-
Mga DrogaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
hippocampus, na siyang may kinalaman sa pagbuo ng alaala; at sa amygdala, na may pananagutan sa ilang paraan ng pagkilos.”—Marso 1981, p. 104.
Ang paggamit ba ng marijuana ay mas malala pa sa pag-inom ng alkohol?
Ang alkohol ay pagkain na tinutunaw ng katawan upang maglaan ng enerhiya; at ang mga labi nito ay inilalabas ng katawan. Gayumpaman, ganito ang sinabi ng isang psycho-pharmakologo: “Ang marijuana ay isang gamot na napakatapang, at ang pinakamalaking pagkakamali na maaari nating magawa ay ang ihambing ito sa alkohol.” “Kung paghahambingin batay sa bawa’t molekula, ang THC [sa marijuana] ay 10,000 ibayo ang tapang kaysa alkohol sa kakayahan nito na makapagdulot ng katamtamang pagkalasing . . . Ang THC ay inilalabas sa katawan nang paunti-unti, at maraming buwan ang kakailanganin bago makabawi mula sa mga epekto nito.” (Executive Health Report, Oktubre 1977, p. 3) Alam ng Maylikha kung papaano ang pagkakayari sa atin, at ang Salita niya ay nagpapahintulot ng katamtamang paggamit ng mga inuming may alkohol. (Awit 104:15; 1 Tim. 5:23) Nguni’t tahasan din niyang hinahatulan ang walang-pakundangang paggamit ng alkohol, kung papaano rin niyang hinahatulan ang katakawan.—Kaw. 23:20, 21; 1 Cor. 6:9, 10.
Bakit minamalas ng mga Saksi ni Jehova ang paghitit ng tabako bilang isang malubhang pagkakasala?
Ito’y nagpapamalas ng kawalang-galang sa kaloob na buhay
Gawa 17:24, 25: “Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto . . . ay nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay at ng hininga at lahat ng bagay.”
“Labis-labis ang katibayan na ang mga sigarilyo ay nagpapaikli sa buhay; ang pagiging-sanhi nito ay matatag na napatunayan sa medisina.”—Science 80, Setyembre/Oktubre, p. 42.
Ipinakikita ng mga ulat na sa Estados Unidos ang dami ng namamatay taun-taon mula sa paninigarilyo ay tinutuos na mga 300,000; sa Britanya, 50,000; sa Canada, 50,000. “Mahigit na isang milyong tao ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo at ang Ikatlong Daigdig, na gumagamit ng 52% sa tabako ng daigdig, ay tumatanggap ng sumusulong na porsiyento sa bilang ng mga kamatayang ito.”—The Journal (Toronto), Setyembre 1, 1983, p. 16.
Sinabi ng dating Kalihim ng Kalusugan, Edukasyon at Kapakanang Panlipunan sa E. U., si Joseph Califano: “Sa ngayon ay wala nang alinlangan na ang paninigarilyo ay tunay na isang dahan-dahang pagpapatiwakal.”—Scholastic Science World, Marso 20, 1980, p. 13.
Hindi ito kasuwato ng hinihiling ng Diyos sa mga Kristiyano na dapat nilang iukol sa kaniya
Roma 12:1: “Ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, kaayaaya sa Diyos, isang banal na paglilingkod taglay ang inyong kapangyarihan ng isip.”
Sinabi ng siruhano-heneral ng Estados Unidos, si C. Everett Koop: “Ang paghitit ng sigarilyo ay malinaw na kinikilala bilang pangunahing maiiwasang sanhi ng kamatayan sa ating lipunan.” (The New York Times, Pebrero 23, 1982, p. A1) “Ipinakikita ng mga pag-aaral na . . . ang pamantayang lawig ng buhay ng isang naninigarilyo ay tatlo hanggang apat na taon ang kaiklian kaysa roon sa hindi naninigarilyo. Ang lawig ng buhay ng isang malakas manigarilyo—isa na humihitit ng dalawa o higit pang pakete ng sigarilyo bawa’t araw—ay maaaring umabot ng walong taon ang kaiklian kaysa isang hindi naninigarilyo.” (The World Book Encyclopedia, 1984, Tomo 17, p. 430) Wasto ba para sa isa na ihandog ang kaniyang buhay sa paglilingkod sa Diyos at pagkatapos ay unti-unting sirain ang buhay na yaon?
“Ang paninigarilyo ay lubhang mapangwasak, lalo na sa puso at baga, anupa’t nawawalan ng kabuluhan ang ibang pitak ng medisina sa paghadlang sa sakit kapag ang isa ay nagsisigarilyo.” (University of Southern California News Service, Pebrero 18, 1982) “Ang paninigarilyo ay malamang na siyang pinakapangunahing tanging maiiwasang sanhi ng pagkakasakit sa daigdig.” (Dr. H. Mahler, direktor-heneral ng World Health Organization, sa World Health, Pebrero/Marso 1980, p. 3) Kasuwato ba ng paghaharap ng isa ng kaniyang sarili sa Diyos ukol sa banal na paglilingkod ang kusang pagwasak sa kaniyang kalusugan?
Ang paninigarilyo ay paglabag sa banal na kahilingan na dapat nating ibigin ang ating kapuwa
Sant. 2:8: “Dapat mong ibigin ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.”—Ihambing ang Mateo 7:12.
