Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tadhana
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ​5, 11) Gayumpaman, sa mga ito rin, ang 2 Pedro 1:10 ang nagsasabi: “Lalong pagsikapan ninyo na ang pagkatawag at pagkahirang sa inyo ay matiyak para sa inyong ganang sarili; sapagka’t kung patuloy ninyong gagawin ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangabibigo.” (Kung ang mga indibiduwal ay naitadhana na sa kaligtasan, hindi sila maaaring mabigo, anoman ang kanilang gawin. Yamang ang pagsisikap ay inaasahan sa bahagi ng mga indibiduwal, maliwanag na ang itinadhana ay ang kalipunan. Nilayon ng Diyos na ang buong kalipunan ay umayon sa huwaran na ibinigay ni Jesu-Kristo. Gayunman, yaong mga pinili ng Diyos upang maging bahagi ng kalipunang ito, ay dapat na manatiling tapat upang maging karapatdapat sa gantimpalang naghihintay sa kanila.)

      Efe. 1:4, 5: “Pinili niya tayo upang makaisa niya [ni Jesu-Kristo] bago itinatag ang sanlibutan, upang tayo’y maging mga banal at walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig. Sapagka’t tayo’y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak, sa pamamagitan ni Jesu-Kristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban.” (Kapansinpansin na, sa Lucas 11:50, 51, itinutugma ni Jesus “ang pagkakatatag ng sanlibutan” sa kapanahunan ni Abel. Si Abel ang kaunaunahang tao na nagkamit ng panghabang-buhay na pagsang-ayon ng Diyos. Kaya binuo ng Diyos ang kaniyang layunin na magluwal ng isang “binhi” na sa pamamagitan nito’y ilalaan ang katubusan, pagkaraan ng paghihimagsik sa Eden, subali’t bago pa ipaglihi si Abel. [Gen. 3:15] Nilayon ng Diyos na mapalakip sa pangunahing Binhi, si Jesu-Kristo, ang isang grupo ng kaniyang tapat na mga tagasunod upang makabahagi niya sa isang bagong pamahalaan sa ibabaw ng lupa, ang Mesiyanikong Kaharian.)

      Ang mga bituin ba at planeta ay makakaimpluwensiya sa mga pangyayari sa ating buhay o nakapaglalaan ba ang mga ito ng mga palatandaan na dapat nating timbang-timbangin kapag gumagawa ng pasiya?

      Ano ang pinagmulan ng astrolohiya?

      “Ang kanluraning astrolohiya ay matutunton nang tuwiran sa mga teoriya at kaugalian ng mga Caldeo at taga-Babilonya noong mga 2,000 B.C.”​—The Encyclopedia Americana (1977), Tomo 2, p. 557.

      “Ang astrolohiya ay nasasalig sa dalawang Babilonikong palagayin: ang zodiac at ang pagka-diyos ng mga bitui’t planeta. . . . Iniukol ng mga taga-Babilonya sa mga planeta ang impluwensiya na aasahan nating dapat iukol sa kanikanilang mga diyus-diyosan.”​—Great Cities of the Ancient World (Nueba York, 1972), L. Sprague de Camp, p. 150.

      “Sa Babilonya at gayon din sa Asiriya bilang isang tuwirang supling ng Babilonikong kultura . . . ang astrolohiya ay kumukuha ng dako sa opisyal na kulto bilang isa sa dalawang pangunahing kasangkapan ng mga saserdote . . . sa pagtiyak sa kalooban at intensiyon ng mga diyus-diyosan, at ang pangalawa ay sa pamamagitan ng pagsusuri sa atay ng hayop na inihahain . . . Ang mga pagkilos ng araw, buwan at limang planeta ay itinuturing na kumakatawan sa gawain ng limang diyus-diyosang nasasangkot, kasama na ang diyos ng buwan na si Sin at ang diyos ng araw na si Shamash, sa pagsasaayos ng mga pangyayaring magaganap sa lupa.”​—Encyclopædia Britannica (1911), Tomo II, p. 796.

      Ano ang pangmalas ng Maylikha ng tao sa ganitong kaugalian?

      Deut. 18:10-12: “Huwag makakasumpong sa inyo ng sinomang . . . nanghuhula, o salamangkero o nagmamasid ng mga pamahiin . . . Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal kay Jehova.”

      Sa mga taga-Babilonya ay sinabi niya: “Magsitayo ngayon ang iyong mga astrologo at mga manghuhula sa pamamagitan ng mga langit, at ng mga bituin, na humuhula sa inyong kapalaran sa bawa’t buwan, at hayaang iligtas nila kayo! Narito, sila’y mawawalang gaya ng dayami . . . Sukat na ang iyong mga salamangkero na buong-buhay na nangalakal sa inyo: bawa’t isa’y lumalaboy sa kaniyang sariling lakad, at walang isa man na makapagliligtas sa iyo.”​—Isa. 47:13-15, NE.

  • Trinidad
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Trinidad

      Kahulugan: Ang pangunahing turo ng mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan. Ayon sa Athanasian Creed, may tatlong banal na Persona (ang Ama, ang Anak, ang Banal na Espiritu), na bawa’t isa ay walang hanggan, bawa’t isa’y makapangyarihan-sa-lahat, walang isa sa kanilang mataas o mababa, bawa’t isa’y tinatawag na Diyos, nguni’t kung pagsasamasamahin sila’y bumubuo ng iisang Diyos. Ang iba pang mga paliwanag sa turong ito ay nagdidiin na ang tatlong “Personang” ito ay hindi magkakahiwalay at magkakabukod na indibiduwal kundi tatlong anyo na doo’y umiiral ang sustansiya ng pagkadiyos. Kaya ang ilang Trinitaryo ay nagbibigay-diin sa paniwala nila

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share