-
Espiritu ng SanlibutanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
hinikayat niyang gawin ang isang bagay na nakasira sa kaniyang kaugnayan sa Diyos. (Gen. 3:6; 1 Juan 2:16) Buong higpit na tinanggihan ni Jesus ang gayong tukso. (Mat. 4:8-10) Yaong mga nagnanais na makalugod kay Jehova ay kailangang mag-ingat upang huwag silang mahawa ng gayong espiritu dahil sa komersiyalismo ng sanlibutan. Malaking hinagpis at espirituwal na kapinsalaan ang dinadanas niyaong mga nasisilo nito.—Mat. 13:22; 1 Tim. 6:7-10.
Pagpapasikat dahil sa mga tinatangkilik at di-umano’y tagumpay na nakamit ng isa
Ang paggawing ito ay “sa sanlibutan” din at kailangang iwaksi ng mga nagiging lingkod ng Diyos. (1 Juan 2:16) Nag-uugat ito sa pagmamataas, at sa halip na patibayin ang iba sa espirituwal, sila’y ibinubuyo nito tungo sa paghahangad na umunlad sa materyal at asamin ang makasanlibutang pagsulong.—Roma 15:2.
Pagbubulalas ng damdamin sa pamamagitan ng mapanlait na pananalita at marahas na mga pagkilos
Ang mga ito’y “mga gawa ng laman” na pinaglalabanan ng maraming tao. Sa tulong ng tunay na pananampalataya at ng espiritu ng Diyos ay maaari nilang daigin ang sanlibutan sa halip na sila ang daigin ng espiritu nito.—Gal. 5:19, 20, 22, 23; Efe. 4:31; 1 Cor. 13:4-8; 1 Juan 5:4.
Paglalagak ng pag-asa at pagkakaroon ng takot sa nagagawa ng mga tao
Ang itinuturing na mahalaga ng isang pisikal na tao ay yaon lamang kaniyang nakikita at nahihipo. Ang kaniyang mga inaasahan at kinatatakutan ay ang mga pangako at pagbabanta ng ibang mga tao. Umaasa siya sa mga pinuno ukol sa tulong at nasisiphayo siya kapag sila’y nabigo. (Awit 146:3, 4; Isa. 8:12, 13) Sa kaniya, ganito na lamang ang buhay. Madali siyang mabihag ng mga banta ng kamatayan. (Bilang kabaligtaran, tingnan ang Mateo 10:28; Hebreo 2:14, 15.) Nguni’t isang bagong puwersa ang nagpapakilos sa kaisipan ng mga nakakakilala kay Jehova, na ang isip at puso ay pinupuno ng kaniyang mga pangako at sa kaniya humihingi ng tulong sa bawa’t pangangailangan.—Efe. 4:23, 24; Awit 46:1; 68:19.
Pag-uukol sa mga tao at mga bagay ng pagsambang nararapat iukol lamang sa Diyos
“Ang diyos ng pamamalakad na ito ng mga bagay,” si Satanas na Diyablo, ay nagpapangyari ng iba’t ibang pamamaraan upang iligaw ang bigay-Diyos na hilig ng mga tao na sumamba. (2 Cor. 4:4) May mga tagapamahala na itinuring na diyos. (Gawa 12:21-23) Angaw-angaw ang yumuyukod sa mga idolo. Dinidiyos ng angaw-angaw pa ang mga artista at tanyag na mga manlalaro. Madalas na sa mga pagdiriwang ay pinag-uukulan ng labis na pagdangal ang indibiduwal na mga tao. Totoong laganap ang espiritung ito anupa’t kailangang maging mapagbantay araw-araw sa impluwensiya nito ang mga tunay na umiibig kay Jehova at nagnanais mag-ukol sa kaniya ng bukod-tanging pagsamba.
-
-
HulaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Hula
Kahulugan: Isang kinasihang mensahe; isang kapahayagan ng banal na kalooban at layunin. Ang hula ay maaaring maging isang prediksiyon ng bagay na darating, isang kinasihang aral tungkol sa moral, o isang kapahayagan ng isang banal na kautusan o kahatulan.
Alin sa mga hulang nakaulat sa Bibliya ang natupad na?
Para sa ilang halimbawa, tingnan ang mga paksang “Bibliya,” “Mga Huling Araw,” at “Mga Petsa,” gayundin ang aklat na “All Scripture Is Inspired of God and Beneficial,” mga pahina 343-346.
Ano ang ilan sa pangunahing mga hula ng Bibliya na matutupad pa?
1 Tes. 5:3: “Pagka sinasabi nila: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak na gaya ng pagdaramdam ng isang babaing nagdadalang-tao; at hindi sila makatakas sa anomang paraan.”
Apoc. 17:16: “Ang sampung sungay na iyong nakita, at ang mabangis na hayop, ay siyang mapopoot sa patutot [Babilonyang Dakila] at siya’y pagluluray-lurayin at huhubaran, at kakainin ang kaniyang laman at siya’y lubos na susupukin ng apoy.”
Ezek. 38:14-19: “Sabihin mo kay Gog, ‘Ganito ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Sa araw na ang aking bayang [espirituwal na] Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman? At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa kaduluduluhang bahagi ng hilagaan, ikaw at ang maraming tao na kasama mo . . . ” “At mangyayari sa araw na yaon, pagka si
-