-
PagsasariliNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
dito ay sasa iyo ang poot mula sa harap ni Jehova.”—2 Cron. 19:1, 2.
Sino ang humikayat sa mga tao upang makadama ng kalayaan na gawin ang sarili nilang mga pasiya nang hindi na isinasaalang-alang ang mga utos ng Diyos?
Gen. 3:1-5: “Ang ahas [na siyang ginamit ni Satanas bilang tagapagsalita; tingnan ang Apocalipsis 12:9] . . . ay nagsabi sa babae: ‘Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain sa alinmang punong-kahoy sa halamanan?’ Sumagot ang babae sa ahas: ‘Sa bunga ng mga punong-kahoy sa halamanan ay makakakain kami. Datapuwa’t sa bunga ng punong-kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Diyos, “Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay.” ’ Subali’t sinabi ng ahas sa babae: ‘Tunay na hindi kayo mamamatay. Sapagka’t talastas ng Diyos na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat ang inyong mga mata at kayo’y magiging gaya ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.’ ”
Anong espiritu ang nagpapakilos sa isa kapag niwawalang-bahala niya ang kalooban ng Diyos upang masunod ang kaniyang personal na mga hangarin?
Efe. 2:1-3: “Kayo ang binuhay ng Diyos bagama’t kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalansang at mga kasalanan, na inyong nilakaran noong una ayon sa sistema ng mga bagay ng sanlibutang ito [na pinaghaharian ni Satanas], ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway. Oo, sa gitna ng mga yaon tayong lahat noong una ay namuhay ayon sa kahalayan ng ating laman, na ginagawa ang mga pita ng laman at ng pag-iisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng iba.”
Anong malasariling mga saloobin ang dapat iwasan niyaong mga nag-aangking naglilingkod sa Diyos?
Kaw. 16:18: “Ang pagpapalalo ay sinusundan ng kapahamakan, at ang mapagmataas na kaisipan ay sinusundan ng pagkabuwal.”
Kaw. 5:12: “Iyo ngang sasabihin: ‘Kinapootan ko ang disiplina at ang puso ko’y humamak sa saway!’ ” (Gaya ng ipinakikita ng konteksto, ang isa ay maaaring akayin ng ganitong saloobin sa malulubhang mga suliranin.)
Bil. 16:3: “Kaya, sila’y nangagpisan laban kina Moises at Aaron [na siyang ginamit ni Jehova bilang mga tagapangasiwa ng kaniyang bayan] at nagsabi sa kanila: ‘Tumigil na kayo, hindi ba’t ang buong kapisanan ay pawang mga banal at si Jehova ay nasa gitna nila? Bakit ba ninyo itinatanghal ang inyong mga sarili sa kapisanan ni Jehova?’ ”
Jud. 16: “Ang mga ito’y mga mapagbulong, mapagreklamo hinggil sa kalagayan nila sa buhay, na nangagsisilakad ayon sa kanilang sariling mga hangarin, at ang kanilang mga bibig ay nangagsasalita ng mga papuri, samantalang sila’y humahanga sa mga pagkatao ukol sa sarili nilang pakinabang.”
3 Juan 9: “Si Diotrepes, na gustong mapatanyag sa kanilang lahat, ay hindi tumatanggap ng anoman sa amin nang may pagpipitagan.”
Kaw. 18:1: “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay humahanap ng sarili niyang nasa; lumalaban siya sa lahat ng magaling na karunungan.”
Sant. 4:13-15: “Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi: ‘Ngayon o bukas ay maglalakbay kami sa gayong bayan at titira kami doon nang isang taon, at kami’y mangangalakal at tutubo,’ gayong hindi ninyo nalalaman kung ano ang magiging buhay ninyo bukas. Sapagka’t kayo nga’y isang singaw na lumilitaw sa sandaling panahon at pagdaka’y napapawi. Sa halip, ang dapat ninyong sabihi’y: ‘Kung loloobin ni Jehova, ay mangabubuhay kami at gagawin namin ang ganito o ganoon.’ ”
Kapag ang paghahangad sa kasarinlan ay umakay sa isa upang tularan ang sanlibutang nasa labas ng kongregasyong Kristiyano, kaninong pamumuno siya nagpapasakop? At papaano ito minamalas ng Diyos?
1 Juan 2:15; 5:19: “Huwag ninyong iibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nangasa sanlibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanlibutan, ay wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama.” “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.”
Sant. 4:4: “Sinoman ngang mag-ibig na maging kaibigan ng sanlibutan ay ginagawa ang kaniyang sarili na isang kaaway ng Diyos.”
-
-
PamahalaanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pamahalaan
Kahulugan: Ang kaayusan ukol sa paglikha at pagpapatupad ng mga batas. Ang mga pamahalaan ay madalas inuuri ayon sa pinagmulan at lawak ng kanilang autoridad. Ang Diyos na Jehova ang Pansansinukob na Tagapamahala, na nagkakaloob ng autoridad sa iba ayon sa kaniyang kalooban at layunin. Gayumpaman, si Satanas na Diyablo, ang pangunahing rebelde laban sa kapamahalaan ni Jehova, ay “pinuno ng sanlibutan”—at ito’y ayon sa pagpapahintulot ng Diyos sa isang limitadong yugto ng panahon. Inilalarawan ng Bibliya ang
-