-
Satanas na DiyabloNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
sistema ng pamamahala. Ipinaliliwanag ng Daniel 10:13, 20 na si Satanas ay may mga demonyong prinsipe na nangangasiwa sa pangunahing mga kaharian ng lupa. Ang mga ito’y tinutukoy sa Efeso 6:12 bilang ‘mga pamunuan, mga kapangyarihan, makasanlibutang mga pinuno ng kadiliman, balakyot na mga espiritung hukbo sa makalangit na mga dako.’
Hindi katakataka na ang 1 Juan 5:19 ay nagsasabi: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.” Nguni’t ang kaniyang kapangyarihan ay sa isang limitadong panahon lamang habang ito’y pinahihintulutan ni Jehova, na siyang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.
Gaanong katagal pahihintulutan si Satanas na mandaya sa sangkatauhan?
Ukol sa patotoo na nabubuhay tayo ngayon sa mga huling araw ng balakyot na sistema ng mga bagay ni Satanas, tingnan ang mga pahina 340-343, sa ilalim ng “Mga Petsa,” at sa paksang “Mga Huling Araw.”
Ang paglalaan upang tayo’y mapalaya sa balakyot na impluwensiya ni Satanas ay makasagisag na inilalarawan ng ganito: “Nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diyablo at Satanas, at ginapos siya na isang libong taon. At siya’y ibinulid sa kalaliman at sinarhan at tinatakan ito sa ibabaw niya upang huwag nang mandaya pa sa mga bansa hanggang sa maganap ang isang libong taon. Pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon.” (Apoc. 20:1-3) Ano ang susunod? “Ang Diyablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy at asupre.” (Apoc. 20:10) Ano ang kahulugan nito? Sumasagot ang Apocalipsis 21:8: “Ito ang ikalawang kamatayan.” Mawawala siya magpakailanman!
Ang ‘pagbubulid sa kalaliman’ kay Satanas ay nangangahulugan ba na siya’y magiging bilanggo sa isang tiwangwang na lupa upang wala siyang matukso sa loob ng 1,000 taon?
Tumutukoy ang ilan sa Apocalipsis 20:3 (sinipi sa itaas) upang umalalay sa ideyang ito. Sinasabi nila na ang “kalaliman,” o “hukay na walang-hanggan” (KJ), ay sumasagisag sa lupa sa kalagayan nitong tiwangwang. Ganoon ba? Ipinakikita ng Apocalipsis 12:7-9, 12 (KJ) na bago siya ibulid sa kalaliman si Satanas ay “inihagis” sa lupa mula sa langit, kung saan dinulutan niya ng malaking kaabahan ang sangkatauhan. Kaya, nang sinasabi ng Apocalipsis 20:3 (KJ) na si Satanas ay “ibinulid . . . sa hukay na walang-hanggan,” tiyak na hindi siya basta iniwan doon sa kinaroroonan na niya—sa kapaligiran ng lupa bilang di-nakikitang bilanggo. Siya’y ilalayo dito, “upang huwag nang mandaya pa sa mga bansa hanggang sa maganap ang isang libong taon.” Pansinin na ang Apocalipsis 20:3 ay nagsasabi na, sa katapusan ng isang libong taon, ang palalayain sa kalaliman ay, hindi ang mga bansa, kundi si Satanas. Kapag napalaya si Satanas, may dadatnan siyang mga tao na dati ay kabilang sa mga bansang yaon.
Ang Isaias 24:1-6 at Jeremias 4:23-29 (KJ) ay ginagamit kung minsan upang suhayan ang paniniwalang ito. Sinasabi ng mga ito: “Narito, pinawawalan ng laman ng PANGINOON ang lupa, at sinisira . . . Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman: sapagka’t sinalita ng PANGINOON ang salitang ito.” “Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman . . . Ako’y nagmasid, at, narito, walang tao . . . Sapagka’t ganito ang sabi ng PANGINOON, Ang buong lupain ay magiging sira . . . Bawa’t bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.” Ano ang kahulugan ng mga hulang ito? Ang mga ito’y unang natupad sa Jerusalem at sa lupain ng Juda. Bilang banal na kahatulan, pinahintulutan ni Jehova na lupigin ng mga taga-Babilonya ang lupain. Nang maglaon ito’y naiwang tiwangwang na parang ilang. (Tingnan ang Jeremias 36:29.) Nguni’t hindi pinalis ng Diyos ang mga tao sa buong globo, ni gagawin man niya ito sa ngayon. (Tingnan ang mga pahina 227-230, sa ilalim ng “Lupa,” gayundin ang paksang “Langit.”) Gayumpaman, lubusan niyang wawasakin ang modernong katumbas ng di-tapat na Jerusalem, ang Sangkakristiyanuhan, na lumalapastangan sa pangalan ng Diyos dahil sa masamang gawain nito, pati ng lahat ng ibang bahagi ng nakikitang organisasyon ni Satanas.
Sa halip na maging ilang, sa panahon ng Sanlibong Taong Paghahari ni Kristo, habang si Satanas ay nasa kalaliman, ang buong lupa ay magiging isang paraiso. (Tingnan ang “Paraiso.”)
-
-
SeksoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Sekso
Kahulugan: Ang paraan ng makalupang mga nilalang ng pagpapakarami sa pamamagitan ng pagsisiping ng dalawang magulang. Ang kaibahan ng lalake at babae ay nakakaapekto nang malaki sa buhay ng tao. Yamang ang Diyos ang siyang Bukal ng buhay at yamang nararapat na ipamalas ng mga tao ang kaniyang mga katangian, ang kakayahang maglipat ng buhay sa pamamagitan ng pagsisiping ay dapat na lubusang igalang.
-