-
Mga Lahi ng SangkatauhanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Juan 3:16: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan.” (Kailangan ang tunay na pananampalataya sa kaniya upang makamit ng sinoman sa atin ang kaugnayan sa Diyos na naiwala ni Adan. Ang pribilehiyong iyon ay bukás sa mga tao ng lahat ng mga lahi.)
1 Juan 3:10: “Dito nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng Diyablo: Ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Diyos, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.” (Kaya hindi lahat ng mga tao ay itinuturing ng Diyos na kaniyang mga anak. Mula sa espirituwal na pangmalas, yaong mga kusang gumagawa ng mga bagay na hinahatulan ng Diyos ay mga anak ng Diyablo. Tingnan ang Juan 8:44. Nguni’t ang tunay na mga Kristiyano ay nagpapakita ng maka-diyos na mga katangian. Mula sa mga ito, pinili ng Diyos ang isang limitadong bilang upang maghari kasama ni Kristo sa langit. Ang mga ito ay tinutukoy ng Diyos bilang kaniyang “anak” o “anak na lalake.” Para sa karagdagang detalye, tingnan ang paksang “Pagkapanganak-na-Muli.”)
Roma 8:19-21: “Ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Diyos . . . Ang buong sangnilalang din naman ay palalayain mula sa pagka-alipin sa kabulukan at magtataglay ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” (Darating ang kaginhawahan sa sangkatauhan kapag ang “mga anak ng Diyos,” matapos tumanggap ng makalangit na buhay, ay ‘nahayag’ sa diwa na sila’y kumikilos na upang tulungan ang sangkatauhan sa ilalim ng pangunguna ni Kristo. Kapag nakamit na ng mga tapat sa lupa [na tinutukoy bilang “buong nilalang” sa tekstong ito] ang kasakdalang tao at nakapagpatunay ng di-mababaling katapatan kay Jehova bilang Pansansinukob na Soberano, kung magkagayon sila rin naman ay magtatamasa ng mainam na kaugnayan bilang mga anak ng Diyos. Tatamasahin ito ng mga tao sa lahat ng lahi.)
Talaga bang magkakaisa bilang magkakapatid ang mga tao sa lahat ng lahi?
Sa tunay niyang mga alagad, sinabi ni Jesus: “Kayong lahat ay magkakapatid.” (Mat. 23:8) Nang dakong huli ay idinagdag niya: “Sa ganito’y makikilala ng lahat ng mga tao na kayo’y aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t-isa.”—Juan 13:35.
Sa kabila ng di-kasakdalan ng tao, ang gayong pagkakaisa ay talagang umiral sa gitna ng unang mga Kristiyano. Sumulat si apostol Pablo: “Walang magiging Judio ni Griyego man, walang magiging alipin ni malaya man, walang magiging lalake ni babae man; sapagka’t kayong lahat ay iisang persona na kaisa ni Kristo Jesus.”—Gal. 3:28.
Ang Kristiyanong kapatiran na walang bahid ng pagtatangi-tangi ng lahi ay umiiral sa gitna ng mga Saksi ni Jehova sa ika-20 siglo. Sinabi ng manunulat na si William Whalen sa U.S. Catholic: “Ako’y naniniwala na ang isa sa pinaka-magandang katangian ng [organisasyon ng mga Saksi ni Jehova] ay ang patakaran nito ng pagkakapantay-pantay ng lahi.” Matapos gumawa ng isang malawak na pagsusuri tungkol sa mga Saksi ni Jehova sa Aprika, ang sosyologo na si Bryan Wilson ng Oxford University ay nagsabi: “Tila mas matagumpay ang mga Saksi kaysa alinpamang ibang grupo sa bilis ng pag-aalis ng pagtatangi-tangi ng tribo sa mga nakukumberte nila.” Bilang pag-uulat sa isang pandaigdig na pagtitipon ng mga Saksi mula sa 123 lupain, sinabi ng The New York Times Magazine: “Humanga ang mga taga-Nueba York sa mga Saksi hindi lamang dahil sa kanilang bilang, kundi dahil sa kanilang pagkasari-sari (kasama nila ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay), ang kanilang di-pagtatangi ng lahi (maraming Saksi ay mga Negro) at ang kanilang tahimik at maayos na paggawi.”
Di matatagalan at lilipulin ng Kaharian ng Diyos ang kasalukuyang masamang sistema ng mga bagay, kasama na rin ang lahat na hindi tunay na umiibig sa Diyos na Jehova at sa kanilang kapuwa. (Dan. 2:44; Luc. 10:25-28) Ang Salita ng Diyos ay nangangako na ang mga makaliligtas ay magiging mga tao “mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika.” (Apoc. 7:9) Yamang sila’y binubuklod ng pagsamba sa tunay na Diyos, ng pananampalataya kay Jesu-Kristo, at ng pag-ibig sa isa’t-isa, sila’y tunay na bubuo ng isang nagkakaisang sambahayan ng tao.
-
-
LangitNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Langit
Kahulugan: Ang tahanang dako ng Diyos na Jehova at ng tapat na mga espiritung nilalang; isang dako na hindi nakikita ng mga mata ng tao. Ginagamit din ng Bibliya ang katagang “(mga) langit” sa iba’t-ibang pangangahulugan; halimbawa: upang kumatawan sa Diyos mismo, sa kaniyang organisasyon ng tapat na mga espiritung nilalang, sa isang katayuan na nagtataglay ng banal na pagsang-ayon, sa pisikal na uniberso na hiwalay sa lupa, sa himpapawid na pumapalibot sa planetang Lupa, sa mga pamahalaan ng tao na nasa
-