Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Apostolikong Paghahalili
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • hinggil sa Trinitaryanismo, siya ay lumilisan sa yugto ng Kristiyanong pinagmulan tungo sa huling kapat na bahagi ng ikaapat na siglo.”​—New Catholic Encyclopedia (1967), Tomo XIV, p. 295.

      Pananatiling walang-asawa ng klero

      Si Papa Pablo VI, sa kaniyang liham na Sacerdotalis Caelibatus (Priestly Celibacy, 1967) ay sumang-ayon sa hindi pag-aasawa bilang isang kahilingan para sa mga klero, subali’t inamin niya na “ang Bagong Tipan na nag-iingat ng turo ni Kristo at ng mga Apostol . . . ay hindi hayagang nag-uutos na huwag mag-asawa ang banal na mga ministro . . . Si Jesus mismo ay hindi gumawa nito bilang isang kahilingan nang piliin Niya ang Labindalawa, ni hiniling ito ng mga Apostol para sa mga nangasiwa sa unang Kristiyanong mga komunidad.”​—The Papal Encyclicals 1958-1981 (Falls Church, Va.; 1981), p. 204.

      1 Cor. 9:5, NAB: “Wala ba tayong karapatan na pakasalan ang isang kapananampalatayang babae na gaya din naman ng ibang apostol at ng mga kapatid ng Panginoon at ni Cefas?” (Ang “Cefas” ay isang pangalang Aramaiko na ibinigay kay Pedro; tingnan ang Juan 1:42. Tingnan din ang Marcos 1:29-31, na kung saan tinutukoy ang biyenang babae ni Simon, o Pedro.)

      1 Tim. 3:2, Dy: “Kinakailangan nga, na ang isang obispo ay maging . . . asawa ng iisa lamang babae [“minsan lamang mag-aasawa,” NAB].”

      Bago ang kapanahunang Kristiyano, hiniling ng Buddhismo na huwag mag-asawa ang mga saserdote at monghe nito. (History of Sacerdotal Celibacy in the Christian Church, Londres, 1932, ikaapat na ed., nirebisa, Henry C. Lea, p. 6) Maaga pa rito, ang matataas na orden ng Babilonikong pagkasaserdote ay hinilingan na manatiling hindi nag-aasawa, ayon sa The Two Babylons ni A. Hislop.​—(Nueba York, 1943), p. 219.

      1 Tim. 4:1-3, JB: “Maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon ay may ilang tatalikod sa pananampalataya at pipiliin pang makinig sa mapandayang mga espiritu at mga doktrina na nagbubuhat sa mga diyablo; . . . sasabihin nila na bawal ang pag-aasawa.”

      Pagiging-hiwalay sa sanlibutan

      Si Papa Pablo VI, nang nagpapahayag sa Nagkakaisang mga Bansa noong 1965, ay nagsabi: “Ang mga tao sa lupa ay bumabaling sa Nagkakaisang mga Bansa bilang huling pag-asa ukol sa pagkakasundo at kapayapaan. Kalakip ang sariling Amin, ay lakas-loob naming inihaharap ngayon ang kanilang pag-uukol ng karangalan at pag-asa.”​—The Pope’ s Visit (Nueba York, 1965) Time-Life Special Report, p. 26.

      Juan 15:19, JB: “[Sinabi ni Jesu-Kristo:] Kung kabilang kayo sa sanlibutan, kayo’y mamahalin ng sanlibutan bilang kaniya; datapuwa’t palibhasa’y hindi kayo kabilang sa sanlibutan, dahil sa pinili ko kayo mula sa sanlibutan, kaya naman ang sanlibutan ay napopoot sa inyo.”

      Sant. 4:4, JB: “Hindi ba ninyo natatalos na ang pagiging kaibigan ng sanlibutan ay pagiging kaaway ng Diyos?”

      Pagtitiwala sa mga sandata ng digmaan

      Sumulat ang Katolikong historyador na si E. I. Watkin: “Masakit mang tanggapin, hindi natin, alang-alang sa di-umano’y katapatan, maitatanggi o maikakaila ang makasaysayang katotohanan na ang mga Obispo ay laging tumatangkilik sa lahat ng mga digmaan na itinataguyod ng pamahalaan ng kanilang bansa. Wala akong nalalamang kahit iisang pagkakataon na kung saan ang pambansang herarkiya ay humatol sa alinmang digmaan bilang di-makatarungan . . . Anoman ang opisyal na teoriya, sa gawa ang laging sinusunod ng mga Obispong Katoliko sa panahon ng digmaan ay ‘ang aking bansa ay laging tama.’ ”​—Morals and Missiles (Londres, 1959), pinamatnugutan ni Charles S. Thompson, p. 57, 58.

      Mat. 26:52, JB: “Kaya sinabi ni Jesus, ‘Ibalik mo ang iyong tabak, sapagka’t lahat ng humahawak ng tabak ay sa tabak mamamatay.’ ”

      1 Juan 3:10-12, JB: “Sa ganitong paraan ay ating makikilala ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo: sinomang . . . hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay hindi anak ng Diyos. . . . Tayo’y dapat mag-ibigan sa isa’t-isa; at huwag gumaya kay Cain, na kapanalig ng Balakyot at gumilit sa leeg ng kaniyang kapatid.”

      Sa liwanag nito, yaon bang mga nag-aangking kahalili ng mga apostol ay talagang nagtuturo at nagkakapit ng mga ginawa ni Kristo at ng kaniyang mga apostol?

  • Armagedon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Armagedon

      Kahulugan: Ang Griyegong Har Ma·ge·donʹ, galing sa Hebreo at isinaling “Armagedon” ng maraming tagapagsalin, ay nangangahulugang “Bundok ng Megido,” o “Bundok ng Kapisanan ng mga Hukbo.” Iniuugnay ng Bibliya ang pangalang ito, hindi sa isang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share