-
RaptureNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
bang malaman ang inyong paniniwala tungkol dito? . . . Anomang paksa ang pinag-uusapan, makabubuti kung ihambing ang ating paniniwala sa sinasabi mismo ng Bibliya. (Gamitin ang angkop na mga bahagi ng materyal sa itaas.)’
O maaari ninyong sabihin: ‘May nagpaliwanag sa akin na ang rapture ay isang paraan upang maitakas ang mga Kristiyano. Marami ang naniniwala na ito ang paraan ng pagtakas sa dumarating na malaking kapighatian. Ito rin ba ang inyong paniniwala?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Talagang gusto nating makamit ang proteksiyon ng Diyos sa panahong yaon, at may nakita akong ilang nakapagpapatibay na mga teksto na nagpapakita kung paano natin makakamit ito. (Zef. 2:3)’ (2) ‘Ipinakikita ng Bibliya na ang ilang mga tapat ay iingatan ng Diyos dito mismo sa lupa. (Kaw. 2:21, 22) Ito’y kaayon ng layunin ng Diyos nang una niyang lalangin si Adan at ilagay siya sa Paraiso, hindi ba?’
Isa pang posibilidad: ‘Marahil ang ibig ninyong sabihin kapag binanggit ang rapture ay na ang mga Kristiyanong nabubuhay sa katapusan ng sistema ng mga bagay ay dadalhin sa langit, hindi ba? . . . Naisip na ba ninyo kung ano ang gagawin nila pagdating sa langit? . . . Pansinin ang sinasabi ng Apocalipsis 20:6 (at Apo 5:9, 10). . . . Nguni’t sino ang pamamahalaan nila? (Awit 37:10, 11, 29)’
-
-
ReinkarnasyonNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Reinkarnasyon
Kahulugan: Ang paniniwala na ang isa ay isinisilang na muli sa isa o higit pang sunud-sunod na pag-iral, maaaring bilang tao o hayop. Kadalasan ang sinasabing isinisilang-muli sa ibang katawan ay ang di-materyal na “kaluluwa.” Hindi itinuturo ng Bibliya.
Kung nadarama mo na parang dati nang pamilyar sa iyo ang mga bagong kakilala o dako, ito ba’y nagpapatunay na totoo ang reinkarnasyon?
Nangyari ba sa iyo na dalawang taong parehong nabubuhay ay naipagkamali mo sa isa’t isa? Marami ang nagkaroon ng gayong karanasan. Bakit? Sapagka’t may mga taong magkatulad ang ugali o halos magkamukha pa rin. Kaya ang pagkadama na dati mong kilala ang isang tao bagama’t noon mo lamang nakita ay hindi talagang nagpapatunay na siya’y nakilala mo sa di-umano’y naging unang buhay mo noon, hindi ba?
Bakit maaaring parang pamilyar sa iyo ang isang bahay o isang bayan samantalang noon ka pa lamang nakarating doon? Iyon ba’y sapagka’t doon ka nakatira sa nauna mong buhay? Maraming bahay ang itinatayo na may magkakahawig na disenyo. Ang muwebles na ginagamit kahit sa magkakalayong mga lunsod ay maaaring ginawa mula sa magkakahawig na mga plano. At hindi ba totoo na ang mga tanawin sa ilang magkakalayong mga dako ay halos magkakatulad? Kaya, madaling mauunawaan kung bakit parang pamilyar sa iyo ang ilang mga bagay, at hindi kailangang isipin na ito’y dahil sa reinkarnasyon.
Kapag naalaala mo ang nakaraang buhay sa ibang panahon at dako sa ilalim ng hipnotismo, ito ba’y nagpapatunay na totoo ang reinkarnasyon?
Sa ilalim ng hipnosis, maraming impormasyong nakaimbak sa utak ang nailalabas. Pinalalabas ng mga hipnotista ang mga bagay na hindi karaniwang naaalaala. Subali’t, saan nanggagaling ang mga alaalang ito? Marahil ay may nabasa kang libro, may napanood na pelikula, o may natutuhan hinggil sa ilang mga tao sa telebisyon. Kung inilagay mo ang inyong sarili sa dako ng mga taong ito, maaaring lumikha ito ng mariing impresyon sa iyo, anupa’t para bagang ito’y sarili mong karanasan. Ang anomang aktuwal mong ginawa ay maaaring napakatagal na kung kaya’t nakalimutan mo na, nguni’t sa ilalim ng hipnosis ang karanasang ito ay maaaring ibalik sa alaala na para bang “ibang buhay” ang nagugunita mo. Subali’t, kung totoo iyon, hindi ba dapat na lahat ng tao ang may gayong mga alaala? Nguni’t hindi lahat ay gayon. Kapansinpansin na dumarami ang mga korte suprema ng mga estado sa Estados Unidos na ayaw tanggapin ang anomang patotoo na ibinigay sa ilalim ng hipnotismo. Noong 1980 ang Korte Suprema ng Minnesota ay nagpahayag na “ipinahihiwatig ng pinaka-mahusay na katibayan na hindi kayang sabihin ng sinomang eksperto kung baga ang alaalang ibinalik sa pamamagitan ng hipnosis, o kahit bahagi man lamang sa alaalang iyon, ay katotohanan, kabulaanan, o kaya’y kathang-isip lamang—likha ng guni-guni lamang. Ang gayong mga resulta ay hindi maaaring pagkatiwalaan bilang makasiyentipikong kawastuan.” (State v. Mack, 292 N.W.2d 764) Ang isa pa ring salik sa hindi pagiging mapagkakatiwalaan nito ay ang impluwensiya ng mga mungkahing ibinibigay ng hipnotista sa hinipnotismo.
Ang paniniwala ba sa reinkarnasyon ay pinatutunayan ng Bibliya?
Ipinahihiwatig ba ng Mateo 17:12, 13 na totoo ang reinkarnasyon?
Mat. 17:12, 13: “[Sinabi ni Jesus:] ‘Naparito na si Elias, at
-