-
Memoryal (Hapunan ng Panginoon)Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ng araw kinabukasan. Kaya ayon sa kalendaryong Judio, si Jesus ay namatay sa iyon ding araw na pinasinayaan niya ang Memoryal. Ang pasimula ng buwan ng Nisan ay sa paglubog ng araw pagkatapos ng bagong buwan na pinakamalapit sa spring equinox nang ito’y nakita sa Jerusalem. Ang petsa ng Memoryal ay 14 na araw pagkaraan nito. (Kaya ang petsa ng Memoryal ay maaaring hindi pareho sa Paskuwa na ipinagdiriwang ng makabagong-panahong mga Judio. Bakit hindi? Sa kanilang kalendaryo ang pasimula ng buwan ay ibinabagay sa bagong buwan ayon sa astronomiya, hindi sa bagong buwan na nakikita sa Jerusalem, na maaaring sumapit pagkaraan ng mga 18 hanggang 30 oras. Gayon din, ang Paskuwa ay ipinangingilin ng karamihang mga Judio ngayon sa ika-15 ng Nisan, hindi sa ika-14 gaya ng ginawa ni Jesus kasuwato ng sinasabi sa Batas Mosaiko.)
-
-
MisaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Misa
Kahulugan: Ayon sa inilahad ng Sacred Congregation of Rites ng Iglesiya Katolika Romana, ang Misa ay: “—Isang sakripisyo na doon ang Hain ng Krus ay laging isinasagawa;—Isang memoryal ng kamatayan at pagkabuhay-muli ng Panginoon, na nagsabi ‘gawin ito sa pag-aalaala sa akin’ (Lucas 22:19);—Isang banal na kapistahan na doon, sa komunyon ng Katawan at Dugo ng Panginoon, ang Bayan ng Diyos ay nakikibahagi sa kapakinabangan ng Hain ng Paskuwa, sinasariwa ang Bagong Tipan na ginawa ng Diyos sa tao minsan at magpakailanman sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, at sa pananampalataya at pag-asa ay inilalarawan at inaasam-asam ang sukdulang kapistahan sa kaharian ng Ama, na inihahayag ang kamatayan ng Panginoon ‘hanggang sa pagdating Niya.’ ” (Eucharisticum Mysterium, Mayo 25, 1967) Ito ang paraan ng Iglesiya Katolika upang tularan ang ginawa ni Jesu-Kristo sa Huling Hapunan ayon sa kanilang pagkaunawa.
Ang tinapay ba at ang alak ay talagang nagbabago upang maging ang katawan at dugo ni Kristo?
Sa isang “Tapat na Kapahayagan ng Pananampalataya” noong Hunyo 30, 1968, sinabi ni Papa Paul VI: “Kami ay naniniwala na kung paano ang tinapay at alak na kinonsagra ng Panginoon sa Huling Hapunan ay nagbago upang maging Kaniyang Katawan at Kaniyang Dugo na ihahain sa krus para sa atin, gayon din ang tinapay at alak na kinokonsagra ng pari ay nagbabago upang maging ang Katawan at Dugo ni Kristo na maluwalhating nakaluklok sa langit, at Kami ay naniniwala na ang mahiwagang presensiya ng Panginoon, na kinakatawan ng mga elementong iyon na sa wari natin ay pareho maging bago o pagkatapos ng Konsagrasyon, ay isang tunay, makatotohanan at totoong presensiya. . . . Ang mahiwagang pagbabagong ito ay angkop na tinatawag ng Iglesiya na transubstantiation.” (Official Catholic Teachings—Christ Our Lord, Wilmington, N.C.; 1978, Amanda G. Watlington, p. 411) Sumasang-ayon ba ang Banal na Kasulatan sa paniniwalang ito?
Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niya: “Ito ang aking katawan,” “Ito ang aking dugo”?
Mat. 26:26-29, JB: “Samantalang sila’y kumakain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos pagpalain ay pinagputul-putol niya at ibinigay ito sa mga alagad. ‘Kunin ninyo at kanin ninyo;’ ang sabi niya ‘ito ang aking katawan.’ Saka kumuha siya ng isang saro, at matapos na magpasalamat ay ibinigay ito sa kanila. ‘Uminom kayong lahat dito,’ ang sabi niya ‘sapagka’t ito ang aking dugo, ang dugo ng tipan, na ibubuhos para sa marami sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Sinasabi ko sa inyo na, buhat ngayon, hindi na ako iinom ng alak hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak na kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.’ ”
Tungkol sa mga pangungusap na “ito ang aking katawan” at “ito ang aking dugo,” kapansinpansin ang sumusunod: Ang Mo ay kababasahan ng, “ito’y nangangahulugan ng aking katawan,” “ito’y nangangahulugan ng aking dugo.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) Ang NW ay kahawig din nito. Ang mga pangungusap na ito ay isinasalin ng LEF na, “ito’y kumakatawan sa aking katawan,” “ito’y kumakatawan sa aking dugo.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) Ang mga saling ito ay kasuwato ng sinasabi sa konteksto, sa Mat 26 talata 29, sa iba’t-ibang edisyong Katoliko. Ang Kx ay kababasahan ng: “Hindi na ako iinom ng bungang ito ng ubas, hanggang sa inumin kong kasalo ko kayo, bagong alak, sa kaharian ng aking Ama.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) Ipinakikita rin ng CC, NAB, Dy na tinukoy ni Jesus ang laman ng saro bilang “ang bungang ito ng ubas,” at ito’y matapos niyang sabihin: “Ito ang aking dugo.”
Isaalang-alang ang mga pangungusap na “ito ang aking katawan” at “ito ang aking dugo” sa liwanag ng iba pang makukulay na pananalita na ginagamit sa Kasulatan. Sinabi din ni Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan,” “Ako ang pintuan ng mga tupa,” “Ako ang tunay na puno ng ubas.” (Juan 8:12; 10:7; 15:1, JB) Hindi ipinahihiwatig ng mga pangungusap na ito ang anomang makahimalang pagbabago, hindi ba?
Sa 1 Corinto 11:25 (JB), si apostol Pablo ay sumulat tungkol
-