Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagsasarili
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Jud. 16: “Ang mga ito’y mga mapagbulong, mapagreklamo hinggil sa kalagayan nila sa buhay, na nangagsisilakad ayon sa kanilang sariling mga hangarin, at ang kanilang mga bibig ay nangagsasalita ng mga papuri, samantalang sila’y humahanga sa mga pagkatao ukol sa sarili nilang pakinabang.”

      3 Juan 9: “Si Diotrepes, na gustong mapatanyag sa kanilang lahat, ay hindi tumatanggap ng anoman sa amin nang may pagpipitagan.”

      Kaw. 18:1: “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay humahanap ng sarili niyang nasa; lumalaban siya sa lahat ng magaling na karunungan.”

      Sant. 4:13-15: “Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi: ‘Ngayon o bukas ay maglalakbay kami sa gayong bayan at titira kami doon nang isang taon, at kami’y mangangalakal at tutubo,’ gayong hindi ninyo nalalaman kung ano ang magiging buhay ninyo bukas. Sapagka’t kayo nga’y isang singaw na lumilitaw sa sandaling panahon at pagdaka’y napapawi. Sa halip, ang dapat ninyong sabihi’y: ‘Kung loloobin ni Jehova, ay mangabubuhay kami at gagawin namin ang ganito o ganoon.’ ”

      Kapag ang paghahangad sa kasarinlan ay umakay sa isa upang tularan ang sanlibutang nasa labas ng kongregasyong Kristiyano, kaninong pamumuno siya nagpapasakop? At papaano ito minamalas ng Diyos?

      1 Juan 2:15; 5:19: “Huwag ninyong iibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nangasa sanlibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanlibutan, ay wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama.” “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.”

      Sant. 4:4: “Sinoman ngang mag-ibig na maging kaibigan ng sanlibutan ay ginagawa ang kaniyang sarili na isang kaaway ng Diyos.”

  • Pamahalaan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pamahalaan

      Kahulugan: Ang kaayusan ukol sa paglikha at pagpapatupad ng mga batas. Ang mga pamahalaan ay madalas inuuri ayon sa pinagmulan at lawak ng kanilang autoridad. Ang Diyos na Jehova ang Pansansinukob na Tagapamahala, na nagkakaloob ng autoridad sa iba ayon sa kaniyang kalooban at layunin. Gayumpaman, si Satanas na Diyablo, ang pangunahing rebelde laban sa kapamahalaan ni Jehova, ay “pinuno ng sanlibutan”​—at ito’y ayon sa pagpapahintulot ng Diyos sa isang limitadong yugto ng panahon. Inilalarawan ng Bibliya ang pangglobong sistema ng makapolitikang pamamahala bilang isang mabangis na hayop at sinasabing “ibinigay ng dragon [si Satanas na Diyablo] sa hayop ang kaniyang kapangyarihan at kaniyang luklukan at dakilang kapamahalaan.”​—Juan 14:30; Apoc. 13:2; 1 Juan 5:19.

      Posible ba para sa mga tao na magtatag ng isang pamahalaan na talagang magdudulot ng walang-hanggang kaligayahan?

      Ano ang ipinakikita ng ulat ng kasaysayan ng tao?

      Ecles. 8:9: “Pinangibabawan ng tao ang kaniyang kapuwa sa ikapapahamak nito.” (Totoo ito bagaman sa pasimula ang ibang pamahalaan at tagapamahala ay may matatayog na mithiin.)

      “Bawa’t umiral na kabihasnan ay naguho sa kalaunan. Ang kasaysayan ay isang salaysay ng mga bigong pagsisikap, o mga hangarin na hindi natupad. . . . Kaya, bilang isang mananalaysay, ang isa ay kailangang mabuhay taglay ang pag-asam-asam sa isang di-maiiwasang kapahamakan.”​—Henry Kissinger, makapolitikang siyentista at propesor ng pamahalaan, ayon sa pagkakasipi sa The New York Times, Oktubre 13, 1974, p. 30B.

      Ano ang humadlang sa mga pagsisikap ng tao sa larangan ng pamahalaan?

      Jer. 10:23: “Tunay na aking talastas, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa ganang kaniyang sarili. Hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.” (Hindi pinahintulutan ng Diyos na iguhit ng kaniyang mga taong nilalang ang kanilang sariling landasin nang hiwalay sa Diyos.)

