Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Saksi ni Jehova
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • At tama kayo sa pagsasabing may pananagutan tayo na maging mga saksi ukol kay Jesus. Iyon ang dahilan kung bakit ang papel ni Jesus sa layunin ng Diyos ay idinidiin sa aming mga babasahin. (Baka nais ninyong gamitin ang isang kasalukuyang aklat o magasin upang itanghal ito.) Subali’t narito ang isang bagay na baka bago sa inyong pandinig. (Apoc. 1:5) . . . Kanino naging “Saksing Tapat” si Jesus? (Juan 5:43; 17:6) . . . Inilaan ni Jesus ang halimbawa na dapat nating tularan, hindi po ba? . . . Bakit napakahalaga na makilala kapuwa si Jesus at ang kaniyang Ama? (Juan 17:3)’

  • Sanlibutan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Sanlibutan

      Kahulugan: Kapag isinalin mula sa Griyegong salitang kosʹmos, ang “sanlibutan” ay maaaring mangahulugang (1) ang sangkatauhan bilang kabuuan, maging anoman ang kanilang kalagayan sa moral o paraan ng pamumuhay, (2) ang pangkalahatang mga kalakaran ng tao kung saan ang isa’y ipinanganak at namumuhay, o (3) ang karamihan sa sangkatauhang hiwalay sa sinang-ayunang mga lingkod ni Jehova. Ang ilang mga tagapagsalin ng Bibliya ay nakapagbigay ng maling impresyon sa pamamagitan ng paggamit ng “sanlibutan” bilang katumbas ng mga salitang Griyego para sa “lupa,” “tinatahanang lupa,” at “sistema ng mga bagay.” Ang sumusunod na pagtalakay ay pangunahing nagbibigay-pansin sa ikatlo sa mga kahulugan ng “sanlibutan” na ibinigay sa itaas.

      Ang sanlibutan ba’y lilipulin ng apoy?

      2 Ped. 3:7: “Sa pamamagitan ng salita ring ito [ng Diyos] ang sangkalangitan at ang lupa sa ngayon ay iniingatan sa apoy at itinataan sa araw ng paghuhukom at sa paglipol ng mga taong masama.” (Pansinin na ang “mga taong masama,” hindi ang buong sangkatauhan, ang lilipulin. Tulad din nito, tinutukoy ng 2Ped 3 talatang 6 ang pagpuksa sa “sanlibutan” noong kaarawan ni Noe. Ang mga balakyot ay nalipol, subali’t ang lupa at si Noe at kaniyang sambahayan ay nanatili. Ang “apoy” ba sa darating na araw ng paghuhukom ay magiging literal, o yaon ba’y isang sagisag ng lubos na pagkalipol? Ang literal na apoy ba’y may epekto sa literal na mga bagay sa langit tulad sa napakainit na araw at mga bituin? Para sa karagdagang pagtalakay sa tekstong ito, tingnan ang mga pahina 228-230, sa ilalim ng “Lupa.”)

      Kaw. 2:21, 22: “Ang matuwid ang tatahan sa lupa, at ang walang sala ang mamamalagi roon. Nguni’t ang mga balakyot ay

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share