-
ArmagedonNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
hindi kumikilala sa Diyos at yaong mga hindi tumatalima sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus.”
Mat. 24:37-39: “Kung paano ang mga araw ni Noe . . . hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat, ay gayon din naman ang pagkanaririto ng Anak ng tao.”
Mat. 12:30: “Ang wala sa panig ko ay laban sa akin, at ang hindi nakikipagtipong kasama ko ay nagsasambulat.”
Ihambing ang Deuteronomio 30:19, 20.
Kaninong impluwensiya ang nagtutulak sa mga bansa sa pandaigdig na kalagayan na hahantong sa pakikidigma laban sa Diyos?
Apoc. 16:13, 14: “Nakakita ako ng tatlong maruruming kinasihang kapahayagan na gaya ng mga palaka na lumalabas sa bibig ng dragon [si Satanas na Diyablo; Apoc. 12:9] at sa bibig ng mabangis na hayop at sa bibig ng bulaang propeta. Sila nga’y mga kapahayagang kinasihan ng mga demonyo at nagsisigawa ng mga tanda, at kanilang pinaparoonan ang mga hari sa buong tinatahanang lupa, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”
Ihambing ang Lucas 4:5, 6; 1 Juan 5:19; gayon din ang Gawa 5:38, 39; 2 Cronica 32:1, 16, 17.
-
-
Mga BabaeNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Mga Babae
Kahulugan: Lahat ng kababaihan. Sa Hebreo, ang salitang isinasaling babae ay ’ish·shahʹ, na ang literal na kahulugan ay “isang babaing tao.”
Minamaliit ba ng Bibliya ang mga babae o itinuturing sila bilang nakabababang mga persona?
Gen. 2:18: “At sinabi ng Diyos na Jehova: ‘Hindi mabuti na ang lalake ay mag-iisa, ilalalang ko ng isang katulong niya, bilang kapupunan niya.’ ” (Hindi itinuturing dito ng Diyos ang lalake bilang higit na mabuting persona kaysa sa babae. Sa halip, ipinahihiwatig ng Diyos na ang babae ay magtataglay ng mga katangian na magiging kapupunan niyaong sa lalake sa kaayusan ng Diyos. Ang isang kapupunan ay kabiyak ng dalawang magkatugmang bahagi. Kaya ang mga babae bilang isang grupo ay may ilang pantanging mga katangian at kakayahan; ang mga lalake ay may iba naman. Ihambing ang 1 Corinto 11:11, 12.)
Gen. 3:16: “Sinabi [ng Diyos] sa babae: ‘ . . . sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.’ ” (Ang mga salitang ito pagkatapos magkasala sina Adan at Eba ay hindi nagsasabi kung ano ang dapat gawin ng mga lalake kundi kung ano ang nabatid ni Jehova na gagawin nila ngayong ang kaimbutan ay nanghimasok sa buhay ng mga tao. Pagkatapos nito may ilang salaysay sa Bibliya na nagpapakita sa malulungkot na resulta ng gayong mapag-imbot na pagdumina ng mga lalake. Nguni’t hindi sinasabi ng Bibliya na ang gayong paggawi ay sinang-ayunan ng Diyos o na ito’y halimbawang dapat sundin ng iba.)
Ang pag-aatas ba ng pagka-ulo sa lalake ay paghamak sa mga babae?
Ang mapasa-ilalim ng pagka-ulo sa ganang sarili ay hindi paghamak. Ang pagka-ulo ay tumutulong upang lahat ay maasikaso nang may kaayusan, at si Jehova ay “hindi Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan.” (1 Cor. 14:33) Si Jesu-Kristo ay nasa ilalim ng pagka-ulo ng Diyos na Jehova, at nakasusumpong siya ng malaking kasiyahan sa ugnayang iyon.—Juan 5:19, 20; 8:29; 1 Cor. 15:27, 28.