      Gen. 8:21: “Ang hilig ng puso ng tao ay masama buhat pa sa kaniyang pagkabata.” (Kapuwa ang mga tagapamahala at yaong mga pinamamahalaan ay ipinanganak sa pagkakasala, taglay ang mapag-imbot na mga hilig.)

      2 Tim. 3:1-4: “Sa mga huling araw ay darating ang mapanganib na mga panahon. Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, . . . mahirap makasundo, . . . mga palalo.” (Ang mga suliraning napapaharap sa sangkatauhan ngayon ay hindi lubusang malulutas ng iisa lamang bansa; humihiling ito ng ganap na pandaigdig na pagtutulungan. Subali’t ang mapag-imbot na mga kapakanan ay humahadlang dito at nakakasagabal sa alinmang tunay na pagtutulungan sa pagitan ng iba’t-ibang mga organisasyon sa gitna ng mga bansa.)

      Isinisiwalat din ng Bibliya na may mga puwersang nakahihigit sa tao na nagmamaneobra sa mga kapakanan ng tao. “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.” (1 Juan 5:19) “Tayo ay may pakikipagpunyagi, hindi laban sa dugo at laman, kundi laban . . . sa makasanlibutang mga pinuno ng kadiliman, laban sa balakyot na mga espiritung hukbo sa makalangit na mga dako.” (Efe. 6:12) “Mga kapahayagang kinasihan ng mga demonyo . . . at kanilang pinaparoonan ang mga hari sa buong tinatahanang lupa, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”​—Apoc. 16:14.

      Papaano maaaring lubusang mapalaya ang mga tao mula sa katiwalian at pang-aapi ng mga pamahalaan?

      Malulutas ba ang suliranin kung hahalinhan ang mga taong nanunungkulan?

      Hindi ba totoo na kung saan may malayang mga halalan ang mga nasa kapangyarihan ay naaalis sa tungkulin pagkaraan lamang ng ilang taon? Bakit? Ang nakararami ay hindi nasisiyahan sa kanilang pagganap.

      Awit 146:3, 4: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga mahal na tao, ni sa anak ng makalupang tao, na hindi makapagliligtas. Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw, siya’y nagbabalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay nawawala ang kaniyang pag-iisip.” (Kaya, ang alinmang palatuntunan sa pag-unlad na pinasisimulan ng mga pinuno ay naililipat sa ibang kamay at kadalasa’y hindi na naipagpapatuloy.)

      Kahit sino pa ang namamahala, bahagi pa rin siya ng sanlibutan na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas.​—1 Juan 5:19.

      Marahas na himagsikan ba ang sagot?

      Alisin man ang tiwaling mga tagapamahala at lansagin ang di-makatarungang mga batas, ang bagong ihahaliling pamahalaan ay bubuuin pa rin ng hindi sakdal na mga tao at magiging bahagi pa rin ng makapolitikang sistema na maliwanag na sinasabi ng Bibliya na nasa ilalim ng panunupil ni Satanas.

      Mat. 26:52: “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito, sapagka’t lahat ng nangagtatangan ng tabak ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak.” (Sinabi ito ni Jesus sa isa sa kaniyang mga apostol nang ang makapamahalaang autoridad ay ginamit nang walang katarungan laban sa mismong Anak ng Diyos. May mas marangal pa kayang layunin na maaaring ipaglaban ng isa, kung ito nga ang siyang karapatdapat gawin?)

      Kaw. 24:21, 22: “Anak ko, matakot ka kay Jehova at sa hari. Sa mga naghahangad ng pagbabago ay huwag kang makikialam. Sapagka’t ang kapahamakan nila ay biglang sasapit, at sino ang nakakaalam tungkol sa pagkalipol niyaong mga naghahangad ng pagbabago?”

      Ano, kung gayon, ang sagot sa mga suliranin ng katiwalian at pang-aapi?

      Dan. 2:44: “Ang Diyos sa langit ay magtatayo ng isang kaharian [isang pamahalaan] na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian mismo ay hindi ipagkakaloob sa ibang bayan. Pagdudurugdurugin at wawakasan nito ang lahat ng mga kahariang ito at ito lamang ang mananatili magpakailanman.”

