-
OrganisasyonNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Heb. 13:17: “Magsitalima kayo sa mga nangunguna sa inyo at kayo’y pasakop sa kanila, sapagka’t sila’y nagbabantay sa inyong mga kaluluwa na parang sila ang magsusulit.”
Sant. 1:22: “Maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang.”
Tito 2:11, 12: “Nahayag ang di-na-sana nararapat na kabaitan ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng uri ng tao, na nagtuturo sa atin na tumanggi sa kalikuan at sa makasanlibutang mga pita at mamuhay nang may matinong pag-iisip at sa katuwiran at kabanalan.”
1 Ped. 2:17: “Ibigin ninyo ang buong pagkakapatiran.”
-
-
Pag-aasawaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pag-aasawa
Kahulugan: Ang pagsasama ng isang lalake at isang babae upang mamuhay bilang mag-asawa ayon sa pamantayang inilagay sa Banal na Kasulatan. Ang pag-aasawa ay isang banal na kaayusan. Ito’y naglalaan ng isang matalik na kaugnayan sa pagitan ng lalake at babae pati na rin ng panatag na damdamin dahil sa umiiral na pagmamahalan at dahil sa personal na pagsusumpaan ng magkabiyak. Nang una niyang isaayos ang pag-aasawa, ginawa ito ni Jehova hindi lamang upang maglaan ng isang matalik na kasama bilang kapupunan ng lalake kundi upang gumawa din ng paglalaan sa pagpapakarami ng mga tao sa loob ng kaayusang pampamilya. Ang legal na pagpaparehistro ng pag-aasawa na tinatanggap ng kongregasyong Kristiyano ay hinihiling kailanpama’t magagawa.
Talaga bang mahalaga ang magpakasal ayon sa legal na mga kahilingan?
Tito 3:1: “Ipaalaala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno at maging masunurin sa mga pamahalaan at maykapangyarihan.” (Kapag sinunod ang mga tagubiling ito, ang pangalan ng magkabilang partido ay iniingatang walang kapintasan, at iniiwasan ng mga anak ang upasalang karaniwang nararanasan niyaong ang mga magulang ay hindi kasal. Bilang karagdagan, ang legal na pagpaparehistro ng pag-aasawa ay nagsasanggalang sa karapatan ng pamilya sa ari-arian kapag namatay ang isa sa magkabiyak.)
Heb. 13:4: “Maging marangal sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan, sapagka’t ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Diyos.” (Mahalaga ang pagpapakasal sa pagkakaroon ng isang pag-aasawa na kinikilalang “marangal.” Tungkol sa kung ano ang “pakikiapid” at “pangangalunya,” dapat nating isaisip ang sinasabi sa Tito 3:1, na sinipi sa itaas.)
1 Ped. 2:12-15: “Magkaroon kayo ng timtimang ugali sa gitna ng mga bansa, upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita, ay luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagsisiyasat. Alang-alang sa Panginoon ay pasakop kayo sa bawa’t kaayusan ng tao: maging sa hari dahil sa nakatataas siya o sa mga gobernador na sinugo niya upang parusahan ang nagsisigawa ng masama at purihin ang nagsisigawa ng mabuti. Sapagka’t siyang kalooban ng Diyos, na sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang walang-kabuluhang mga salita ng mga taong palalo.”
Mayroon bang anomang “legal na pormalidad” nang sina Adan at Eba ay nagsimulang magsama?
Gen. 2:22-24: “Ang tadyang na kinuha ng Diyos na Jehova sa lalake [si Adan] ay ginawa niyang isang babae, at ito’y dinala niya sa lalake. Nang magkagayo’y sinabi ng lalake: ‘Ito nga’y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman. Siya’y tatawaging Babae, sapagka’t sa lalake siya kinuha.’ Kaya’t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa at sila’y magiging isang laman.” (Pansinin na sina Adan at Eba ay pinapagsama mismo ng Diyos na Jehova, ang Pansansinukob na Soberano. Hindi ito basta pagsasama ng isang lalake at babae na hindi inaalintana ang legal na mga kahilingan. Pansinin din kung papaano idiniin ng Diyos ang pagkapermanente ng kanilang pagsasama.)
Gen. 1:28: “Sila’y [sina Adan at Eba] binasbasan ng Diyos at sa kanila’y sinabi ng Diyos: ‘Kayo’y magpalaanakin at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at inyong supilin, at magkaroon kayo ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid at sa bawa’t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.’ ” (Dito ang pagsasama nila ay binasbasan ng pinakamataas na legal na Awtoridad, sila’y binigyan ng karapatang magsiping at inatasan ng isang gawain na magbibigay ng layunin sa kanilang buhay.)
Wasto ba sa isang tao ang poligamya kung ito’y ipinahihintulot ng lokal na batas?
1 Tim. 3:2, 12: “Dapat nga na ang tagapangasiwa ay walang
-