 Tim. 2:5, 6; at marahil ang Juan 3:16.’

      O maaari ninyong sabihin: ‘Opo, naniniwala kami. Ang lahat ng sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa kaniya ay aming pinaniniwalaan, at tiyakang sinasabi nito na siya’y isang birhen nang isilang niya si Jesus. Nagustuhan ko rin ang ibang sinasabi nito hinggil kay Maria pati na rin ang mga aral na mapupulot natin mula sa kaniya. (Gamitin ang materyal sa pahina 232.)’

      ‘Hindi kayo naniniwala kay Birheng Maria’

      Maaari kayong sumagot: ‘Alam ko na may mga taong ayaw maniwala na ang Anak ng Diyos ay ipinanganak ng isang birhen. Nguni’t talagang pinaniniwalaan namin ito. (Buksan ang isa sa mga aklat natin sa isang pahinang tumatalakay sa bagay na ito at ipakita sa maybahay.)’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Nguni’t mayroon pa bang kailangan upang magtamo ng kaligtasan? . . . Pansinin ang sinabi ni Jesus sa panalangin sa kaniyang Ama. (Juan 17:3)’

  • Memoryal (Hapunan ng Panginoon)
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Memoryal (Hapunan ng Panginoon)

      Kahulugan: Isang hapunan na nagpapagunita sa kamatayan ni Jesu-Kristo; anupa’t, isang memoryal ng kaniyang kamatayan, na ang bisa nito ay nakahihigit kaysa kamatayan ng sinopaman. Ito lamang ang okasyong ipinag-utos ng Panginoong Jesu-Kristo sa kaniyang mga alagad na alalahanin. Ito ay tinatawag din na Hapunan ng Panginoon o Panggabing Pagkain ng Panginoon.​—1 Cor. 11:20.

      Ano ang kahalagahan ng Memoryal?

      Sa kaniyang tapat na mga alagad ay sinabi ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-aalaala sa akin.” (Luc. 22:19) Nang siya’y sumulat sa mga miyembro ng pinahiran-ng-espiritung kongregasyong Kristiyano, idinagdag ni Pablo: “Sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito at inuman ninyo ang sarong ito, ay inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26) Samakatuwid, binibigyan ng pantanging pansin ng Memoryal ang kahalagahan ng kamatayan ni Jesu-Kristo sa pagsasakatuparan ng layunin ni Jehova. Itinatampok nito ang kahulugan ng kamatayan ni Jesus bilang hain lalo na may kaugnayan sa bagong tipan at sa epekto ng kaniyang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share