-
AntikristoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ay kanilang pag-uusigin . . . Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan.”
Mga indibiduwal at bansa na sumasalansang kay Kristo bilang Hari o na sa ganang sarili’y may-kabulaanang nag-aangkin sa tungkulin ng Mesiyas
Awit 2:2: “Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda at ang matataas na pinuno ay nagsasanggunian laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran [ang Kristo, o Mesiyas].”
Tingnan din ang Apocalipsis 17:3, 12-14; 19:11-21.
Mat. 24:24: “Magsisilitaw ang mga bulaang Kristo at bulaang propeta at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga pinili.”
-
-
ApostasiyaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Apostasiya
Kahulugan: Ang apostasiya ay ang pagtalikod o paghiwalay sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos, sa aktuwal ay isang paghihimagsik laban sa Diyos na Jehova. Inaangkin ng ibang mga apostata na sila’y kumikilala at naglilingkod sa Diyos subali’t tinatanggihan naman nila ang mga turo o kahilingan na isinasaad sa kaniyang Salita. Inaangkin ng iba na sila’y naniniwala sa Bibliya subali’t tinatanggihan nila ang organisasyon ni Jehova.
Dapat ba nating asahan na may mga apostatang babangon sa gitna ng kongregasyong Kristiyano?
1 Tim. 4:1: “Nguni’t, hayag na sinasabi ng kinasihang mga kapahayagan na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya at mangakikinig sa mapandayang mga kinasihang kapahayagan at sa mga aral ng mga demonyo.”
2 Tes. 2:3: “Huwag kayong padaya kaninoman sa anomang paraan, sapagka’t [ang araw ni Jehova] ay hindi darating, malibang dumating muna ang pagtaliwakas at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.”
Ilang tanda na pagkakakilanlan sa mga apostata—
Sinisikap nilang gawing tagasunod ang iba, sa gayo’y lumilikha ng mga sektang nagkakabahabahagi
Gawa 20:30: “Magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama upang makahikayat ng mga alagad sa kanilang hulihan.”
2 Ped. 2:1, 3: “Sa inyo’y magkakaroon din naman ng mga bulaang guro. Sila’y lihim na magpapasok ng nagpapahamak na mga sekta at itatatwa pati ang may-ari na bumili sa kanila . . . At sa kasakiman ay kakasangkapanin kayo sa pamamagitan ng mga pakunwaring salita.”
Maaari silang mag-angkin na sila’y sumasampalataya kay Kristo subali’t minamaliit ang gawaing pangangaral at pagtuturo na iniatas niya sa kaniyang mga tagasunod
Luc. 6:46: “Bakit nga ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon! Panginoon!’ gayong hindi naman ninyo ginagawa ang mga bagay na sinasabi ko?”
Mat. 28:19, 20: “Humayo nga kayo at gawing alagad ang mga tao sa lahat ng bansa, na binabautismuhan sila . . . na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”
Mat. 24:14: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.”
Inaangkin nilang sila’y naglilingkod sa Diyos subali’t tinatanggihan ang kaniyang mga kinatawan, ang kaniyang nakikitang organisasyon
Jud. 8, 11: “Ang mga lalaki rin namang ito, palibhasa’y mga mapangarapin, ay nagpaparumi sa laman at hinahamak ang pagkapangulo at lumalait sa mga maluluwalhati. Sa aba nila, sapagka’t sila’y napahamak sa mapanghimagsik na pagsasalita ni Kore!”
Bil. 16:1-3, 11, 19-21: “Si Kore . . . ay tumindig, na kasama ng . . . dalawang daan at limampung anak ni Israel, mga pinuno sa kapulungan . . . Kaya’t sila’y nangagpisan laban kina Moises at Aaron at nagsabi sa kanila: ‘Tumigil na kayo, hindi ba’t ang buong kapisanan ay pawang mga banal at si Jehova ay nasa gitna nila? Bakit ba ninyo itinatanghal ang inyong mga sarili sa kapisanan ni Jehova?’ . . . [Sinabi ni Moises:] ‘Ikaw at ang iyong buong pulutong ay nangagpipisan laban kay Jehova. At si Aaron, ano nga’t siya’y inyong inuupasala?’ Nang mapisan ni Kore ang buong kapulungan laban sa kanila sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, ay lumitaw ang kaluwalhatian ni Jehova sa buong kapulungan. Si Jehova ay nagsalita kina Moises at Aaron, na nagsabi: ‘Magsihiwalay kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang sila’y aking malipol sa isang iglap.’ ”
-