Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Apostolikong Paghahalili
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • karangalan at pag-asa.”​—The Pope’ s Visit (Nueba York, 1965) Time-Life Special Report, p. 26.

      Juan 15:19, JB: “[Sinabi ni Jesu-Kristo:] Kung kabilang kayo sa sanlibutan, kayo’y mamahalin ng sanlibutan bilang kaniya; datapuwa’t palibhasa’y hindi kayo kabilang sa sanlibutan, dahil sa pinili ko kayo mula sa sanlibutan, kaya naman ang sanlibutan ay napopoot sa inyo.”

      Sant. 4:4, JB: “Hindi ba ninyo natatalos na ang pagiging kaibigan ng sanlibutan ay pagiging kaaway ng Diyos?”

      Pagtitiwala sa mga sandata ng digmaan

      Sumulat ang Katolikong historyador na si E. I. Watkin: “Masakit mang tanggapin, hindi natin, alang-alang sa di-umano’y katapatan, maitatanggi o maikakaila ang makasaysayang katotohanan na ang mga Obispo ay laging tumatangkilik sa lahat ng mga digmaan na itinataguyod ng pamahalaan ng kanilang bansa. Wala akong nalalamang kahit iisang pagkakataon na kung saan ang pambansang herarkiya ay humatol sa alinmang digmaan bilang di-makatarungan . . . Anoman ang opisyal na teoriya, sa gawa ang laging sinusunod ng mga Obispong Katoliko sa panahon ng digmaan ay ‘ang aking bansa ay laging tama.’ ”​—Morals and Missiles (Londres, 1959), pinamatnugutan ni Charles S. Thompson, p. 57, 58.

      Mat. 26:52, JB: “Kaya sinabi ni Jesus, ‘Ibalik mo ang iyong tabak, sapagka’t lahat ng humahawak ng tabak ay sa tabak mamamatay.’ ”

      1 Juan 3:10-12, JB: “Sa ganitong paraan ay ating makikilala ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo: sinomang . . . hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay hindi anak ng Diyos. . . . Tayo’y dapat mag-ibigan sa isa’t-isa; at huwag gumaya kay Cain, na kapanalig ng Balakyot at gumilit sa leeg ng kaniyang kapatid.”

      Sa liwanag nito, yaon bang mga nag-aangking kahalili ng mga apostol ay talagang nagtuturo at nagkakapit ng mga ginawa ni Kristo at ng kaniyang mga apostol?

  • Armagedon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Armagedon

      Kahulugan: Ang Griyegong Har Ma·ge·donʹ, galing sa Hebreo at isinaling “Armagedon” ng maraming tagapagsalin, ay nangangahulugang “Bundok ng Megido,” o “Bundok ng Kapisanan ng mga Hukbo.” Iniuugnay ng Bibliya ang pangalang ito, hindi sa isang nukleyar na pagkawasak, kundi sa dumarating na pansansinukob na “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.” (Apoc. 16:14, 16) Ang pangalang ito ay tuwirang ikinakapit sa “dako [Griyego, toʹpon; alalaong baga’y, kalagayan o situwasyon]” na kung saan ang makapolitikang mga pinuno ng daigdig ay tinitipon laban kay Jehova at sa kaniyang Kaharian sa ilalim ni Jesu-Kristo. Ang gayong paglaban ay ipakikita sa pamamagitan ng isang pangglobong kilusan laban sa mga lingkod ni Jehova sa lupa, ang nakikitang mga kinatawan ng Kaharian ng Diyos.

      Pahihintulutan ba ang mga tao na wasakin ang lupa sa pamamagitan ng tinatawag ng iba na “termonukleyar na Armagedon”?

      Awit 96:10: “Si Jehova mismo ay naging hari. Ang mabungang lupain [Hebreo, te·velʹ; ang lupa, mabunga at natatahanan, ang mapananahanang globo] ay naging matatag din anupa’t hindi ito maaaring mayanig.”

      Awit 37:29: “Ang mga matuwid ay magmamana ng lupa at sila’y tatahan dito magpakailanman.”

      Apoc. 11:18: “Nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong [kay Jehova] sariling poot, at ang itinakdang panahon . . . upang ipahamak mo yaong mga nagpapahamak sa lupa.”

      Ano ang Armagedon, ayon sa tinutukoy sa Bibliya?

      Apoc. 16:14, 16: “Sila nga’y mga kapahayagang kinasihan ng mga demonyo at nagsisigawa ng mga tanda, at kanilang pinaparoonan ang mga hari sa buong tinatahanang lupa, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. At sila’y tinipon sa dako na kung tawagin sa Hebreo ay Har-Magedon [Armagedon].”

      Ang Armagedon ba’y sa Gitnang Silangan lamang paglalabanan?

      Ang mga pinuno at hukbo ng lahat ng bansa ay pipisanin laban sa Diyos

      Apoc. 16:14: “Kanilang pinaparoonan ang mga hari sa buong tinatahanang lupa, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

      Apoc. 19:19: “Nakita ko ang mabangis na hayop [makapolitikang pamamahala ng tao sa kabuuan] at ang mga hari sa lupa at ang kanilang mga hukbo na nangagkakatipong samasama upang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share