“Sa isang di-pa-natatagalang pagsusuri . . . ay ipinahayag na sa pangkalahatan, ang di-naninigarilyong mga asawa ng mga lalaking naninigarilyo ay namamatay nang apat na taon nang mas maaga kaysa mga babae na ang mga asawa’y hindi naninigarilyo.” (The New York Times, Nobyembre 22, 1978, p. C5) “Ang paninigarilyo habang nagdadalang-tao ay maaaring magbunga ng malulubhang kapinsalaan sa paglilihi anupa’t maaaring mamatay ang fetus, o kaya’y namamatay ang sanggol hindi nagtatagal matapos maisilang.” (Family Health, Mayo 1979, p. 8) Ang ganitong kawalang-pagmamahal na pagtrato sa mga miyembro ng pamilya ay maliwanag na katibayan na ang isa ay hindi gumagawi bilang Kristiyano.—Ihambing ang 1 Timoteo 5:8.
“Ipinakikita ng mga pagsusuri na yamang ang panahon na ginagamit ng karaniwang maninigarilyo sa aktuwal na paghitit ay maliit na porsiyento lamang ng panahon ng pagkasindi nito, ang isang hindi naninigarilyo ay aktuwal na napipilitan na lumanghap ng kasindami ring carbon monoxide, tar at nikotina na gaya ng nilalanghap ng maninigarilyong katabi niya.” (Today’s Health, Abril 1972, p. 39) Kaya ang isang tao na hindi umiibig sa kaniyang kapuwa ay naglalaan ng katibayan na hindi rin niya iniibig ang Diyos.—Tingnan ang 1 Juan 4:20.
Bakit gumawa ang Diyos ng mga halaman na pinagkukunan ng droga kung masamang gamitin ito?
Ang mga bagay na inaabuso ay karaniwan nang may wasto ring mga gamit. Totoo ito sa kakayahan ng tao na makapagluwal ng supling. Totoo rin ito sa alak. Ang marijuana ay galing sa mga pinatuyong dahon at usbong ng halamang hemp, na naglalaan ng kapakipakinabang na mga himaymay sa paggawa ng lubid at tela. Ang mga dahon ng tabako, na inaabuso din ng mga maninigarilyo, ay magagamit sa paggawa ng mga pamatay sa mikrobyo at mga kulisap. Kung tungkol sa kayamanan ng lupa, malaki pa ang maaaring matutuhan hinggil sa kung papaano magagamit ang mga ito sa kapakipakinabang na paraan. Maging ang mga panirang damo ay kapakipakinabang sa pagpigil sa pagkatibag ng lupa at nagsisilbing pataba habang ang lupa ay hindi pa inaararo.
Ano ang maaaring gawin ng isa kung nasubukan na niyang kumalas sa bisyo ng paninigarilyo o iba pang droga subali’t hindi naging matagumpay?
Una, sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya at pagbubulaybulay dapat ninyong linangin ang isang masidhing pagnanais na makalugod sa Diyos at mabuhay sa kaniyang matuwid na bagong sistema. Kung magiging malapit kayo sa kaniya, magiging malapit din siya sa inyo, at pagkakalooban kayo ng kinakailangang tulong.—Sant. 4:8.
Mahalaga na maging kumbinsido sa kasamaan ng mga bisyong ito upang mapasulong ang isang tunay na pagkasuklam sa mga ito. (Awit 97:10) Magagawa ito sa pamamagitan ng pagrerepaso sa mga katotohanan na iniharap sa seksiyong ito ng aklat at pagbubulaybulay, hindi sa pansamantalang kasiyahan na makakamit ngayon sa mga bisyong ito, kundi sa kung ano ang nakalulugod sa Diyos at kung gaano kasuklamsuklam ang mga ibubunga ng masasamang bisyong ito.
Kung nakakadama kayo ng masidhing pagkahayok sa sigarilyo o sa iba pang droga, manalangin nang taimtim sa Diyos ukol sa kaniyang tulong. (Lucas 11:9, 13; ihambing ang Filipos 4:13.) Gawin ito agad. Isa pa, kunin ang inyong Bibliya at bumasa nang malakas mula rito, o kaya’y makipagkita sa isang maygulang na Kristiyano. Sabihin sa kaniya kung ano ang nangyayari at hingin ang kaniyang tulong.
-
-
DugoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Dugo
Kahulugan: Isang tunay na kamanghamanghang likido na nananalaytay sa mga ugat ng katawan ng mga tao at karamihan ng mga hayop, na naglalaan ng sustansiya at oksihena, nag-aalis ng mga dumi ng katawan, at gumaganap ng pangunahing papel sa pagsasanggalang sa katawan laban sa impeksiyon. Napakatalik ng kaugnayan ng dugo sa pananatiling buháy kung kaya’t sinasabi ng Bibliya na “ang kaluluwa [buhay] ng laman ay nasa dugo.” (Lev. 17:11) Bilang Bukal ng buhay, si Jehova ay naglaan ng tiyak na mga tagubilin hinggil sa wastong paggamit sa dugo.
Ang mga Kristiyano ay inuutusan na ‘magsiilag . . . sa dugo’
Gawa 15:28, 29: “Sapagka’t minagaling ng banal na espiritu at namin [ang lupong tagapamahala ng kongregasyong Kristiyano] na huwag na kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diyus-diyosan at sa dugo at sa mga binigti [o, pinatay nang hindi pinatutulo ang kanilang dugo] at sa pakikiapid. Kung maingat ninyong iiwasan ang mga bagay na ito ay ikabubuti ninyo. Mabuting kalusugan sa inyo!” (Doon ang pagkain ng dugo ay itinumbas sa pagsamba sa diyus-diyosan at sa pakikiapid, mga bagay na hindi natin nanaising lahukan.)
Puwedeng kanin ang laman ng hayop, nguni’t hindi ang dugo
Gen. 9:3, 4: “Bawa’t umuusad na hayop na nabubuhay ay magsisilbing pagkain ninyo. Gaya ng mga sariwang pananim, lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni’t ang lamang may kaluluwa [buhay]—na siya nitong dugo—ay huwag ninyong kakanin.”
-