-
PamahalaanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Salita ng Diyos ang mga buhay anupa’t yaong mga tumutugon sa pag-akay nito ay nagiging mababait, maibiging mga tao na may matatayog na moral, isang lipunan ng mga tao na tumatangging humawak ng sandata laban sa kanilang kapuwa at na nabubuhay sa tunay na kapayapaan at pagkakapatiran bagaman sila’y buhat sa lahat ng bansa, lahi at wika.
Kailan wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang kasalukuyang pamamalakad sa daigdig? Tingnan ang mga paksang “Mga Petsa” at “Mga Huling Araw.”
-
-
Pampatibay-loobNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pampatibay-loob
Kahulugan: Isang bagay na nagbibigay ng tibay-loob o nagdudulot ng pag-asa. Lahat ay nangangailangan ng pampatibay-loob. Ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng pag-uukol ng personal na tulong o ng pagpapahayag ng pagpapahalaga. Madalas itong nagsasangkot ng pagtulong sa isa upang makita niya kung papaano haharapin ang isang mahirap na kalagayan o kaya’y ng pag-uusap kung bakit maaari tayong magtiwala sa isang higit na mabuting hinaharap. Ang Bibliya ay naglalaan ng pinakamagaling na saligan ukol sa pampatibay-loob na ito, at ang mga tekstong sinisipi sa ibaba ay malaki ang maitutulong sa mga taong napapaharap sa iba’t-ibang situwasyon. Madalas na ang pagiging madamayin lamang ay malaki na ang nagagawa.—Roma 12:15.
Para sa mga dumaranas ng pagsubok dahil sa KARAMDAMAN—
Apoc. 21:4, 5: “ ‘Papahirin [ng Diyos] ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at mawawala na ang kamatayan, pati na ang dalamhati at ang panambitan at ang hirap. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ At Siyang nakaluklok sa luklukan ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.’ At sinabi pa niya: ‘Isulat mo, sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’ ”
Mat. 9:35: “Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo . . . at nangangaral ng mabuting balita ng kaharian at nagpapagaling ng sarisaring sakit at ng sarisaring kapansanan.” (Sa pag-uugnay niya ng pagpapagaling sa pangangaral niya tungkol sa Kaharian ay naglaan si Jesus ng isang kagilagilalas na pananaw hinggil sa gagawin niya para sa sangkatauhan sa kaniyang Sanlibong-Taong Paghahari.)
2 Cor. 4:13, 16: “Kami man ay nagsisisampalataya . . . Kaya nga hindi kami nanghihimagod, bagama’t ang aming pagkataong labas [ang aming pisikal na katawan] ay humihina, nguni’t ang aming pagkataong loob ay nababago [o nabibigyan ng panibagong lakas] sa araw-araw.” (Maaaring humihina tayo sa pisikal na diwa. Subali’t sa espirituwal na paraan ay nababago tayo samantalang patuloy tayong pinalalakas ng mahahalagang pangako ng Diyos.)
Tingnan din ang Lucas 7:20-23.
Para sa mga inulila ng kanilang mahal sa buhay dahil sa KAMATAYAN—
Isa. 25:8, 9: “Sasakmalin niya ang kamatayan magpakailanman, at papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang luha mula sa lahat ng mga mukha. . . . At tiyak na may magsasabi sa araw na yaon: ‘Narito! Ito ang ating Diyos. Tayo ay umasa sa kaniya, at ililigtas niya tayo. Ito ay si Jehova. Umasa tayo sa kaniya. Mangagalak tayo at mangatuwa sa kaniyang pagliligtas.’ ”
Juan 5:28, 29: “Huwag ninyong ipanggilalas ito, sapagka’t dumarating ang oras na lahat niyaong nasa alaalang libingan ay makaririnig sa kaniyang tinig at magsisilabas, yaong mga nagsigawa ng mabuti ay sa pagkabuhay-muli sa buhay, yaong nagsigawa ng masama ay sa pagkabuhay-muli sa paghatol.”
Juan 11:25, 26: “Sinabi ni Jesus sa kaniya: ‘Ako ang pagkabuhay-muli at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay muling mabubuhay; at bawa’t nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamamatay kailan pa man. Sinasampalatayanan mo ba ito?’ ”
Awit 146:5, 9: “Maligaya ang isa . . . na ang pag-asa ay na kay Jehova na kaniyang Diyos. . . . Inaalalayan niya ang ulila at ang babaing balo.” (Ngayon pa lamang ay may gayong maibiging pagmamalasakit ang Diyos para sa mga namimighati.)
Tingnan din ang Lucas 7:11-16; 8:49-56.
Para sa mga napapaharap sa PAG-UUSIG dahil sa pagganap ng kalooban ng Diyos—
Awit 27:10: “Sakali mang pabayaan ako ng sarili kong ama o ng sarili kong ina, si Jehova mismo ang kukupkop sa akin.”
1 Ped. 4:16: “Nguni’t kung siya’y nagbabata bilang Kristiyano, ay huwag siyang mahihiya, kundi patuloy niyang luwalhatiin ang Diyos sa pangalang ito.”
Kaw. 27:11: “Anak ko, magpakatalino ka, at pasayahin mo ang aking puso, upang masagot ko siya na tumutuya sa akin.” (Sa pamamagitan ng katapatan ay naglalaan tayo ng sagot sa
-