-
Mga Saksi ni JehovaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
natin upang tulungan ang mga tao na maikapit ang mga simulain ng Bibliya sa kanilang buhay upang marating ang pinakaugat ng suliranin sa isang personal na paraan; gayon din, kung ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos, at kung bakit ito ang magiging walang-hanggang kalutasan ng suliranin para sa sangkatauhan.)’
O maaari ninyong sabihin: ‘(Matapos masaklaw ang mga punto sa sagot sa itaas . . .) Ang ibang tao ay tumutulong sa pagpapaunlad ng komunidad sa pamamagitan ng pag-aabuloy ng salapi; ang iba nama’y sa pamamagitan ng kusang pag-aalok ng kanilang paglilingkod. Ang dalawang ito ay parehong ginagawa ng mga Saksi ni Jehova. Hayaan ninyong ipaliwanag ko.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Upang maging isa sa mga Saksi ni Jehova, ang isa ay dapat na buong-pusong magbayad ng kaniyang buwis; ito ay naglalaan ng salapi upang maipagkaloob ng pamahalaan ang kinakailangang mga paglilingkod.’ (2) ‘Higit pa rito ang ginagawa namin, dumadalaw kami sa tahanan ng mga tao, at inaalok sila na mag-aral ng Bibliya nang walang bayad. Kapag natutuhan nila kung ano ang sinasabi ng Bibliya, natututo silang magkapit ng mga simulain ng Bibliya at sa gayo’y nakakayanan ang kanilang mga suliranin.’
Isa pang posibilidad: ‘Nagagalak ako at nabanggit ninyo ang bagay na ito. Maraming tao ay hindi kailanman nagtatanong kung ano ba ang aktuwal na ginagawa ng mga Saksi kaugnay ng mga gawaing pangkomunidad. Maliwanag na hindi lamang iisa ang paraan upang ang isa’y makatulong.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Ang iba ay gumagawa nito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga institusyon—mga ospital, tahanan para sa mga may-edad, pagamutan para sa mga sugapa sa droga, at iba pa. Ang iba’y nagkukusang dumalaw mismo sa mga tahanan upang makapag-alok ng kinakailangang tulong sa abot ng makakaya nila. Ito mismo ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova.’ (2) ‘Natuklasan namin na mayroong isang bagay na maaaring makapagpabago sa buong pangmalas ng isang tao sa buhay, at ito ay ang kaalaman sa kung ano ang tunay na layunin ng buhay ayon sa Bibliya at kung ano ang inilalaan ng hinaharap.’
Isang karagdagang mungkahi: ‘Pinahahalagahan ko ang inyong pagtatanong. Gusto nating bumuti ang mga kalagayan, hindi po ba? Matanong ko kayo, Ano ang nadadama ninyo hinggil sa ginawa mismo ni Jesu-Kristo? Masasabi ba ninyo na ang paraan ng pagtulong niya sa mga tao ay praktikal? . . . Sinisikap naming sundin ang kaniyang halimbawa.’
‘Ang mga Kristiyano ay dapat maging mga Saksi ni Jesus, hindi ni Jehova’
Maaari kayong sumagot: ‘Kawiliwili ang punto na inyong ibinangon. At tama kayo sa pagsasabing may pananagutan tayo na maging mga saksi ukol kay Jesus. Iyon ang dahilan kung bakit ang papel ni Jesus sa layunin ng Diyos ay idinidiin sa aming mga babasahin. (Baka nais ninyong gamitin ang isang kasalukuyang aklat o magasin upang itanghal ito.) Subali’t narito ang isang bagay na baka bago sa inyong pandinig. (Apoc. 1:5) . . . Kanino naging “Saksing Tapat” si Jesus? (Juan 5:43; 17:6) . . . Inilaan ni Jesus ang halimbawa na dapat nating tularan, hindi po ba? . . . Bakit napakahalaga na makilala kapuwa si Jesus at ang kaniyang Ama? (Juan 17:3)’
-
-
SanlibutanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Sanlibutan
Kahulugan: Kapag isinalin mula sa Griyegong salitang kosʹmos, ang “sanlibutan” ay maaaring mangahulugang (1) ang sangkatauhan bilang kabuuan, maging anoman ang kanilang kalagayan sa moral o paraan ng pamumuhay, (2) ang pangkalahatang mga kalakaran ng tao kung saan ang isa’y ipinanganak at namumuhay, o (3) ang karamihan sa sangkatauhang hiwalay sa sinang-ayunang mga lingkod ni Jehova. Ang ilang mga tagapagsalin ng Bibliya ay nakapagbigay ng maling impresyon sa pamamagitan ng paggamit ng “sanlibutan” bilang katumbas ng mga salitang Griyego para sa “lupa,” “tinatahanang lupa,” at “sistema ng mga bagay.” Ang sumusunod na pagtalakay ay pangunahing nagbibigay-pansin sa ikatlo sa mga kahulugan ng “sanlibutan” na ibinigay sa itaas.
Ang sanlibutan ba’y lilipulin ng apoy?
2 Ped. 3:7: “Sa pamamagitan ng salita ring ito [ng Diyos] ang sangkalangitan at ang lupa sa ngayon ay iniingatan sa apoy at itinataan sa araw ng paghuhukom at sa paglipol ng mga taong masama.” (Pansinin na ang “mga taong masama,” hindi ang buong sangkatauhan, ang lilipulin. Tulad din nito, tinutukoy ng 2Ped 3 talatang 6 ang pagpuksa sa “sanlibutan” noong kaarawan ni Noe. Ang mga balakyot ay nalipol, subali’t ang lupa at si Noe at kaniyang sambahayan ay nanatili. Ang “apoy” ba sa darating na araw ng paghuhukom ay magiging literal, o yaon ba’y isang sagisag ng lubos na pagkalipol? Ang literal na apoy ba’y may epekto sa literal na mga bagay sa langit tulad sa napakainit na araw at mga bituin? Para sa karagdagang pagtalakay sa tekstong ito, tingnan ang mga pahina 228-230, sa ilalim ng “Lupa.”)
Kaw. 2:21, 22: “Ang matuwid ang tatahan sa lupa, at ang walang sala ang mamamalagi roon. Nguni’t ang mga balakyot ay
-