      Awit 72:12-14: “Kaniyang [ang inatasang hari ni Jehova, si Jesu-Kristo] ililigtas ang dukhang dumaraing, at ang nagdadalamhati nang walang katulong. Siya’y maaawa sa dukha at maralita, at ililigtas niya ang mga kaluluwa ng mapagkailangan. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa mula sa pang-aapi at karahasan, at ang kanilang dugo ay magiging mahalaga sa kaniyang paningin.” (Ang pagmamalasakit niya ukol sa gayong mga tao nang siya’y nasa lupa​—ang kaniyang pagpapagaling sa kanila, pagpapakain sa mga pulutong, at maging ang paghahandog ng sarili niyang buhay alang-alang sa kanila​—ay nagtatanghal ng kakayahan niya sa pagiging isang tagapamahala na gaya ng isinasaad sa hula.)

      Tingnan din ang mga pahina 88-93, sa ilalim ng pamagat na “Kaharian.”

      Bakit nararapat nating isaalang-alang nang may kataimtiman ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa kinabukasan ng pamahalaan?

      Hindi nailalaan ng mga pinuno ang mga mahihigpit na pangangailangan ng tao

      Isaalang-alang ang mga bagay na ito na kailangang-kailangan ng mga tao saanman, na hindi nailalaan ng mga pamahalaan ng tao subali’t siyang mga ipinangangako ng Diyos: (1) Buhay sa isang daigdig na malaya sa banta ng digmaan.​—Isa. 2:4; Awit 46:9, 10. (2) Sapat na pagkain para sa lahat.​—Awit 72:16. (3) Maalwang pagpapabahay para sa lahat.​—Isa. 65:21. (4) Kasiyasiyang hanapbuhay para sa mga nangangailangan nito, upang paglaanan ang kanilang sarili at mga kasambahay.​—Isa. 65:22. (5) Buhay na hindi pinipinsala ng sakit at karamdaman.​—Apoc. 21:3, 4. (6) Katarungan; kalayaan mula sa pagtatangi dahil sa relihiyon, lahi, kabuhayan at bansa.​—Isa. 9:7; 11:3-5. (7) Pagtatamasa ng katiwasayan, nang walang panganib sa katawan o ari-arian mula sa mga kriminal.​—Mik. 4:4; Kaw. 2:22. (8) Isang daigdig na kung saan ang mga katangiang higit na pinahahalagahan ay gaya ng pag-ibig, kabaitan, pagmamalasakit sa kapuwa, at katapatan.​—Awit 85:10, 11; Gal. 5:22, 23.

      Sa nakalipas na libu-libong taon, ang mga mamamayan ay pinangakuan na ng kanilang makapolitikang mga tagapamahala ng mas mabubuting kalagayan. Nguni’t ano ang resulta? Bagaman ang mga naninirahan sa ilang bansa ay mas maraming materyal na ari-arian, hindi sila higit na maligaya, at ang mga suliraning napapaharap sa kanila ay higit na masalimuot kailanman.

      Ang mga hula ng Bibliya ay napatunayang lubusang maaasahan

      Isang daang taon patiuna inihula ng Salita ng Diyos ang paglitaw ng Babilonya sa pandaigdig na katanyagan, at kung papaanong ang kapangyarihan nito ay mawawasak sa kalaunan, at na, minsang ito’y magiba, ang kabisera nito ay hindi na kailanman pananahanan. (Isa. 13:17-22) Halos dalawang siglong patiuna, nang hindi pa naisisilang si Ciro, inihula na siya ng Bibliya sa pangalan pati na ang kaniyang magiging papel sa pandaigdig na mga pangyayari. (Isa. 44:28; 45:1, 2) Bago naging pandaigdig na kapangyarihan ang Medo-Persiya, inihula na ang pagsulong nito, ang tambalang katangian nito, at kung papaano ito magwawakas. Mahigit na dalawang siglong patiuna, ang landasin ng pandaigdig na kapangyarihan ng Gresya sa ilalim ng unang hari nito ay naihula, pati na ang kasunod na pagkakahati ng imperyo sa apat na bahagi.​—Dan. 8:1-8, 20-22.