Iniatas din sa lalake ang may pasubaling pagka-ulo, lalo na sa loob ng sambahayan at sa kongregasyong Kristiyano. Ang Diyos ay hindi nagbigay sa lalake ng lubus-lubusang kapamahalaan sa babae; dapat managot ang lalake sa kaniyang ulo, si Jesu-Kristo, at sa Diyos sa paraan ng pagsasagawa ng pagka-ulong iyon. (1 Cor. 11:3) Bukod dito, ang mga lalake ay binigyan ng utos na “ibigin ang kani-kaniyang asawa na gaya ng kanilang sariling mga katawan” at ‘pakundanganan’ ang kanilang mga asawa. (Efe. 5:28; 1 Ped. 3:7) Ang seksuwal na pangangailangan ng isang lalake ay hindi binibigyan ng higit na kahalagahan kaysa doon sa kaniyang asawa sa kaayusan ng Diyos para sa mga mag-asawa. (1 Cor. 7:3, 4) Ang papel ng isang mahusay na asawang babae, tulad ng binabalangkas sa Bibliya, ay nagdidiin ng halaga niya sa sambahayan at sa komunidad. Ito’y naglalaan ng malawak na pagkakataon sa kaniya upang gamiting mabuti ang kaniyang kakayahan samantalang nagpapamalas ng kaniyang pagpapahalaga sa pagka-ulo ng kaniyang asawa. (Kaw. 31:10-31) Ang mga anak ay inuutusan ng Bibliya na igalang, hindi lamang ang kanilang ama, kundi pati ang kanilang ina. (Efe. 6:1-3) Nagbibigay din ito ng pantanging pansin sa mga pangangailangan ng mga babaing balo. (Sant. 1:27) Kaya, sa gitna ng tunay na mga Kristiyano, ang mga babae ay makasusumpong ng tunay na katiwasayan, tunay na pagpapahalaga sa sarili, at personal na kasiyahan sa kanilang gawain.
Ang dignidad ng babae sa kaayusan ng Diyos ay ipinakikita rin ng bagay na tinutukoy ni Jehova ang kaniyang sariling organisasyon ng tapat na espiritung nilalang bilang isang babae, kaniyang asawa, ang ina ng kaniyang mga anak. (Apoc. 12:1; Gal. 4:26) Gayundin, ang pinahiran-ng-espiritung kongregasyon ni Jesu-Kristo ay tinutukoy bilang kaniyang kasintahang babae. (Apoc. 19:7; 21:2, 9) At sa espirituwal na pangmalas ay walang pagkakaiba sa pagitan ng lalake at babae na kabilang doon sa mga tinatawag upang makibahagi sa makalangit na Kaharian kasama ni Kristo.—Gal. 3:26-28.
Ang mga babae ba’y dapat maging mga ministro?
Ang mga binibigyan ng atas na mangasiwa sa isang kongregasyon ayon sa Bibliya ay mga lalake. Ang 12 apostol ni Jesu-Kristo ay pawang mga lalake, at yaong mga hinirang noong dakong huli upang maging mga tagapangasiwa at ministeryal na lingkod sa mga kongregasyong Kristiyano ay mga lalake. (Mat. 10:1-4; 1 Tim. 3:2, 12) Ang mga babae ay pinapayuhan na “mag-aral na tumahimik na may buong pagkapasakop” sa mga pulong ng kongregasyon, anupa’t hindi sila magbabangon ng mga tanong na humahamon sa mga lalake sa kongregasyon. Ang mga babae ay ‘hindi dapat magsalita’ sa gayong mga pulong kung ang sasabihin nila’y magpapamalas ng kawalan ng pagpapasakop. (1 Tim. 2:11, 12; 1 Cor. 14:33, 34) Kaya, bagama’t ang mga babae ay malaki ang naitutulong sa gawain ng kongregasyon, walang kaayusan upang sila’y mangasiwa, o manguna sa pagtuturo sa kongregasyon, kapag may kuwalipikadong mga lalake na naroroon.
Nguni’t ang mga babae ba’y maaaring maging mangangaral, tagapagpahayag, ministro ng mabuting balita, kapag wala sa mga pulong ng kongregasyon? Noong Pentecostes ng 33 C.E. ibinuhos ang banal na espiritu kapuwa sa mga lalake at sa mga babae. Bilang paliwanag, si apostol Pedro ay sumipi ng Joel 2:28, 29, na nagsasabi: “ ‘Sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘ibubuhos ko ang aking espiritu sa bawa’t uri ng laman, at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manghuhula at ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain at ang inyong mga matatanda ay mananaginip ng mga panaginip; at maging sa aking mga aliping lalake at sa aking mga aliping babae ay ibubuhos ko ang aking espiritu sa araw na yaon, at sila’y manghuhula.’ ” (Gawa 2:17, 18) Sa gayunding paraan, ang mga babae sa ngayon ay may-kawastuang nakikibahagi sa ministeryong Kristiyano, nangangaral
-