Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagkabuhay-Muli
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ng lupa na maglaan ng sapat kundi, sa halip, ang makapolitikang paglalaban-laban at ang kasakiman sa pangangalakal.

      Tingnan din ang pahina 231, sa paksang “Lupa.”

  • Pagkapanganak-na-Muli
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pagkapanganak-na-Muli

      Kahulugan: Ang pagkapanganak-na-muli ay nagsasangkot ng pagkabautismo sa tubig (‘ipinanganak ng tubig’) at ng pagiging inianak sa espiritu ng Diyos (“ipinanganak ng . . . espiritu”), sa gayo’y nagiging isang anak ng Diyos na may pag-asang makibahagi sa Kaharian ng Diyos. (Juan 3:3-5) Ito’y naging karanasan ni Jesus, at maging ng 144,000 na kasama niyang tagapagmana ng makalangit na Kaharian.

      Bakit kailangan ng sinomang Kristiyano na “maipanganak-muli”?

      Nilayon ng Diyos na ang isang takdang bilang ng tapat na mga tao ay kasamahin ni Jesu-Kristo sa makalangit na Kaharian

      Luc. 12:32: “Huwag kayong mangatakot, munting kawan, sapagka’t nakalulugod na mainam sa inyong Ama na sa inyo’y ibigay ang kaharian.”

      Apoc. 14:1-3: “Tumingin ako, at, narito! ang Kordero [si Jesu-Kristo] ay nakatayo sa Bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apatnapu’t-apat na libong . . . mga binili mula sa lupa.” (Tingnan ang mga pahina 225, 226, sa paksang “Langit.”)

      Ang mga tao’y hindi makakaakyat sa langit na may katawang laman at dugo

      1 Cor. 15:50: “Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos, ni ang kasiraan ay magmamana ng walang-kasiraan.”

      Juan 3:6: “Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng espiritu ay espiritu nga.”

      Yaon lamang mga “ipinanganak-muli,” sa gayo’y nagiging mga anak ng Diyos, ang maaaring makabahagi sa makalangit na Kaharian

      Juan 1:12, 13: “Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y [si Jesu-Kristo] nagsitanggap ay pinagkalooban niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sapagka’t sila’y nagsisampalataya sa kaniyang pangalan; at sila’y ipinanganak, hindi sa dugo ni sa kalooban ng laman ni sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos.” (Ang “lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap” ay hindi tumutukoy sa lahat ng tao na sumasampalataya kay Kristo. Pansinin kung sino ang tinutukoy, gaya ng ipinakikita ng Ju 1 bersikulo 11 [“sariling bayan niya,” ang mga Judio]. Ang pribilehiyo ring ito ay ipinaaabot sa iba pang tao, nguni’t sa isang “munting kawan” lamang.)

      Roma 8:16, 17: “Ang espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo’y mga anak ng Diyos. At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga: mga tagapagmana sa Diyos, nguni’t mga kasamang tagapagmana ni Kristo, kung makikipagtiis tayo sa kaniya upang tayo’y luwalhatiin din namang kasama niya.”

      1 Ped. 1:3, 4: “Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na ayon sa kaniyang dakilang awa ay ipinanganak tayong muli tungo sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo sa mga patay, sa isang manang di nasisira at walang-dungis at hindi kumukupas. Ito’y nakalaan sa langit para sa inyo.”

      Ano ang kanilang gagawin sa langit?

      Apoc. 20:6: “Sila’y magiging mga saserdote ng Diyos at ni Kristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.”

      1 Cor. 6:2: “Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanlibutan?”

      Maliligtas ba ang isang taong hindi “ipinanganak-na-muli”?

      Apoc. 7:9, 10, 17: “Pagkatapos ng mga bagay na ito [pagkatapos marinig ni apostol Juan ang bilang niyaong mga “ipinanganak-na-muli,” yaong bubuo sa espirituwal na Israel at makakasama ni Kristo sa langit; ihambing ang Roma 2:28, 29 at Galacia 3:26-29] ay tumingin ako, at, narito! ang isang malaking pulutong, na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harap ng luklukan at sa harapan ng Kordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay. At sila’y nagsisigawan sa malakas na tinig, na nangagasasabi: ‘Kaligtasan ay utang namin sa aming Diyos, na nakaupo sa luklukan, at sa Kordero.’ . . . ‘Ang Kordero [si Jesu-Kristo], na nasa gitna ng luklukan, ay magpapastol sa kanila, at aakay sa kanila sa mga bukal ng tubig ng buhay.’ ”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share