      Buong detalyeng inihula ng Bibliya ang pandaigdig na mga kalagayan sa ating kaarawan, at itinatawag-pansin sa atin na lahat ng pamahalaan ng tao ay magwawakas sa mga kamay ng Diyos at na ang Kaharian ng Diyos sa mga kamay ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ang siyang mamamahala sa buong sangkatauhan.​—Dan. 2:44; 7:13, 14.

      Hindi ba magiging katalinuhan ang makinig sa bukal na ito ng impormasyon na paulit-ulit nang napatunayan na maaasahan?

      Ang pamamahala ng Diyos ang tanging tunay na lunas sa mga suliranin ng sangkatauhan

      Ang mga suliraning dapat malutas ay nangangailangan ng kapangyarihan, mga kakayahan at mga katangian na hindi taglay ng tao. Mapalalaya ng Diyos ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ng Diyablo at ng kaniyang mga demonyo, at ipinangako Niya ito, bagay na hindi magagawa ng sinomang tao. Gumawa ang Diyos ng paglalaan upang gawin ang kailanma’y hindi pa nagawa ng siyensiya ng medisina​—ang pag-aalis ng kasalanan, sa gayo’y winawakasan ang pagkakasakit at kamatayan upang ang mga tao ay maging uri ng mga persona na siyang talagang hinahangad nila. Taglay ng Maylikha ang kinakailangang kaalaman (hinggil sa lupa at lahat ng pamamaraan ng buhay) upang malutas ang mga suliranin ng paglalaan ng pagkain at upang mahadlangan ang mapanganib na polusyon, subali’t ang mga pagsisikap ng tao ay lalo lamang nagpapalubha sa suliranin. Ngayon pa’y binabago na ng Salita ng Diyos ang mga buhay anupa’t yaong mga tumutugon sa pag-akay nito ay nagiging mababait, maibiging mga tao na may matatayog na moral, isang lipunan ng mga tao na tumatangging humawak ng sandata laban sa kanilang kapuwa at na nabubuhay sa tunay na kapayapaan at pagkakapatiran bagaman sila’y buhat sa lahat ng bansa, lahi at wika.

      Kailan wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang kasalukuyang pamamalakad sa daigdig? Tingnan ang mga paksang “Mga Petsa” at “Mga Huling Araw.”

  • Pampatibay-loob
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pampatibay-loob

      Kahulugan: Isang bagay na nagbibigay ng tibay-loob o nagdudulot ng pag-asa. Lahat ay nangangailangan ng pampatibay-loob. Ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng pag-uukol ng personal na tulong o ng pagpapahayag ng pagpapahalaga. Madalas itong nagsasangkot ng pagtulong sa isa upang makita niya kung papaano haharapin ang isang mahirap na kalagayan o kaya’y ng pag-uusap kung bakit maaari tayong magtiwala sa isang higit na mabuting hinaharap. Ang Bibliya ay naglalaan ng pinakamagaling na saligan ukol sa pampatibay-loob na ito, at ang mga tekstong sinisipi sa ibaba ay malaki ang maitutulong sa mga taong napapaharap sa iba’t-ibang situwasyon. Madalas na ang pagiging madamayin lamang ay malaki na ang nagagawa.​—Roma 12:15.

      Para sa mga dumaranas ng pagsubok dahil sa KARAMDAMAN​—

      Apoc. 21:4, 5: “ ‘Papahirin [ng Diyos] ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at mawawala na ang kamatayan, pati na ang dalamhati at ang panambitan at ang hirap. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ At Siyang nakaluklok sa luklukan ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.’ At sinabi pa niya: ‘Isulat mo, sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’ ”

      Mat. 9:35: “Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo . . . at nangangaral ng mabuting balita ng kaharian at nagpapagaling ng sarisaring sakit at ng sarisaring kapansanan.” (Sa pag-uugnay niya ng pagpapagaling sa pangangaral niya tungkol sa Kaharian ay naglaan si Jesus ng isang kagilagilalas na pananaw hinggil sa gagawin niya para sa sangkatauhan sa kaniyang Sanlibong-Taong Paghahari.)

      2 Cor. 4:13, 16: “Kami man ay nagsisisampalataya . . . Kaya nga hindi kami nanghihimagod, bagama’t ang aming pagkataong

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share