-
Memoryal (Hapunan ng Panginoon)Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Ang kaayusang ito ay hindi ipinakilala kundi mga isang taon pa pagkaraan nito, at ang ulat ni apostol Juan hinggil sa Hapunan ng Panginoon ay nagpapasimula lamang pagkaraan ng mahigit na pitong kabanata (sa Juan 14) sa Ebanghelyo na may pangalan niya.
Papaano, kung gayon, ‘makakain ang laman ng Anak ng tao at maiinom ang kaniyang dugo’ sa makasagisag na paraan kung hindi sa pamamagitan ng pakikibahagi sa tinapay at alak sa Memoryal? Pansinin na sinabi ni Jesus na yaong kumakain at umiinom ay magkakaroon ng “buhay na walang-hanggan.” Bago nito, sa Ju 6 bersikulo 40, nang ipinaliliwanag kung ano ang dapat gawin upang magkaroon ng buhay na walang-hanggan, ano ang sinabi niya na kalooban ng kaniyang Ama? “Ang sinomang nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang-hanggan.” Makatuwiran, kung gayon, na ang ‘pagkain ng kaniyang laman at pag-inom ng kaniyang dugo’ sa makasagisag na paraan ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsampalataya sa tumutubos na bisa ng laman at dugo ni Jesus na inialay bilang hain. Ang pagsampalatayang ito ay hinihiling sa lahat ng magkakamit ng ganap na pagkabuhay, maging sa langit na kasama ni Kristo o sa makalupang Paraiso.
Gaanong kadalas dapat ipagdiwang ang Memoryal, at kailan?
Hindi tiyakang binanggit ni Jesus kung gaanong kadalas dapat gawin ito. Ang sinabi lamang niya ay: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-aalaala sa akin.” (Luc. 22:19) Sinabi ni Pablo: “Sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito at inuman ninyo ang sarong ito, ay inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26) Ang pangungusap na “sa tuwing” ay hindi laging nangangahulugan ng maraming beses sa isang taon; maaaring maging taun-taon ito sa loob ng maraming taon. Sa pagdiriwang ng isang mahalagang pangyayari, tulad ng anibersaryo ng kasal, o pantanging pangyayari sa kasaysayan ng isang bansa, gaanong kadalas ginagawa ito? Minsan lamang isang taon sa anibersaryo nito. Ito’y magiging kasuwato ng bagay na pinasinayaan ang Hapunan ng Panginoon sa petsa ng Judiong Paskuwa, isang taunang pagdiriwang na hindi na ipagdiriwang ng mga Judiong naging Kristiyano.
Ipinagdiriwang ng mga Saksi ni Jehova ang Memoryal paglubog ng araw sa Nisan 14, ayon sa kalkulasyon ng kalendaryong Judio na karaniwang ginamit noong unang siglo. Ang araw ng Judio ay nagsisimula sa paglubog ng araw at nagtatapos sa paglubog ng araw kinabukasan. Kaya ayon sa kalendaryong Judio, si Jesus ay namatay sa iyon ding araw na pinasinayaan niya ang Memoryal. Ang pasimula ng buwan ng Nisan ay sa paglubog ng araw pagkatapos ng bagong buwan na pinakamalapit sa spring equinox nang ito’y nakita sa Jerusalem. Ang petsa ng Memoryal ay 14 na araw pagkaraan nito. (Kaya ang petsa ng Memoryal ay maaaring hindi pareho sa Paskuwa na ipinagdiriwang ng makabagong-panahong mga Judio. Bakit hindi? Sa kanilang kalendaryo ang pasimula ng buwan ay ibinabagay sa bagong buwan ayon sa astronomiya, hindi sa bagong buwan na nakikita sa Jerusalem, na maaaring sumapit pagkaraan ng mga 18 hanggang 30 oras. Gayon din, ang Paskuwa ay ipinangingilin ng karamihang mga Judio ngayon sa ika-15 ng Nisan, hindi sa ika-14 gaya ng ginawa ni Jesus kasuwato ng sinasabi sa Batas Mosaiko.)
-
-
MisaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Misa
Kahulugan: Ayon sa inilahad ng Sacred Congregation of Rites ng Iglesiya Katolika Romana, ang Misa ay: “—Isang sakripisyo na doon ang Hain ng Krus ay laging isinasagawa;—Isang memoryal ng kamatayan at pagkabuhay-muli ng Panginoon, na nagsabi ‘gawin ito sa pag-aalaala sa akin’ (Lucas 22:19);—Isang banal na kapistahan na doon, sa komunyon ng Katawan at Dugo ng Panginoon, ang Bayan ng Diyos ay nakikibahagi sa kapakinabangan ng Hain ng Paskuwa, sinasariwa ang Bagong Tipan na ginawa ng Diyos sa tao minsan at magpakailanman sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, at sa pananampalataya at pag-asa ay inilalarawan at inaasam-asam ang sukdulang kapistahan sa kaharian ng Ama, na inihahayag ang kamatayan ng Panginoon ‘hanggang sa pagdating Niya.’ ” (Eucharisticum Mysterium, Mayo 25, 1967) Ito ang paraan ng Iglesiya Katolika upang tularan ang ginawa ni Jesu-Kristo sa Huling Hapunan ayon sa kanilang pagkaunawa.
Ang tinapay ba at ang alak ay talagang nagbabago upang maging ang katawan at dugo ni Kristo?
Sa isang “Tapat na Kapahayagan ng Pananampalataya” noong Hunyo 30, 1968, sinabi ni Papa Paul VI: “Kami ay naniniwala na kung paano ang tinapay at alak na kinonsagra ng Panginoon sa Huling Hapunan ay nagbago upang maging Kaniyang Katawan at Kaniyang Dugo na ihahain sa krus para sa atin, gayon din ang tinapay at alak na kinokonsagra ng pari ay nagbabago upang maging ang Katawan at Dugo ni Kristo na maluwalhating nakaluklok sa langit, at Kami ay naniniwala na ang mahiwagang presensiya ng Panginoon, na kinakatawan ng mga
-