-
Pag-aasawaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
gitna ng mga Kristiyano ngayon. Ang pag-aasawa sa isang malapit na kamag-anak ay lumilikha ng malaking posibilidad na ang pinsalang dulot nito ay maipamana sa kanilang mga supling.
Bakit hindi mapanganib ang pag-aasawa ng magkapatid noong pasimula ng kasaysayan ng tao? Sina Adan at Eba ay nilikha ng Diyos na sakdal at nilayon niya na ang buong sangkatauhan ay magmula sa kanila. (Gen. 1:28; 3:20) Maliwanag na may ilan na kailangang mag-asawa ng malapit na kamag-anak, lalo na sa unang mga salin ng lahi. Kahit matapos magkasala, bahagya lamang ang panganib na ang malaking pinsala ay ipamana sa mga anak sa unang mga salin ng lahi, sapagka’t ang sangkatauhan noon ay malapit pa rin sa kasakdalan na tinamasa nina Adan at Eba. Ito’y pinatutunayan ng mahabang buhay ng mga tao noong panahong yaon. (Tingnan ang Genesis 5:3-8; 25:7.) Subali’t mga 2,500 taon matapos magkasala si Adan, ipinagbawal na ng Diyos ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ipinagsanggalang nito ang mga supling at itinaas ang seksuwal na moralidad ng mga lingkod ni Jehova nang higit kaysa sa mga taong nasa palibot nila na noo’y nagsasagawa ng lahat ng uri ng karumaldumal na gawain.—Tingnan ang Levitico 18:2-18.
Ano ang tutulong upang mapabuti ang pag-aasawa?
(1) Ang palagiang pag-aaral ng Salita ng Diyos nang magkasama at ang pananalangin sa Diyos ukol sa tulong sa paglutas ng mga suliranin.—2 Tim. 3:16, 17; Kaw. 3:5, 6; Fil. 4:6, 7.
(2) Pagpapahalaga sa simulain ng pagka-ulo. Iniaatang nito ang malaking pananagutan sa asawang lalake. (1 Cor. 11:3; Efe. 5:25-33; Col. 3:19) Humihiling din ito ng taimtim na pagsisikap sa bahagi ng asawang babae.—Efe. 5:22-24, 33; Col. 3:18; 1 Ped. 3:1-6.
(3) Pagkakaroon ng seksuwal na interes sa asawa lamang. (Kaw. 5:15-21; Heb. 13:4) Ang maibiging pagmamalasakit sa pangangailangan ng asawa ay makatutulong upang siya’y huwag matuksong gumawa ng masama.—1 Cor. 7:2-5.
(4) Pagsasalita sa isa’t isa sa paraang mabait at makonsiderasyon; iwasan ang silakbo ng galit, paninisi, at nakasasakit na pananalita.—Efe. 4:31, 32; Kaw. 15:1; 20:3; 21:9; 31:26, 28.
(5) Pagiging masipag at mapagkakatiwalaan sa paglalaan ng tirahan at pananamit ng pamilya, gayon din sa paghahanda ng masustansiyang pagkain.—Tito 2:4, 5; Kaw. 31:10-31.
(6) May kapakumbabaang pagkakapit ng payo ng Bibliya kahit inaakala mong hindi ginagawa ng asawa mo ang lahat ng nararapat niyang gawin.—Roma 14:12; 1 Ped. 3:1, 2.
(7) Pagbibigay-pansin sa paglinang ng espirituwal na mga katangian ng isa.—1 Ped. 3:3-6; Col. 3:12-14; Gal. 5:22, 23.
(8) Paglalaan ng kinakailangang pag-ibig, pagsasanay, at disiplina sa mga anak, kung mayroon.—Tito 2:4; Efe. 6:4; Kaw. 13:24; 29:15.
-
-
Pagbabalik ni KristoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pagbabalik ni Kristo
Kahulugan: Bago umalis sa lupa, nangako si Jesu-Kristo na siya’y babalik. Kasama sa pangakong iyan ay ang kapanapanabik na mga pangyayari na may kaugnayan sa Kaharian ng Diyos. Dapat pansinin na may pagkakaiba ang pagparito at ang pagkanaririto. Kaya, samantalang ang pagparito ng isang tao (na may kaugnayan sa kaniyang pagdating o pagbabalik) ay nangyayari sa isang takdang panahon, ang pagkanaririto niya pagkatapos nito ay maaaring tumagal ng ilang taon. Sa Bibliya ang Griyegong salitang erʹkho·mai (na nangangahulugang “pumarito”) ay ginagamit din may kaugnayan sa pagbaling ng pansin ni Jesus sa isang mahalagang gawain sa isang takdang oras sa panahon ng kaniyang pagkanaririto, alalaong baga’y, sa gawain niya bilang tagapuksa ni Jehova sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.
Ang mga pangyayari bang may kaugnayan sa pagkanaririto ni Kristo ay nagaganap sa isang maikling panahon o sa loob ng ilang taon?
Mat. 24:37-39: “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagkanaririto [“pagparito,” RS, TEV; “pagkanaririto,” Yg, Ro, ED; Griyego, pa·rou·siʹa] ng Anak ng tao. Sapagka’t gaya ng mga araw bago bumaha, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa ang mga lalake at pinapapag-asawa ang mga babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong; at hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat, ay gayon din naman ang pagkanaririto ng Anak ng tao.” (Ang mga pangyayari noong “mga araw ni Noe” na inilalahad dito ay naganap sa loob ng maraming taon. Inihambing ni Jesus ang kaniyang pagkanaririto sa nangyari noon.)
Sa Mateo 24:37 ang Griyegong salitang pa·rou·siʹa ay ginagamit. Sa literal ito’y nangangahulugang “pagiging katabi.” Ang Greek-English Lexicon nina Liddell at Scott (Oxford, 1968) ay nagbibigay ng “pagkanaririto, ng mga tao,” bilang unang kahulugan ng pa·rou·siʹa. Maliwanag na ipinakikita ang diwa ng salitang
-